Chapter 22

2.3K 34 0
                                    

Ashley POV

Inis na bumaba ako sa kotse. Hindi pa nga kame ayos na Caleb ay nagsabi ito na hindi niya ako masusundo. May gagawin raw kase itong importante. Wow. Just wow. Dalawang araw na malamig ang trato ko sa kanya. Maybe I'm overreacting but I can't help it! At mas binigyan pa niya ako na wag siya lalong pansinin!

Magkasalubong ang kilay na naglalakad ako sa classroom at late na nga ako. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng may humarang sa daraanan ko. Magsasalita na sana ako ng may ibigay itong red stemmed roses. Kumunot naman ang noo ko. Malayo pa ang Valentine's Day ah? Bakit may nagbibigay na ng bulaklak.

Tiningnan ko naman ang pulang rosas na hawak-hawak ko. Kinuha ko naman ang maliit na puting papel na nakasabit sa stem nito at binasa.

Good Morning, Beautiful! Smile okay? Don't frown 'cause I can imagine your cute face. Take care, Baby. -Evans

Napangiti naman ako. Ano na naman ang pakulo ng baliw na lalakeng iyon kaya? Napailing naman ako at naglakad na.

Nang makarating sa harap ng classroom ay mabilis akong pumasok at umupo na.

"Kanino galing yang rosas?" Agad na tanong ni Jexy saken.

"From Caleb." Sagot ko naman.

"Oh. How sweet naman." Nakangiting sabi ni Jexy kaya ngumiti naman ako.

-

Hindi pumasok si Caleb buong araw. Naglalakad na kame papuntang parking lot ng may humarang saming tatlong mga lalake. Napatigil naman kame at tiningnan ang tatlong lalake. Nanlaki ang mata ko ng ibigay nila ang human sized teddy bear saken at isang rosas. I don't know what to say at akmang magtatanong ako sa kanila ng mabilis na umalis ang tatlo. Nilingon ko naman sina Jexy only seeing their mischievous grin.

"Omaygosh! Ang cute naman nito!" Maarteng tili ni Byen at nilapitan ang teddy bear. Binusisi rin ni Pierre at mukhang kilig na kilig naman sila.

"Ang effort lang eh." Komento ni Jexy.

Hindi na ako nagsalita at dinala ko na ang human sized teddy bear sa tulong ng apat kong kaibigan.

Nagpasundo na rin ako sa driver namin at pinauna ko nalang sina Jexy. Ilang sandali lang ay dumating na si Manong kaya pinakuha ko sa kanya ang malaking teddy bear at pinalagay sa gilid ng backseat at umupo na sa gilid. Tiningnan ko ang maliit na papel at binasa ang note. It's the fifth rose I received simula kanina and each one of them ay may maliit na notes na nakasabit.

I opened it at napangiti ako ng malawak ng mabasa ang nakasulat.

Hi, Baby! This is the last rose I'll give to you this day. You know why I only chose five roses? Because it means 'I love you so much' and I'm serious. Ingat sa pag-uwi, okay? Papakasalan pa kita.

Parang maiiyak naman ako sa nabasa. Maingat na tiniklop ko ang note at nilagay sa bag ko. I can't help but smile while remembering all his efforts. It was overwhelming.

Knowing he's inlove with me already feels like heaven.

-

Bumaba na ako sa kotse at kumunot ang noo ko ng makitang patay ang ilaw sa bahay. Mabilis na pumasok ako sa main door at pinaandar ang ilaw. I gasped when I saw some petals in the floor patungong... garden?

Sinundan ko ang nakakalat na petals hanggang garden at napaluha ako sa nakita.

"W-what is the meaning of this?" Mahinang tanong ko habang tutop ang bibig ko.

Ngumiti lang si Caleb at dahan-dahang lumapit saken. Kinuha nito ang aking kamay at iginiya sa mesa. May nakahaing pagkain at lahat iyon ay mga paborito ko.
"You prepare all of this?" Manghang tanong ko sa kanya.

Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon