Chapter 20: Bully

4K 103 5
                                    


Chapter 20: Bully

Lunes ng hapon sa loob ng isang snackhouse di mapakali si Rochelle. "Bakit ang tagal nila?" tanong niya. "Nandyan lang mga yan, ano ka ba" sagot ni Zenia. "Tinext mo ba?" tanong ni Lalaine. "Di nga nagrereply e, tinawagan ko di rin sumasagot" sabi ni Rochelle.

"Relax ka nga lang, nandyan lang sila. Baka may kinausap lang si Wes" sabi ni Zenia. "Ayon o" sabi ni Lalaine saka nagturo kaya napatingin si Rochelle sa malayo. Nakita nilang tatlo si Christian at si Wes na papatawid pero napataas kilay ng nakayakap ang bading sa braso ng matabang binata at mukha siyang masaya.

"Hala" bigkas ni Zenia, "Lately sila talaga ang close e, is there something we should know?" tanong ni Lalaine. "Wala..ewan..imposible naman. If ever I should know" sabi ni Rochelle. Nung makalapit na yung dalawa sabay pa sila kumaway na parang beauty queen kaya napanganga si Rochelle.

Pagpasok nung dalawa agad sumingit si Christian sa pagitan nina Zenina at Rochelle. "O order kayo ng food" sabi ni Lalaine. "Busog" sabi ng matabang binata saka hinaplos tiyan niya. "You already ate?" tanong ni Rochelle. "Yeah sorry, biglaan e" sagot ng binata.

"Love ko na si Tyan" sabi ni Wes kaya napatingin sa kanya yung mga dalaga. "Linawin mo naman Wes, tignan mo mga mata ni Rosh, matakot ka sa mga mata niya kaya linawin mo" sabi ni Christian kaya natawa yung bading. "Hay naku, magpapasama lang sana ako kay Tyan at may bibilhin kasi nga tambay don yung laging nagbubully sa akin"

"E eto naman di ako inorient may balak pala gawin kay bubully" sabi ni Wes. "Ano ginawa niya?" tanong ni Zenia. "Papalapit palang kami sa store, I didn't have to tell Tyan who the bully was kasi malayo palang obvious na, nagsimula agad si bubully. Pero eto loko loko ito, di talaga ako na orient. Bubully was like with his tropa but Tyan naman biglang dumiretso"

"As in dumiretso sa kanya hanggang sa inipit niya sa wall" sabi ni Wes. "Ano? Anong inipit?" tanong ni Lalaine. "As in, dumiretso ito, ako lumayo ako talaga sa takot, as if yun lang ang daanan, dumikit talaga si Tyan kay bubully. Naipit talaga siya at my God doon palang gusto ko na tumalon sa tuwa kasi he looked so scared"

"Hala mega eye contact, hindi siya kumukurap, nailang na si bubully, then one of his friend tried to make lapit but si Tyan parang may mata sa side bigla nagturo kaya umatras yung friend na yon. My God yung dialogue niya pang action film, gusto ko magtitili kanina talaga" kwento ni Wes kaya nakangiti na yung mga dalaga.

"Inipit mo talaga Choobs?" tanong ni Rochelle. "Yup, para hindi makakasa ng malakas na suntok. If ever manlaban e suntok sa sides lang, advantage ako kasi may fats ako e. E siya pag sinuntok ko laman at buto agad. Pero nung inipit ko palang I knew hindi na siya lalaban"

"Yang mga bully naman kasi titigil lang sila hanggang may nakaharap din silang mas bully pa" sabi ni Christian. "Ulitin mo yung sinabi mo, yeeeeee sige na ulitin mo" sabi ni Wes kaya natawa yung binata.

"Ahem ahem...binabaan ko talaga boses ko para kunwari siga talaga. Sabi ko, pre balita ko inaraw araw mong asarin tong kaibigan ko ah. Dikit ko yan e, pag yan nasaktan parang nasasaktan na din ako e. So pano natin aayusin ito? Ha?" sabi ni Christian.

"He was like shaking and looking worried, si Tyan lalong dumiin e tapos kaloka halos idikit na talaga mukha niya e" sabi ni Wes. "Ewwww bakit mo naman gagawin yon?" tanong ni Rochelle. "It's a guy thing" sabi ni Christian.

"Tapos bulyawan niya bigla, kaloka! Ano? Nasan na itlog mo?! Magsalita ka! Mega shout grabe pumikit si bubully tapos umaawat na yung mga friendlings niya. Ayon nagsorry si bubully tapos si other friendling todo awat na kay Tyan pero si Tyan mega point sa noo ni bubully"

"As in diniin niya finger niya, bubully made yuko his head and ayon nagsorry ulit sa akin. Tapos nilibre nila kami" sabi ni Wes. "Nilibre kayo?" tanong ni Rochelle. "Yes, nagpatake out pa si Tyan kaya eto may Shawarma kayo dito" sabi ni Wes saka binuksan bag niya at nakita ng mga dalaga yung sobrang daming shawarma.

STALKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon