Chapter 45: Pasabog

3.7K 90 3
                                    

Chapter 45: Pasabog

Disyembre 31 ng umaga sa bahay nina Christian maagang nangungulit si Rochelle. "Ate Mashel ano ipeperform ni Choobs mamaya?" tanong ng dalaga. "Hindi ko alam, wala naman ako napapansin" sagot ng kasambahay. "Tita do you know?" tanong ni Rochelle.

"I am so sorry pero wala naman siya nababanggit, wala din naman kami napapansin na kakaiba not like the past years na obvious na binabalak siya" sagot ni Carol. "Itanong mo nalang siya, pauwi naman na siguro sila" sabi ni Mashel kaya naupo si Rochelle at tumulong sa paghihiwa ng cheese.

"Tita saan ba sila pumunta?" tanong ng dalaga. "Hindi ko alam iha, pero may hinala ako kasi sabi mo pati daddy mo at Rico lumabas din. Siguro father and son bonding moment" sabi ni Carol. "Like what tita? For sure magsasabi si Choobs e" sabi ng dalaga.

"Hindi ko alam, baka surprise nina Frank at Conrad kina Rico at Christian. Wag ka magtampo, I am sure kung pwede babae don e iimbitahan ka" sabi ni Carol. "Hindi naman siguro club na may nagsasayaw na babae ano tita?" tanong ni Rochelle kaya nagtawanan silang tatlo.

"Hindi naman siguro iha, at tutal umagang umaga. Ang alam ko mga ganon sa gabi lang nag ooperate" sabi ni Carol. "Joke lang yon tita, siguro nga father and son bonding, kasi Choobs will always tell me" sabi ni Rochelle. "Of course he will, ikaw ang confidante niya" lambing ng matanda.

"Pero tita alam niyo parang yung PS4 e kay tito naman ata" sabi ni Rochelle kaya laugh trip sina Mashel at Carol. "Sinisingil nga ni Christian ng renta papa niya e" sabi ni Mashel. "Hahahaha loko loko yon, yung totoo ate" sabi ni Rochelle. "Oo, biniro niya si sir, naglagay siya ng relo sa tabi lamesa sa salas tapos may notebook don"

"Nililista niya yung oras ng paglalaro ni sir tapos tuwing magkakasalubong sila, ano daddy renta ka?" kwento ni Mashel kaya natawa ng husto si Rochelle. "Ano naman reaksyon ni tito?" tanong ni Rochelle. "Nag down ng five hundred, si Choobs ayaw paawat, gumawa ng medal, best customer daw si sir" hirit ni Mashel kaya tuloy ang tawa ng dalaga.

"Ang kulit talaga ni Choobs" sabi niya. "Do you know why Christian is letting Conrad play?" tanong ni Carol. "Bakit po tita?" tanong ni Rochelle. "Kasi simula nung dumating yang game console napansin namin hindi uminom ng alak si Conrad o kaya hindi nagbabad sa internet at nagtitingin ng mga baril" sabi ni Carol.

"Oh wow" sabi ng dalaga. "Totoo yan, kaya di mo makikita si Christian na nakikiagaw. Even when he is playing, he will offer Conrad to play with him or he will just let Conrad play" kwento ni Carol. "Kaya pala parang ayos lang na hindi siya nakakalaro lately"

"Akala ko nga I am bossing him around again e, pero tinatanong ko naman siya if he wants to go and play pero ayaw naman niya" sabi ni Rochelle. "Pinag uusapan niyo nanaman ako ano? Open the door! Please open" sigaw ni Christian mula sa backdoor.

Paspas si Rochelle na nagbukas ng pintuan, nagulat siya sa itsura ng kaibigan na pagod na pagod, basang basa at puno din ng putik. "Choobs, what happened to you?" tanong ng dalaga. Sumulpot si Conrad saka binasa ng hose si Christian kaya ang binata nagsisigaw na parang babae.

"Hahahaha pati si tito putikan" sabi ni Rochelle kaya sumulip si Carol. "Conrad! Bakit ganyan itsura niyo?" tanong niya. "Hindi lang kami, pati si Frank at Rico" sabi ni Conrad.

"Daddy!" hiyaw ni Christian na napaupo sa damuhan saka nahiga. "Choobs are you okay?" tanong ng dalaga. "Yeah, just really tired" sabi ni Christian. "Conrad! Saan ba kayo pumunta?" tanong ni Carol.

"E kasi they wanted a feel of what instense training is like so sinama ko sila. You should be proud he survived, si Rico bumigay pero its okay kasi bata pa siya" sabi ni Conrad. "How about si daddy po?" tanong ni Rochelle. "Tinapos naman niya yung course, Choobs encouraged him kaya sabay sila natapos" sabi ni Conrad.

STALKERWhere stories live. Discover now