Chapter 38: Sidekick

3.5K 100 5
                                    

Chapter 38: Sidekick

"Ate tignan mo ito, dalian mo" sabi ni Rico. "Ano nanaman yan? Baka kadiri video nanaman yan ah" sabi ni Rochelle. "Hindi ate, si kuya Choobs mag video call" sabi ng binata. "At bakit siya mag video call e kapitbahay lang natin siya? I saw him a while ago from the window wiping their car" sabi ng dalaga.

"Ewan ko, baka sinusumpong ulit siya" sabi ni Rico. "Well? Nasan?" tanong ng dalaga. "Teka lang, kakatext niya he will be online daw in five minutes" sabi ni Rico. "Aysus ano nanaman kalokohan yan?" tanong ni Rochelle.

Lumitaw yung call screen, "Sagutin mo na dali" sigaw ni Rochelle na todo ayos sa kanyang sarili. "Wait!" hiyaw ng dalaga kaya natawa na si Rico. "O game sagot" sabi ng dalaga kaya pagpindot ni Rico sa green button sabay sila natulala.

Si Christian sobrang ayos ang buhok niya, nakasuot pa siya ng blue coat na hindi magsara, light blue polo with midnight blue necktie sabay nakashades pa siya. "Hahahaha kuya what the hell?" tanong ni Rico. "Choobs..pogi mo ah" bulong ni Rochelle.

"I am sorry, this was supposed to be a private conversation between us. You have involved your sister so this message will explode in five seconds" sabi ng binata saka namatay yung tawag. "Bakit nawala?" tanong ni Rochelle. "Hahaha e nandito ka kasi e" sabi ng binata. "Tinawagan mo ako! Call him back!" sigaw ng dalaga.

Tinawagan ni Rico si Christian, sumagot ang binata at muli nila siya nakita. "Kuya sige na kasi, sorry na" sabi ng bunso. "Fine, Rico as your punishment for violating the...ah..usapang lalake.." sabi ni Christian kaya pigil tawa si Rochelle. "Basta yon, sinisira mo poise ko. Anyway you are hereby banned from coming to my home for three months" sabi ni Christian.

"Okay lang" banat ni Rico. "Really? Okay lang? Rico do you know what this is?" landi ni Christian kaya nanlaki ang mga mata ng bunso. "Oh my God! NBA 2K17!" sigaw ng bunso pero napalunok siya nang makita pa yung Final Fantasy XV na bala. "Rico Boy you have failed...maglaway ka" sabi ni Christian saka pinakita na yung bagong gaming console niya.

"Kuya punta ako diyan" sabi ni Rico. "Choobs! Bakit ka bumili? Hindi ka na bata" sabi ni Rochelle. "Do you see that Rico, that is why I told you this between you and me. She does not understand this things" sabi ni Christian. "Ang dami mo arte, grabe ka hindi ka na bata" sabi ni Rochelle.

"Alam ko pero never pa ako nagkaroon or naka experience ng ganito" sabi ni Christian saka namatay na yung video call. "Tsk, grabe ka talaga ate. Napaka insensitive mo masyado. Alam mo na nga walang wala sila noon e" sabi ni Rico sabay sinara laptop niya saka lumabas ng kwarto.

Nanigas si Rochelle, napasimangot saka biglang naging guilty. "Rico" sigaw niya. "Ano?" sagot ng binata na pababa ng hagdanan. "Pupunta ka sa kanila?" tanong ng dalaga. "Sana pero binadtrip mo naman siya. Mag isip ka din kasi muna bago ka magsasalita" sermon ng bunso.

Nagtungo ang dalaga sa kwarto niya, nahiga siya sa kama saka kinuha phone niya.

Rochelle: Choobs sorry na. I am so sorry for being insensitive

Christian: Wala yon

Rochelle: Sorry talaga Choobs.

Christian: Wala yon, don't worry about it

Rochelle: Gusto sana ni Rico pumunta diyan e.

Christian: Sure let him come over. Antayin ko siya. Sabay namin binyagan

Rochelle: Pwede ba ako sumama?

Christian: At kailan ka pa nagpaalam para pumunta dito aber?

Rochelle: Baka kasi galit ka sa akin e

STALKERWhere stories live. Discover now