Chapter 53

2.3K 31 0
                                    

Ashley POV

Dalawang linggo ang lumipas. Dalawang linggo na hindi kame nagpapansinan. Dalawang linggo simula ng makipag-hiwalay na ako sa kanya. Nasa Council Office ako dahil nagme-meeting kame para sa Graduation isang buwan at isang linggo simula ngayon. Bumukas ang pinto at napatingin ako. Agad na iniwas ko ang tingin ko. Naalala ko na naman na palagi akong pinupuntahan ni Caleb dito at dalhan ng lunch at sabay kameng kumain.

"Marc, ako na lang ang kukuha ng folders." Sabi ko isang kasamahan namin. Tumango naman ito at binalik na ang tingin sa monitor. Lumabas na ako ng Council Office at nakita ko naman ang President.

"Des, I'll get the folders na." Sabi ko at umalis na. Napatingin naman ako sa kabilang banda at nakitang nakatingin sina Kate saken. Kasama sina James. Agad na umiwas ako ng tingin at naglakad paalis.

Nalaman ko na kilala na raw nina Caleb ang gumawa kay Chelsea noon. They tried approaching me to apologize pero umiiwas na kaagad ako. Nang makuha ang mga folders ay agad na bumalik ako sa Council Office.

"Katana." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon.

"Ashley." Napapikit ako sa tinawag niya saken. Nilingon ko naman sila at ngumiti ng alanganin si Kate. Alam ko na naglalambing siya saken dahil tinawag niya ako sa unang pangalan ko.

Naramdaman ko naman na mahigpit nila akong niyakap na apat.

"S-sorry..." Humihikbing sabi ni Kate habang niyayakap pa rin ako. I stand still.

"We miss you." Sabi ni Jexy na pinapahiran ang luha nito.

"Ash." Naiiyak naman na sabi ni Pierre. Yumakap naman saken si Byen habang umiiyak.

I miss you too, Girls.

Ngumiti lang ako sa kanila.

"I have so many things to finish. I have to go." Sabi ko at nagpaalam na. Alam ko na nagulat sila sa inasta ko.

-

Lumabas na ako sa Quarters Area dahil tapos na ako sa pagme-meeting sa Squad. And this is the last day of being a Cheerleader. Tinahak ko na ang daan papuntang parking lot kung nasaan ang kotse ko. Natigilan ako ng makita si James. Lalagpasan ko na sana siya ng tawagin niya ang pangalan ko. Tumigil ako sa paglalakad at hindi nagsalita. Hinintay ko na magsalita ito.

"Sana maayos niyo ni Caleb ang relasyon niyo." Narinig 'kong sambit niya.

"We already broke up." Tanging sabi ko. Alam kung alam na rin nila na hiwalay na kame.

"Alam mo na ikaw lang ang sineryoso niya. Lahat na pagmamahal niya ay binuhos niya sayo. Ikaw lang ang babaeng pinakilala niya kina Tito. Ikaw lang ang babaeng dinala niya sa bahay nila imbis na sa Hotel. Can you please fix your relationship with him? Nag-alala na sina Tita sa kanya." I can almost sense na nagmamakaawa ito saken.

"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko pero hindi pa rin siya hinaharap.

"Ilang araw siyang nagkulong sa kwarto niya. Pwersahan na pinasok nina Tita ang kwarto niya at mabuti na lang ay napigilan siya sa ginagawa niya. He tried killing himself." Natigilan ako sa narinig. He tried killing himself? Because of what? Is it because of her?

"K-kamusta na siya?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nasa St. Lukes Hospital siya ngayon. It's your choice if you want to see him." Ilang minuto lang akong nakatayo kahit na alam 'kong umalis na si James.

Kahit na nagmamaneho ako ay hindi pa rin ako mapakali. Kaya imbis na dumiretso siyang umuwi ay tinahak niya ang daan papuntang ospital kung saan na-admit si Caleb.

"Where's Matthew Caleb Evans room?" Tanong ko sa babae ng makapasok na.

"Wait a second, Ma'am. Nakangiting sabi nito. Hinintay ko naman siya. "Room 310, Ma'am." Agad na pumasok ako sa elevator at hinanap ang room number ni Caleb.

Hindi ko alam kung papasok ako o hindi.

"Katana?" Parang gulat na tanong ni Tita. Tiningnan niya pa ako ng maigi para siguraduhin na ako nga.

"G-good evening po, Tita." Nakayuko 'kong sabi.

"Si Caleb ba? Puntahan mo lang siya diyan. Tulog pa kase." Nakangiti ito kaya lumuwag naman ang pakiramdam ko. Hindi ba ito galit saken? Tumango na ako at akmang bubuksan ang pinto ng magsalita ito ulit.

"Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ni Caleb ay sana maayos niyo. Mahal na mahal ka ng anak ko, Katana." Sabi nito at umalis na. Tuluyan na pumasok na nga ako sa loob. Nakita ko naman na mahimbing na natutulog ito. Agad na umupo ako sa upuan malapit sa kama nito.

Hinawakan ko ang pisngi nito pero agad ko rin namang kinuha ng gumalaw ito. Parang pumayat nga ito at humimpis ang pisngi. May itim rin sa ilalim ng mata nito. Pinahid ko ang luha na kumawala sa mata ko.

"I love you." Bulong ko at hinalikan ang noo nito.

Kinalma ko muna ang sarili ko at tumayo na para umalis. Pipihitin ko na sana ang pinto ng matigilan ako.

"K-katana..." Napapikit ako ng nga mata ko. It's been a week since the last time I heared him call my name. Dalawang linggo rin kase itong hindi pumasok at hindi naman siya nagtanong kung anong nangyari sa binata. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng makita 'kong umiiyak ito.

"Hi." Pilit ang ngiting sabi ko.

"God! Is it really you? Come here." Naiiyak na sabi nito. Lumapit rin naman ako at agad na hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. "I miss you, Baby." Naiiyak na sabi nito pero tiningnan ko lang siya.

"Come back to me, please." Pagmamakaawa nito.

Mariin naman akong umiling. "Hindi lahat ng gusto mo ay dapat matupad. Do you really think na babalik ako sayo dahil diyan sa pinanggagawa mo?" Seryosong tanong ko.

"Katana..."

"Just accept the fact that we already broke up. Accept the things that weren't there anymore and move on. Ipagpatuloy mo ang buhay mo kahit wala na ako. Tanggapin mo na may ibang bagay na hanggang dito lang. Tanggapin mo na hanggang dito lang tayo. Nabuhay ka ng ilang taon na wala ako. Kakayanin mo na mabuhay kahit wala na tayo." Umiiyak na umiiling lang ito. Pinigilan ko ang mga luha ko na handang na umalpas sa mata ko at malakas na binawi ang kamay 'kong hawak-hawak niya. "Magpagaling ka. Goodbye, Caleb." Pinatapang ko ang mukha ko at umalis na.

I'm sorry.

Alam niyang iyon ang tamang gawin. Isang maling desisyon niya lang ay alam niyang marami ang masasaktan. Pinakawalan ko ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Siguro isa sila sa halimbawa na pinagtagpo pero hindi itinadhana.

I never regret loving you. Loving you is almost a fairytale but we don't have our happy ending.

-

Hay hay.

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now