Chapter 42: Five Boxes

3.5K 85 4
                                    


Chapter 42: Five Boxes

"Mama" bigkas ni Christian, "Yes anak?" sagot ni Carol habang binabasa yung karton ng cereal. "Diba dati sumasakay ako sa cart, try kaya natin ngayon? Di niyo ba namimiss na tinutulak ako habang nakasakay ako sa grocery cart?" landi ng binata kaya natawa si Rochelle.

"Ang laki laki mo na anak, ano pa magkakasyang grocery sa cart kung isasakay kita diyan?" sagot ni Carol. "That hurts mama, that really hurts" drama ng binata kaya hinaplos ni Carol pisngi ng anak niya saka ito kinurot. "Aray mama" reklamo ng binata.

"Ikaw nagsisimula ka nanaman ha, you behave" sabi ng matanda. Nagkarga ng mga karton ng cereal ang binata pero pinag aalis din ito ni Carol. Pigil tawa si Rochelle saka pinagkukurot kaibigan niya pero walang tigil parin si Christian sa pagkakarga ng kahit anong bagay sa cart nila.

"Hindi ka talaga titigil?" tanong ni Carol. "But mama we need those items" landi ni Christian. "Aanhin mo naman ang pampers?" tanong ni Carol kaya di na nakayanan ni Rochelle at napatawa siya ng malakas.

Sa isang aisle nagsimula ulit si Christian kaya si Carol napailing nalang. Nakita ni Carol na may makakarga nanaman na Pampers sa cart, sisigaw na sana siya pero nakita niya si Rochelle ang naglalagay.

"Wahahahaha hindi natuloy galit niya" kantyaw ni Christian. "Sorry tita, he made me do it" sabi ni Rochelle kaya natawa nalang si Carol. "Hay naku, ano ba kasi ang gusto mo bilhin? Sige na go get it" sabi ni Carol. "Wala naman ma" sagot ng binata.

"Are you sure?" tanong ni Carol. "Meron" kabig ng binata kaya natawa ulit si Rochelle pagkat parang bata yung kaibigan niya. "Then go get it" sabi ni Carol. "Hindi ko naman hihingiin kasi may pera ako kaya lang naiwan ko yung money wallet ko. Ang dala ko po isang wallet ko kung saan nandon lang license ko at extra money" paliwanag ni Christian.

"Anak you don't have to explain, sige na go get it. Rochelle kumuha ka lang ng gusto mo ha" lambing ni Carol. "No tita I am fine" pacute ng dalaga. "Rosh stay with mom ha, babalik ako. Bibilisan ko talaga" sabi ng binata. "Sure" sagot ng dalaga.

"Nakukulitan na siguro kayo sa kanya ano tita?" tanong ni Rochelle. "Of course not, we are more amused actually. May times very mature niya then may times na ganyan parang bata. Alam mo ba pumayat ulit siya?" sabi ni Rosa.

"Yes tita napansin ko nung niyakap ko..ah I mean sa presinto kasi tito told me to calm him down" sabi ni Rochelle. "Ako din nung niyakap ko, I can touch my arms now. I am so proud of him" sabi ni Carol. "Ako din tita, pero bilib talaga ako sa disiplina niya now" sabi ni Rochelle.

"Kami din lalo na si Conrad pero of course Conrad toys around with him. Para silang naglalaro, binibilang ni Conrad yung chocolates, pag giising namin bibilangin ulit. Christian does not eat chocolates anymore, di tulad noon nap ag gising mo ubos na" sabi ni Carol.

"Hahahaha tinatago pa niya sa room niya and under his pillow kaya nilalanggam noon bed niya" sabi ni Rochelle. "How time flies, ngayon ang ganda ganda ng new room niya thanks to you pala" lambing ni Carol. "Nakita niyo na tita?" tanong ni Rochelle.

"Parati niya pinapasikat sa akin kwarto niya nowadays. Malinis daw lagi so I said baka hindi siya doon natutulog" sabi ni Carol kaya nagtawanan yung dalawa. "Ako siguro pinag uusapan niyo ano?" tanong ni Christian. "Hala Choobs" sabi ni Rochelle nang makita yung limang karton ng choco coated cookies na dala ng binata.

"O mama, ibaba ang kilay, I will pay you when we get home" sabi ng binata. May narinig silang iyak kaya napalingon sila at may nakita silang dalawang bata na umiiyak at tinuturo yung mga karton. "Choobs ano ginawa mo?" bulong ni Rochelle.

"Wala" sagot ng binata saka umirap. May lumapit na matandang babae, "Hi, ah kasi those are the last boxes, are you really going to get all of them?" tanong niya. "Yes, tara na magbayad na tayo ma" sabi ni Christian. "Teka lang anak, maybe we can give them one box or two" sabi ni Carol.

STALKERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora