Chapter 55

2.6K 29 0
                                    

Ashley POV

Napabuga na lang ako ng hangin ng ako na lang mag-isa ang natira sa table namin. Tiningnan ko naman ang pool kung saan nagsasaya na ang mga tao. Kumaway naman si Byen kaya nakangiting kumaway rin ako pabalik sa kanya. Si Jexy naman ay abala sa pag-asikaso sa ibang bisita nito. Pool party theme kase ang naisip ni Jexy. Halos imbitahin nga nito ang lahat ng estudyante sa UDM. Nilagok ko ang hawak na tequilla at malungkot na tiningnan ang kinaroroonan ni Caleb. He's happily mingling with other girls. Pinapalibutan kase ito ng limang babae na halos hubad na. Wala naman na siyang karapatan para magselos dahil siya naman ang nakipaghiwalay dito. Hindi niya alam kung anong meron ito at si Chelsea dahil nakikipagsaya naman ito sa ibang babae. Naramdaman siguro nito na may nakamasid kaya mabilis na binawi ko ang aking tingin sa kanya.

"Katana! C'mon. Join us!" Masayang sabi ni Byen at hinila pa ako sa pagkakaupo.

Natatawang napailing na lang ako habang binabawi ang braso na hila-hila nito. "Wala akong dalang swimsuit. I'm okay here."

"Ewan ko sayo!" Nakasimangot na sabi nito at bumalik na sa pool.

Napangiti na lang ako ng nakita ko na nag-aasaran na naman sina Pierre at Tres. Si James at Kate naman ay nasa dulo ng pool na nakaupo habang nilalambing ni James ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Jexy at Kiro kung bakit hindi na ang dalawa nagpapansinan at hindi nag-aasaran. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa tequilla na hawak ko at iniiwasan na mapatingin kina Caleb.

"Alone?" Napatingala ko at isang nakangiting lalake ang nasa harapan ko.

"Yeah." Sabi ko at binalik na ang tingin ko sa tequilla.

"Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" Magkasalubong ang kilay na tiningnan ko siya pero ang tingin nito ay kina Kate. Feeling close. Naibulong ko sa sarili.

"Wala ako sa mood." Tanging sabi ko at nilagok na ulit ang hawak ko.

"You know, I can accompany you." Tumango na lang ako ng tipid habang hindi siya binibigyan ng tingin. "What's your name?"

"Katana." Mukhang natigilan naman ito.

"Katana Madrid?" Gulat na tanong nito. "Wow. I didn't recognize you." Manghang sabi nito. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito pero binalewala ko na lang. "You look more beautiful than in television screen."

"Thankyou." Plastik na ngumiti ako sa kanya. Nang maubos ang alak ko ay kumuha agad ako sa waiter na nagsisilbi at bumalik sa kinauupuan ko.

"You're free later? Mukhang bored ka na kase. I can make you happy." Nakataas ang kilay na tiningnan ko siya. Was he flirting with me? At ang bastos ng bunganga.

Ngumisi naman ako sa kanya. "Well, to tell you frankly Mr-I-Don't-Know, you should stop bugging me 'cause I'm not fucking interested with your shits." Mataray na sabi ko at tumayo na. Iniwanan ko ang bwesit na mukhang gulat na gulat sa inasal ko.

"Oh, anong nangyari? Mukhang badtrip ka?" Natatawang tanong ni Jexy ng magkasalubong kame.

"Some shithead ruined my night." Nakasimangot na sabi ko at inagaw ang hawak nitong brandy. Pesteng lalaki kase! Naiwan niya ang alak niya tuloy.

"Oh. Is it because of Caleb?" Naiiritang nilingon ko naman siya.

"What are you talking about?" She's not referring Caleb.

"Look at him. He must be enjoying those girls company." Sabi nito na mukhang inaasar lang ako. Tiningnan ko naman ang direksiyon nito at tumaas ang kilay ko ng makitang tumatawa ito kasama ang ibang babae.

"I don't care." I said and act like I rwallr doesn't care but deep inside I want to wreck those girls neck.

"Really, huh?" Nakangising tanong nito kaya nilingon ko ang direksiyon ulit ni Caleb at nagsitaasan lahat ng dugo niya papuntang ulo. He's making out in the pool! "Ang mukha mo namumula na sa galit." Natatawang sabi ni Jexy kaya inirapan ko lang siya.

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now