Chapter 31: Live

3.9K 93 5
                                    

Chapter 31: Live

"Rosh bakasyon, bakit ka pa nagdadala ng bag?" tanong ni Christian. "E I brought my charger kasi fifty percent nalang charge ko. I brought my wipes, my brush, my kikay kit then I have my phone here, wallet at madami pang iba" sagot ng dalaga.

"Grabe, kailangan mo ba lahat yan? Tatambay lang tayo sa coffee shop ah" sabi ng binata. "Babae ako e, at ikaw naman magbubuhat ng bag ko" sabi ng dalaga. "Ako? Bakit naman ako?" tanong ng binata. "Please" lambing ng dalaga saka sinabit yung bag niya sa balikat ng binata.

"Tarush!" bigkas ni Christian kaya natawa si Rochelle nang magpakendeng kendeng sa lakad ang binata. "Choobs, eversince naman ganyan na ako. I mean may bag lagi. Di mo lang napapansin kasi bihira ka lumabas" sabi ng dalaga. "Yeah I guess so, okay lang ito para pag nasanay ako mag bag narin ako, then lipstick, face powder..ano pa?" banat ni Christian.

"Hahahaha siraulo ka, pero Choobs, pumayat ka ulit" sabi ng dalaga. "Pano mo naman nasabi?" tanong ng binata. "Eto yung sinuot mo nung lalabas ka sana noon e. Ganitong ganito porma mo" sabi ng dalaga. "Oo nga no, pati sapatos at medyas" sabi ng binata.

"Either lumiit ka or nag expand yung shirt pero lumiit ka ulit kasi I remember clearly halos fitted na ito sa iyo pero look now may allowance na" sabi ng dalaga. "Well wag mo pansinin nalang baka biglang bumalik sa dati" sabi ng binata. "I am so proud of you Choobs" sabi ni Rochelle.

Ilang minuto lumipas sa loob ng coffee shop, "Tignan mo yung mga naputulan ng kuryente nandito silang lahat" sabi ni Christian sa malakas na boses. "Choobs ano ka ba?" bulong ni Rochelle saka tinignan yung halos isang hilerang taong may mga laptop sa isang gilid.

"May pangbayad ng mahal na kape pero walang pambayad ng kuryente at wifi kasi malamang nakiki wifi lang yung iba diyan" hirit ng binata kaya nagpipigil na ng tawa si Rochelle. May isang lalake na napatingin, si Christian nakipagtitigan kaya ninerbyos yung dalaga.

"Problema?" tanong ni Christian kaya napayuko yung lalake saka inayos laptop niya. "Choobs will you stop" sabi ni Rochelle. "Sorry, naaliw lang ako sa mga ganyan" sabi ng binata. "E malay mo sila yung millennials na work nila is online or mga writer sila ganon" sabi ni Rochelle.

"Sauce, nung dumaan tayo nakita ko lahat sila FB lang. Last time nung kami ni Lalaine oo may nakita ako babae na hala sige type ng type. Pagsilip ko aba busy nga talaga, blogger siguro yon. E mga yan? Alam ko kasi pag ganitong shops you are here to socialize, millennial talaga ang social life ay sa social media" sabi ng binata.

"Hayaan mo na" sabi ni Rochelle. "Okay, pero look at us, we are socializing. Diba? Tignan mo yung dalawa sa dulo, magkasama nga sila pero tignan mo, busy sila sa kanya kanyang phones" sabi ni Christian.

"Hahaha will you stop, para kang ignorante. Ayan kasi inarte ka masyado noon ayaw mo lumabas. Ganito ang society Choobs, deal with it" sabi ni Rochelle. "Sorry, so tell me bakit kayo bumalik?" tanong ng binata.

"Iba nalang pag usapan natin" sabi ng dalaga. "Madaya ka talaga, okay since ayaw mo pag usapan eto nalang. Sabihin mo sa akin if masyadong private na at family matters lang siya" sabi ni Christian. "Yes" sagot ng dalaga. "Ayon naman pala e, okay sorry. Ano hindi kayo nakabayad ba?" hirit ng binata.

"Hahahaha sira, hindi no. Basta it's a family matter. Walang pera involved" sabi ni Rochelle. "Oh okay, well sabagay kasi if ever money matter e pwede niyo naman ibenta yung old house niyo. Pero sino yung tumira sa old house niyo? Never namin nakilala yon as in" sabi ng binata. "Ah relative namin yon, nasa Singapore na sila" sabi ng dalaga.

"Grabe, ang creepy nila. Bihira makita" sabi ni Christian. "Well busy people sila e, they travel a lot at balita ko weekends lang sila usually nasa bahay" sabi ni Rochelle. "Totoo, si papa ang nakaharap nila kasi yung kotse nila ang ingay" sabi ni Christian.

STALKERWhere stories live. Discover now