Chapter 50

2.2K 30 0
                                    

Ashley POV

One week na ang lumipas simula ng malaman ko ang kahayupan nilang dalawa. Simula ng araw na yun ay hindi na ako nagpapasundo kay Caleb sa bahay at hindi na rin naman ako nagpapahatid. Hindi rin naman ito nagpupumilit na. Pabor naman ito sa binata. Alam niya namang nakakahalata na ang mga kaibigan pero hinihintay lang na magsalita siya o si Caleb. Siguro nga naghihintay na lang ang binata na makipaghiwalay siya. Pero hindi niya iyon gagawin dahil ipapatikim niya muna ang galit niya.

Sa ngayon, hindi niya alam kung nasaan si Chelsea. Sinusungitan kase at tinatarayan niya ang dalaga. Siguro ay nag-iinarte. Last time ay nasigawan niya ito sa harap ng buong klase dahil nagkamali ito sa kanilang group report. At syempre, ang bwesit niya namang boyfriend ay nagpaka-bayani kaya nag-away sila dahil sa pesteng Chelsea. Pero imbis na umiyak sa isang tabi ay nag-enjoy naman siya. Masarap rin pala kapag sila naman ang pinapaikot mo.

Ngayon ay mag-isa siyang tumatambay sa Oval. Pinagsabihan kase siya ni Kate at Jexy ng tinulak niya si Chelsea dahil nag-sorry ito sa nagawang pagkakamali sa group report. Wala siyang may nararamdan kahit ano. Pagkatapos ni Chelsea ay si Caleb naman. Napangisi na lang siya. Napangiti ako ng makita sina Kate.

"Oh, hi!" Nakangiting sabi ko pero seryoso lang ito habang hindi naman mapakali si Byen.

"Ano na naman ang ginawa mo kay Chelsea?" Nagtitimpi na rin ito kaya mas lalo akong ngumiti.

"Ah! Yung tinapunan siya ng estudyante? Ako ang gumawa nun." Proud ko pang sabi.

"What the hell! Akala ko okay kayo ni Chelsea?" Pinigilan naman ito ni Jexy pero sumenyas ako na hayaan lang.

"We're okay." Pero ginago nila ako.

"Were you just faking it?" Ngumisi naman ako. Fake? Nung una pa lang ay totoo na ang ipinapakita niya. Pero sila naman ang gumawa ng paraan para magalit siya.

"No." Diretsang sabi niya.

"Bakit mo ginawa yun? Kung may di kayo pagkakaunawaan ni Caleb ay wag mo siyang isali!" Galit na rin ito. Hindi ko lang alam kung anong magiging reaction mo 'pag nalaman ang totoo.

"Sino ba ang kaibigan mo saming dalawa?"

"Ikaw!"

Humalukipkip naman ako at tiningnan siya sa mata. "Eh bakit siya ang kinakampihan mo?"

"Dahil mali naman ang ginagawa mo, Katana! Kaibigan natin siya." Tiningnan ko siya sa mata ng seryoso. I just look at her with my cold eyes.

"You know me. Hindi ako gumagawa ng isang bagay kung hindi ako inunahan." Makahulugan kung sabi at iniwanan sila na may katanungan sa kanilang isip.

Mabait siyang kaibigan. Pili lang ang mga kaibigan niya pero alam niyang totoo siya. Kung mas hayop ang mg ito ay mas hayop ang ugali niya.

-

Magkasalubong ang kilay na tiningnan ko si Caleb ng hawakan nito ng mahigpit ang kamay ko.

"What?" Iritadong tanong ko.

"I heared what you did." Galit na sabi nito.

"Alin ba dun? Ang tinulak ko siya o ang pinatapunan ko siya ng pagkain?" Nakangiting tanong ko  hindi alintana ang galit na si Caleb.

"Ano bang problema mo sa kanya? Akala ko kaibigan ang turing mo sa kanya?"

Kaibigan? Kung hindi niyo sana ako nilokong dalawa!

"Kaibigan naman ang turing ko sa kanya." Matamis pa akong ngumiti na mas lalong ikinainis nito.

"You're treating her as a friend yet you're doing those things to her!" Galit na sabi nito.

Bakit mo rin nagawang lokohin ako?

Gusto 'kong itanong pero tiningnan ko lang siya sa mata. Gustong-gusto ko siyang pagsasampalin dahil sa ginawa niya pero hindi ko maigalaw man lang ang kamay ko. Gusto ko siyang murahin ng murahin pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Isang malamig na tingin ang ipinukol ko sa kanya at hinigit ang braso ko na hawak-hawak nito.

"We're not yet done, Katana!" Ma-autoridad na sabi nito.

"Yes, we are."

"Kung nagseselos ka dahil kay Chelsea, you don't have any reason to be." Gusto kung matawa sa sinabi niya. Really? Kung tanga pa ako, siguro ay maniniwala ako. At hindi siya ganun kababaw para gawin ang ganung bagay porket nagseselos lang siya.

Wag na wag mo akong ginagawang tanga, Caleb. Mas lalo lang akong nagagalit.

-

Short update

Casanova's QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon