Chapter 17

2.4K 39 1
                                    

Caleb POV

They were currently at the bar. Imbis na magpunta sa victory party ay heto siya at naglalasing. Dinamayan na rin siya ng mga kaibigan. One for all, all for one kase ang motto nila. Pag problema ng isa ay problema na rin ng lahat. He still remember ng umalis si Katana kanina.

"Oh ba't umalis yun?" Insensitive na tanong ni Kiro.

"Gago! Malamang nag-away na naman ang dalawang yan!" Sabi ng kakambal nito at binatukan pa si Kiro.

"Hoy, Caleb! Ano na namang ginawa mo sa kaibigan namin?" Galit na tanong ni Pierre at tiningnan pa siya ng matalim.

"Fuck that Felix Ramos!" Galit na sabi niya at iniwanan na rin ang mga ito.

Kaya heto siya ngayon at nag-iinom.

"Inaway-away mo tapos maglalasing ka diyan." Sisi sa kanya ni James.

"Can't you understand? I'm mad!" Inis na sabi niya at ginulo pa ang buhok.

"Bakit?" Painosenteng tanong ni Kairo.

"Everytime that we were together ay nabibigla na lang ako pag may pumapansin sa kanyang mga lalake." Totoo naman ang sinabi niya. Tuwing magkasama sila ay may lumalapit kaagad dito at nagtatanong kung kailan ba available si Katana at niyayayang mag-bar. He's pissed! Fucking pissed!

"Okay sana kung hindi niya kakilala eh. But you know what?" Sabi niya habang nakatingin sa alak ba hawak niya.

"We don't know that's why we're asking." Sabat naman ni Tres kaya tiningnan niya ito ng masama. Pero ang Gago ay ngumisi lang.

"It's one of her flings or whatever you call it! Fuck!" Inis na mura niya. Inakbayan naman siya ni James kaya napatingin ito sa kanya.

"Dude, wag kang magalit diyan. Eh sayo nga mas maraming babae ka pa diyan noon eh." Tiningnan niya naman ito ng masama.

"Kaya nga nagbabago ako para sa kanya!" Inis na sabi ko.

"Yeah we know. Pero ang tanong, nakikita mo bang ini-entertain ni Katana ang mga lalaking yun? Is she unfaithful to you?" Tanong nito. His friend is pointing out something kaya hindi siya sumagot at hinayaan lang na magsalita ito. "Katana is trying to be better also. Can't you see? She don't entertain some Niggah out there. Dude, I'm telling you these, Katana is only focusing on you and she is also trying to work on the two of you. Don't lose the chance that she gave to you." Sabi ni James.

Napaisip naman siya. Simula ng magtapat siya dito ay hindi na ito nagi-entertain ng iba. Ang mga lalake naman kase ang lumalapit sa kay Katana. And it's in the past already. Napatayo siya at umalis ng bar. Tinungo niya ang kotse at nagbyahe papunta sa bahay nito. Tinry niya itong tawagan pero hindi naman nito sinasagot kaya itinigil niya lang.

Maybe she's mad at me.

Don't lose the chance that she gave to you.

Napapamura na lang ako pag naiisip ko ang sinabi ni James. What if she change her mind?

Shit!

Mas lalong niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse at ng makarating sa harap ng malaking gate ay agad niyang tinawagan ito ulit. Nakapatay na kase ang ilaw sa buong kabahayan maliban ang ilaw na nasa gate at harap ng Garden ng mga ito. Ayaw niya namang mangbulabog. Alam niyang gising pa ito. Tinext niya ito at sinabi na nasa labas siya ng kanilang bahay.

Ilang sandali lang ay nakita niyang bumukas ang ilaw sa kwarto nito. Kumaway siya dito ng nakita niyang sumilip ito sa bintana. Nakakunot-noong tiningnan naman siya nito. Tinawagan niya ulit ito. This time ay sinagot na nito ang kanyang tawag.

"Baby." Bati niya.

"Anong ginagawa mo dito? It's midnight already." Malamig na sabi nito. She's mad.

"I... I wanted to see you and talk to you." Mahinang sabi niya habang nakatingala dito.

"Go home and rest. Good night." Sabi nito at pinatay na ang tawag sabay sirado nito sa bintana.

Napabuntong-hininga na lang siya. Pumasok na lang siya sa kotse at nagmaneho pauwi sa kanilang bahay.

Nang makarating sa kanilang bahay ay sinalubong naman siya ng Mommy niya. It's already midnight yet gising pa ito kaya napakunot-noo siya.

"Mom..."

"Are you drunk?" Seryosong tanong nito.

"Nakainom lang, Mom. Ba't gising pa kayo?" Tanong niya.

"I'm waiting for you. May balita ako sayo, Caleb." Seryosong pa rin ito kaya nakatuon na ang buong pansin niya para hindi na ito magalit.

"Ano?"

"Chelsea will be here next week." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Mommy. Parang nawala ang pagkalasing ko sa sinabi nito.

"W-what? Akala ko sa States niya tatapusin ang pag-aaral niya?" Gulat pa rin ang mukha ko.

"Yes. Pero nagbago na ang isip namin ng Daddy mo kaya pinapabalik na siya namin." Nakangiti na ito.

Chelsea is his childhood friend. Anak kase ito ni Manang Lea na kababata ng Mommy niya. Nagtratrabaho si Manang Lea sa kanila simula ng mga bata pa ang mga ito at Mom niya. So he and Chelsea grew up together. Kinupkop na rin ito ng pamilya nila ng mamatay sa sakit ang ina nito. Pinag-aral at binihisan ng mga magulang niya si Chelsea na parang tunay na anak. Two years ago ay pinadala kase ng magulang niya ang babae sa US para samahan siya at doon na rin ipagpatuloy ang kurso nito.

Nagpaalam na siya sa Mommy niya at umakyat sa kanyang kwarto. Naligo lang siya para mahimasmasan at nahiga sa kanyang kama. He open his phone at hinanap ang number ni Katana para mag-text. He already changed his number para hindi na siya ma-contact ng naging babae niya noon. Ilang sandali lang ay umilaw ang cellphone niya at dali-daling kinuha pero na-dissapoint lang siya ng makitang si Tres ang nag-text. Inilapag niya na lang ulit sa bedside table ang cellphone at nahiga na. Umilaw na naman ito pero hinayaan niya na. Baka si Tres na naman at nangungulit.

Kinuha niya na ang cellphone at mumurahin na sana si Tres ng makitang iba ang nag-text.

From: Baby Wifey

Okay.

Shit! 30 ninutes na ang nakalipas. Binasa niya ang isang text nito.

From: Baby Wifey

You're sleeping already? Good night.

Hindi siya nag-reply at tinawagan ito. Tatlong ring na ng sinagot nito ang tawag.

"Baby..." Una niya sabi dahil hindi naman ito sumagot.

"Hindi ka pa natutulog?" Tanong niya ng hindi ito umimik. Nakakabobo nga lang yung tanong niya.

"What do you think? Na sasagot ang cellphone ko mag-isa?" Masungit na sabi nito. Napangiti naman siya dahil alam niyang nakakunot na naman ang noo nito.

"I-I'm sorry about what happened earlier. I'm just mad about that fucking bastard." Hingi ng paumanhin niya pero mauulinigan pa rin ang inis sa kanyang boses.

"Kaya sakin mo binunton yang galit?" Malamig na tanong rin nito.

"No. It's just that, I'm jealous!" Amin niya.

Napabuntong-hininga naman ito sa kabilang linya.

"You don't have to be. It's in the past already."

"Yeah, I know. I'm sorry again, Baby. Bati na tayo ha?" Paglalambing niya. Narinig niya namang tumawa ito ng mahina kaya napangiti siya.

"Okay, okay. Sige na matulog na tayo. Inaantok na ako eh." Narinig niya namang humikab ito.

"Sige. GoodNight, Baby. See you tomorrow. I'll fetch you in your house." Sabi niya.

"Yeah. GoodNight." Sagot rin nito at busy line na lang ang narinig niya.

Binaba niya na ang cellphone at nilagay sa bedside table. Sa susunod niya na lang iisipin ang tungkol kay Chelsea. What's important right now ay bati na sila ni Katana.

Nakangiti siyang nakatulog.

-

Lame lame lame update. Lutang ako nga Bhe.

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now