Chapter 9: Sundology

4.3K 110 8
                                    

Chapter 9: Sundology

Lunes ng hapon sa main gate napangiti si Rochelle nang makita si Christian. Ang binata pawisan at hingal na hingal kaya natawa ang dalaga. "Don't tell me nilakad mo papunta dito" sabi ni Rochelle.

"Sinubukan ko, hello Zenia howdy doodle doo?" banat ng binata kaya natawa yung kasama ni Rochelle. "Hello Choobs, pumayat ka nga talaga" sagot ni Zenia. "Uy di naman masyado" sagot ng binata. "Ang laki kaya ng pinayat mo" sabi ni Zenia.

"Uy salamat, alam mo ba may stalker si Rosh?" tanong ni Christian. "Yeah she told me kanina" sagot ng dalaga. "Good, oh bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong ng binata. "Wala lang" sagot ni Rochelle. "Wala lang? Nagpagod ako pumunta dito tapos wala lang?" tanong ni Christian.

"Sabihin mo na kasi" sabi ni Zenia. May nilabas si Rochelle na heart keychain mula sa bag niya saka inabot sa binata. "So ano to?" tanong ni Christian. "Iniwan na nakasabit sa locker ko" sabi ng dalaga. "So taga dito" sabi ng binata habang pinagmamasdan yung keychain.

"Kaya nga kita tinawagan para may kasabay ako pauwi. Kasi baka mamaya may email nanaman ako with my photo" sabi ni Rochelle. "Sandali nga, saan ba dito yung parking area ng students? Tara nga don" sabi ng binata.

"What for?" tanong ni Rochelle. "Diba ang theory natin may kotse siya. Tara nga don, para magkaalaman na" sabi ng binata. "Wag na Choobs" sabi ni Rochelle. "I agree with him, tara tara" sabi ni Zenia. "Wala siya ID" sabi ni Rochelle. "Ako bahala, tara Choobs" sabi ni Zenia.

Habang papunta sa parking area nangungulit si Rochelle. "Sa lahat ng pwedeng iregalo sa iyo keychain pa" sabi ni Christian. "Sira na kasi yung binigay mong keychain sa akin, baka nakita niya" sabi ng dalaga.

"Anong keychain?" tanong ni Christian. "Eto o" sabi ng dalaga saka nilabas yung lumang keychain niyang Lilo ang Stitch. "Ay oo, I remember this" sabi ng binata. "Hoy favorite keychain ko yan, kahit sira na tignan mo naman loyal ako. Tinago ko lang yung bago to show you" sabi ni Rochelle.

"Pwede mo naman gamitin yung bago, common sense lang naman yan e. Sira na yung luma, meron bago, e di gamitin ang bago kahit pa galing sa stalker" sabi ni Christian. "No thanks" sagot ni Rochelle. "Choobs, pano mo naman malalaman sino sa kanila yung stalker?" tanong ni Zenia.

Nasa parking area na sila, madaming mga kotse at meron mga ibang mga tambay sa paligid. "Power of deduction lang yan, pag yung guy e pa cool effect at may aura na bilib sa sarili hindi siya yon. Kasi yung mga ganon diretso siyang liligawan, ang hinahanap natin ay yung medyo mukhang tanga" sabi ng binata kaya nagtawanan yung mga dalaga.

"In terms sa itsura low level na gwapo to zero gwaponess" sabi ni Christian kaya bungisngis yung mga dalaga at tinadtad siya ng kurot. "Aray, sandali lang, afford niya ang roses, afford niya yung mamahaling mga stationary na scented, he is observant kasi nga eto napansin niya keychain..."

"May pagka ninja si gago, kaya niya mag blend in. Siya yung tipong tambay ng locker area. Pwede siya pumasa na nerdish, hindi siya yung pagkakamalang magnanakaw or wala siyang criminal face" sabi ni Christian kaya halakhakan na yung mga dalaga.

"Ang sama mo" sabi ni Zenia. "Totoo naman, kasi itong ito si Rosh may pagka paranoid ito. Pag may nakita siyang mukhang kriminal na sa paligid e iiwas na yan. Mula pa nung bata kami ganyan na yan, pag may mukhang kriminal e tatambay muna kami malayo tapos pag wala na yung mukhang kriminal e ayon tuloy sa lakad"

"That means hindi siya mukhang kriminal, kasi pag mukhang kriminal yon hindi niya bubuksan locker niya. Ergo mukha siyang mapagkakatiwalaan. So wait here, maglilibot ako" sabi ni Christian.

"Nagbago si Choobs sobra" sabi ni Zenia habang pinapanood nila yung binata na naglilibot sa parking area. "Yeah, sobra. Nakakagulat nga e" sabi ni Rochelle. "I can remember ang shy shy niya. Pero nandon parin yung pagpapatawa niya" sabi ni Zenia.

STALKERWhere stories live. Discover now