Chapter 23

2.3K 33 0
                                    

Ashley POV

Nakangiting bumaba ako ng hagdan at nakita ko naman si Caleb na kausap si Mommy. Napangiti naman ako at mabilis na hinalikan si Mom sa pisngi at hinalikan ko rin si Caleb dahil alam kong naghihintay na naman yan sa halik ko.

"Dito na kakain si Caleb." Sabi ni Mom at tinungo ang dining area. Sumunod naman kameng dalawa.

Naglagay lang ako ng Grilled Sandwich sa maliit na pinggan.

"What?" Asik na tanong ko kay Caleb ng makitang nakakunot-noo itong nakatingin sa akin.

"Tss. You should eat more." Sabi nito at nilagyan na ang plato ko kaya hindi na ako nakapag-hindi sa kanya.

"Katana, your Dad will be here next week." Nakangiting sabi ni Mommy kaya napatigil naman ako sa pagsubo.

"Really? Omaygosh. I missed him so much!"

"Yeah. So you better be ready." Makahulugang sabi ni Mom kaya napatingin ako kay Caleb at ngumiti. Pinisil naman nito ang kamay kong nakapaton.

-

"Let's all welcome the newly couple!" Asar na sigaw ni Tres sabay palakpak pa at ang baliw niyang kaibigan ay sumabay rin sa pagpalakpak.

"Congrats, Pare." Saad naman ni James at nakangising tinapik ang balikat ni Caleb.

"Sayang. Akala ko makakadiskarte pa ako kay Katana eh." Kairo jokingly said pero mukhang di biro ang dating kay Caleb kaya tumatawang itinaas nito ang dalawang kamay. "Dude, I'm just kidding." At tinapik rin ang balikat nito.

"Tigilan niyo nga ako." Inisna saad ni Caleb pero tumawa lang sina James.

"Sabi ko na eh." Saad naman ni Pierre ng makalapit ako sa kanila.

"Should we celebrate or not?" Nakangising tanong ni Byen.

"Wala ako sa mood." Sabi ko nalang at umupo na sa tabi nila.

"Tss. Sige na. It's been a long time since we get wasted." Pamimilit ni Byen.

"Fine. Later, okay?"

"Yes! Okay then." -Pierre

Lumapit naman si Caleb saken at hinawaka ang kamay ko.

"Dinner tayo mamaya?" Tanong nito habang pinipisil ang kamay ko. Napatingin naman ako kina Jexy at ngumiwi naman ang apat.

Alanganing sumagot ako. "Uhmm. Magba-bar kase kame mamaya."

"What?" Tumingin ito saken at nagsalubong naman ang kilay nito.

"Matagal na kase kaming hindi nakapag-bar." Rason ko naman at hinakawan ang kamay nito.

Hindi naman ito nagsalita at tiningnan lang ako kaya kumapit ako sa braso niya. "Please." Nakangiting sabi ko habang nagpapa-cute.

"Fine but I'm coming with you." Seryosong saad nito. "Boyfriend duty." Dugtong naman nito kaya mas lumawak lalo ang ngiti ko.

"Don't worry I'll behave later, okay?" Lambing ko naman sa kanya.

"Don't wear sexy dress." Tumango naman ako at hinalikan siya sa pisngi. "Hey, stop it." Referring sa nakakunot-noo niyang reaksiyon.

"Nahiya naman ako sa inyo." Pagpaparinig ni Kate kaya napatingin ako sa kanila. Inirapan ko lang sila at sumandig na kay Caleb.

-

Naghihintay ako kay Caleb dahil may meeting daw sila sa Basketball. Nauna na rin sina Kate umuwi kaya ako nalang ang naghihintay.

"Baby, sorry kung naghintay ka ng matagal." Tumingala naman ako at nakita si Caleb na humihingal. Kinuha ko naman ang panyo sa bag ko at tumayo.

"It's okay." Matipid kong sagot habang pinupunasan ang noo niyang pawisan.

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now