Chapter 40

2.2K 30 1
                                    

Ashley POV

Nawala ang ngiti ko ng makitang hindi lang si Caleb ang nasa loob ng kotse. Napagdesisyunan ko na kase na makipag-ayos na kay Caleb dahil wala naman patutunguhan kung magmamatigas pa siya.

"Baby, good morning." Nakangiting sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto. Tiningnan ko naman si Chelsea na ngumiti ng tipid saken. Inirapan ko lang siya at pumasok na.

"You didn't tell me that you're an instant driver niya pala." Nakangiting sabi ko pero halata namang peke.

"Baby..." Nagsusumamong sabi nito na parang pinahihiwatig na wag akong magmaldita.

Sa buong byahe ay kinakausap naman siya ni Chelsea pero hindi niya naman ito sinasagot. Kaya ng makarating sila sa loob ng campus ay hindi niya na hinintay na pagbuksan pa siya ni Caleb ng kotse.

"Oh nakabusangot ka na naman?" Tanong ni Jexy. Umingos lang ako sa kanya. Napatingin naman sa direksiyon nina Caleb si Kate.

"Kaya pala."

"Bakit kasama mo ang babaeng yun?" Tanong ko agad kay Caleb ng dalawa na lang kame ang naiwan.

"Uhhh, Baby ano kase..." Nagsalubong naman ang kilay ko sa inakto nito.

"Ano?!" Inis na tanong ko.

"Ulila na kase siya. Doon siya sa bahay nakikitira." Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Kulang na lang ay mag-isang guhit ito.

"What?! Can you please explain?"

"Anak kase siya ng isa naming katiwala. We grow up together kaya ng mamatay ang mga magulang niya ay kinupkop na siya nina Mommy." Hindi naman ako nag-komento kaya nagpatuloy ito sa pag-explain. "Magkasama kame sa States na nag-aral. Pinauwi lang siya dito nina Mommy para dito niya ipagpatuloy ang pag-aaral. So please, Baby. Be nice to her ha? Try to befriend with her. Chelsea is a nice girl." Sabi ni Caleb at hinalikan ang noo ko. Pero may gusto pa akong itanong sa kanya.

"Kailan siya umuwi dito?" Natigilan naman si Caleb sa tanong ko.

"I guess, magtu-two months na." Nakayukong sabi nito. Nahigit ko ang hininga sa sinabi nito. Magtu-two months na pero ni hindi man lang ito nag-abalang magkwento sa kanya?!

"You didn't even bother telling me?!" Galit na tanong ko.

"Baby..."

"Ano ba ako sayo, Caleb?! Girlfriend mo ako pero hindi ka man lang nagkwento saken. Baka naman mabigla lang ako isang araw na may ipapakilala ka na naman. Marami pa ba akong hindi nalalaman?!" Galit na tanong ko pero nanatili lang itong nakayuko. "Talk to me!"

"Akala ko kase hindi na mahalaga yun." Dahilan nito.

Napatawa naman ako ng pagak. "I'm your girlfriend so even a little details matters to me. Girlfriend ba yung turing mo saken?" May hinanakit sa tono ng pagsasalita ko kaya automatic na umangat ang tingin nito.

Mabilis na hinawakan nito ang magkabilang-pisngi ko.

"Baby, wag ka namang ganyan. Syempre girlfriend kita. Girlfriend yung turing ko sayo." Sabi nito at mahigpit siyang niyakap.

"Sa inyo rin ba tumutuloy si Chelsea?" Tanong ko habang yakap-yakap niya pa rin ako.

"Y-yes." Nauutal na sabi nito.

Pinigilan ko naman ang sarili na hindi mainis.

"May gusto ba siya sayo?"

Napatawa naman ng mahina si Caleb. "That's the most unbelievable thing na mangyari. Chelsea and I are almost a sibling. So you don't have to worry."

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now