Epilogue

3.9K 50 2
                                    

Ashley POV

"Caleb!" Malakas na niyugyog ko siya sa balikat pero umungol lang ito. Lintek naman oh! "Gumising ka manganganak na ako, hayop ka!" Hinampas ko ito ng pagkalakas-lakas sa dibdib na siyang nagpabagon dito.

"Anong nangyari?! May masakit ba?!" Natatarantang tanong nito.

"Manganganak na ako! Kanina pa kita ginigising, bwesit ka!" Galit na sigaw ko. Mas lalo nanman itong nataranta.

"S-sandali. Dadalhin na kita sa ospital!" Kung sa normal na sitwasyon ay matatawa pa siguro siya ng makita kung paano ito mataranta pero dahil sa masakit na talaga ang tiyan ya ay hindi niya magawang tumawa.

Napasigaw naman ulit ako ng humilab na naman ang tiyan ko. Naiiyak na ako sa sakit. Pinindot naman nito ang intercom na konektado sa kwarto ng personal nurse niya. Ilang sandali lang ay may sinabi ito pero hindi niya maintindihan dahil sumasakit na talaga ang tiyan niya.

"Kunin mo na ang gamit ni Katana at ng baby. Sabihan mo rin si Manong na ihanda ang kotse. Bilisan mo!" Sabi nito ng pumasok ng personal nurse niya.

"Baby, calm down okay?" Gusto ko na itong sigawan na paano siya kakalma kung halos panawan siya ng ulirat sa sobrang sakit! Naramdaman ko naman na umangat na ako sa kama. "Please, don't close your eyes." Bulong nito habang binubahat ako pababa sa kama.

-

Caleb POV

Gusto ko ng magmura ng makita ang sakit na bumalatay sa mata ng asawa ko. Agad na pinagbuksan ako ni Manong ng makitang palabas na ako. Maingat na inilapag ko si Katana at umupo sa tabi niya. Sa passenger seat ko naman pinaupo ang personal nurse nito. Naging maselan kase ang pagbubuntis nito ng tumuntong sa five months kaya kailangan talaga itong i-monitor. Kaya apat na buwan siyang hindi pumasok sa kompanyan at naiintindihan naman ito ng kanyang Daddy. May sariling office naman siya sa kanilang bahay kaya doon niya na lang siya nagtatrabaho minsan at pinapupunta niya lang ang secretary niya.

Agad na sinalubong kame ng mga nurse. Maingat ko naman nilapag si Katana sa stretcher.

"Konting tiis na lang, Baby." Bulong ko sa kanya. Papasok sana ako pero agad na pinigilan ako ng isang nurse.

"Hanggang dito lang muna kayo, Sir." Nag-init naman ang ulo ko sa sinabi nito.

"My wife fucking need me there!" Galit na sigaw ko dala na ng frustration at kaba siguro.

"Pasensiya na po, Sir. Kailangan kasing i-monitor sila." Inis na sinipa ko naman ang pader. Tangina! Gusto niyang makita ang asawa niya! Baka hanapin siya nito.

"Sir, tinawagan ko na po ang Daddy at Mommy niyo." Tumango lang ako at umupo sa silya na nasa labas.

Ilang sandali lang ay nakita ko naman sina Mommy at Daddy na nanghahangos na tumatakbo papunta sa direksiyon ko.

"Where's Katana?" Agad na tanong ng Mommy niya.

"Nasa emergency room. Kailangan raw silang i-monitor." Nanghihinang sabi ko at umupo ulit sa silya.

"Everything will be alright." Tinapik naman ako ni Daddy sa balikat. Napahilamos na lang ako.

"Tinawagan ko na sina Esmael. Papunta na raw sila dito. Pate na rin sina James." Tumango lang ako. Wala akong lakas na magsalita. Nag-alala ako sa sitwasyon ng mag-ina ko. Gustong-gusto kong pumasok pero iniisip ko ang kapakanan ng mag-ina ko. Alam ko sa oras na 'to ay mas alam ng mga Doctor ang gagawin kesa saken.

"How's my daughter? Where is she?!" Napatingala nalang ako kay Mommy Kathy. Si Dad na lang ang sumagot sa kanilang tanong dahil hindi ako makapag-salita ng maayos.

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now