Chapter 39

2K 30 0
                                    

Ashley POV

Pagpasok pa lang ng kotse sa entrance gate ay ang malaking tarpaulin ko na ang makikita.

Welcome back, Ashley Katana Madrid!

May larawan ko pa ito kung saan ay rumarampa ako.

Agad naman na tumingin ang mga tao ng makababa ako sa kotse. Kahapon lang siya nakauwi. Hindi na siya nagtagal sa Spain dahil marami pa siyang tatapusing trabaho. Hindi nga siya nasundo ni Caleb dahil may inasikaso raw ito at hindi rin siguro ito makakapasok.

Nakita niya naman na hinihintay siya nina Kate kaya naman lumapit na siya sa mga kaibigan.

"Your face was all over the news." Agad na balita ni Byen. Yes, she already saa it. Sanay naman kase siya. Lalo na nag-launch sila ng fashion eveny for how many years. Kahit naman hindi sila nagla-launch ay palagi rin naman siyang cover ng mga fashion magazine.

"Wala si Caleb?" Tanong ni Jexy.

"Wala eh. May aasikasuhin raw siya." Tumango-tango naman ito.

Pumasok na sila ni Jexy sa klase at kahit si Kiro ay wala rin.

"Welcome back, Miss Madrid." Nakangiting sabi ni teacher namin kaya ngumiti rin ako.

Ilang sandali lang ay dumating na rin si Kiro na humahangos.

"I'm sorry I'm late." Tinanguan lang siya kaya mabilis na umupo ito sa upuan niya.

"Why are you late?" Tanong ko.

"Na-late kame ng gising." Siguro ay may jet lag pa rin ito sa byahe nila kahapon. "Wala si Caleb?" Tanong nito ng mapansing vacant ang upuan kung saan ang pwesto ni Caleb.

"May aasikasuhin raw ito." Natigilan naman ito sa sinabi ko pero binalewala ko na lang.

Natulog lang siya buong klase dahil inaantok pa siya. Nang mag-lunch bell na ay saka lang siya nagising. Naglakas na sila papuntang parking lot dahil sa labas raw sila magla-lunch ng makita niya si Caleb at tumaas ang kilay niya ng may makitang kasama itong babae. Nagbubulungan naman ang nga tao na nakakita sa eksenang iyon.

"Bakit may ibang kasama si Caleb?"

"Break na ba sila?"

"Gaga! Eh magkasama nga sila noon sa fashion show ni Katana!"

Tiningnan ko naman ang grupo na nagbubulungan pero rinig ko naman dahil sa pinagsasabi nila. Mukhang nakita nila ako kaya dali-dali silang umalis.

"Shit!" Mura ni Kiro pero hindi ko siya pinansin.

Kumaway pa si Caleb ng makita ako pero pinatili 'kong matigas ang ekspresyon ko.

"Hey, Baby." Sabi nito at akmang hahalikan ako sa pisngi ng magsimula na akong maglakad. Nagsimula namang magbulungan ang mga tao. Ngumiti naman ang babaeng kasama ni Caleb pero tiningnan ko siya pababa hanggang pataas.

Disgusting!

The only word she can describe. How plain is that girl? Saang bangketa ba nito binilin ang damit nito?

Nang makarating sa parking lot ay doon na naghihintay sina Kate. Sumunod naman sina Jexy saken at nakita ko si Caleb pero kasama na naman nito ang babaeng iyon! Lalapitan sana ulit niya ako ng mabilis na pumasok ako sa kotse ni Kate. Hindi niya kase dala ang sariling kotse dahil nagpahatid siya sa driver nila. Nakita ko naman na medyo nagulat sina Tres. Hindi kp mawari kung dahil ba sa inakto ko o dahil sa kasamang babae ni Caleb.

Sa isang Pinoy Restaurant kame kumain. Nagulat pa nga ang waiter dahil nakita niya ako. Kumuha na kame ng table para sa amin. Tumabi naman si Caleb saken at akmang aalis ako sa upuan ko ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay ko kaya napaupo ulit ako. Ang ending ay pinagigitnaan namin ng babae si Caleb. Nag-order lang kame at nag-usap-usap na sila.

"Guys, this is Chelsea." Nakangiting pakilala nito at ngumiti naman si Kate.

Chelsea? Sounds familiar.

"Hi, Chelsea! I'm Kate." Nakangiting pakilala naman ni Kate. Tinanggap naman nito ang kamay ni Kate na nakalahad at ngumiti ng tipid.

"I'm Jexy. Nice meeting you." Alanganin pang sabi ni Jexy.

"Pierre." Tipid na sabi ng isa.

"Uhh. Hi! I'm Byen." Napipilitang wika ng isa. Nang hindi ako nagpakilala ay tiningnan ako nilang lahat pero tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Chelsea, Katana my girlfriend." Pilit ang ngiti na sabi ni Caleb.

"Hello! Palagi kang nakwekwento saken ni Caleb." Friendly na sabi nito. Kinukwento? So palagi palang nagkwekwentuhan ang dalawa pero walang may nabanggit kahit isang detalye si Caleb? Tumango lang ako sa kanya. Nahihiyang binaba naman nito ang kamay ng hindi ko iyon tinanggap.

"Your name is familiar." Mahinang anas ni Byen. Nag-isip pa ito at napapitik ng may maalala. "Yeah right! Ikaw yung childhood friend na sinasabi nina James!" Tuwang-tuwa naman na sabi ni Byen ng maalala.

Kaya pala hindi na nakaimik ang apat at hindi nag-abalang magpakilala dahil kilala na pala nila ang sinasabing Chelsea.

Nang dumating ang order nila ay nagkanya-kanya na kame.

"Baby, kainin mo 'to." Sabi ni Caleb lalagyan sana ang pinggan ko ng pigilan ko ang kamay niya.

"Ako na. Kaya ko na ang sarili ko." Malamig na sabi ko.

"Chelsea, wag kang mahiya." Nakangiting sabi naman ni Kate.

Aminado naman akong sa aming lima ay si Kate talaga ang friendly at mahilig itong makipag-socialize. Si Jexy friendly rin pero napipilitan lang minsan. Si Pierre ang hindi masyadong nakikipag-usap pero madaling pakisamahan. Si Byen ang madaldal kahit na kakilala pa lang. Siya naman yung tipo na 'pag ayaw niya ay ayaw niya talaga. Hindi ako mapipilit na makipag-usap kapag ayaw ko.

Buong lunch ay hindi kame nagkikibuan ni Caleb. Kinakausap niya naman ako pero tanging "oo" o "hindi" lang ang sinasagot niya.

"Baby, dito ka na sumakay." Sabi ni Caleb ng makalabas na kame sa Restaurant. Tiningnan ko siya at si Chelsea.

"I'm fine. Don't worry about me. Asikasuhin mo yang childhood friend mo." Sarkastiko 'kong sabi.

Hindi niya naman ako pinilit. Pinapasok na nito si Chelsea sa passenger seat kaya mas lalo akong nainis sa inasal nito.

"Ano na naman ba 'to?" Seryosong tanong nito ng kameng dalawa na lang.

"Wala."

"Wala? Eh bakit nagkakaganyan ka? Pinapahiya mo si Chelsea!" Inis na turan nito.

"What?! In what way na pinapahiya ko ang babaeng yan?!" Galit na tanong ko. Hindi ito nagsalita. Alam ko naman na kino-control lang nito ang sarili para hindi makapagbitaw ng masamang salita. Ngumisi naman ako sa kanya. "Siya ba ang sinasabi 'mong aasikasuhin mo?" Tanong ko. Pero hindi naman ito sumagot kaya nagsalita ulit ko. "Sige na. Asikasuhin mo na yan." Ngumiti pa ako sa kanya at naglakad na sa kotse ni Kate.

"Are you okay?" Tanong kaagad nito. Tumango lang ako sa kanya.

Of course she's not fine! Sino ba naman ang magiging okay 'pag nakita mo ang boyfriend mo na may kasamang ibang babae?!

-


Casanova's QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ