Chapter 54

2.4K 24 0
                                    

Ashley POV

"Tulala ka na naman." Ngumiti ako ng pilit kina Kate.

"Wala. May iniisip lang." Sabi ko at ininom ang frappe na binili ko.

"Kaya nga tayo nag-mall para naman mag-enjoy ka." Yes. Nasa isang mall sila ngayon dahil pinuntahan siya at sapilitang sinama nina Kate. Okay na sila. Kahit sina James ay kinakausap siya maliban kay Caleb na halatang iniiwasan siya. Si Chelsea naman ay ngumingiti naman sa kanya pero hindi na tulad ng dati na masayang nagtitipon-tipon sila.

"Oo na." Natatawang sabi ko.

Nakikinig na lang ako sa kwentuhan nila dahil inaasar nila si Pierre kay Tres. Nalaman ko rin na nanliligaw na si James kay Kate and she was happy about it.

"Anong plano mo sa birthday mo?" Singit ko sa usapan. Isang linggo na lang at birthday na kase ni Jexy.

"Pool party na lang siguro sa bahay." Nakasimangot na sabi nito.

"Paano sina Tito?" Mas lalo naman itong sumimangot kaya napailing na lang ako.

"Invited sina Tres?" Agad na tanong ni Pierre kaya natuon sa kanya ang tingin naming lahat. Ngumiti naman ito ng alanganin.

"Napaghahalataan ka na." Naniningkit ang matang sabi ni Byen.

"A-ano? Hindi ah." Nauutal na sabi nito kaya napatawa naman kame.

"Hoy, umamin ka nga! May gusto ka kay Tres 'nu?" Nang-aasar n tanong ni Byen na lalong ikinapula ng pisngi ni Pierre.

"Eh crush lang naman!" Nahihiyang sabi nito kaya tumawa naman kame. "Kasalanan niya dahil palagi niya akong kinukulit! Na-fall tuloy ako." Nakangusong wika nito.

Napailing na lang ako. Hindi na ako nakisali sa kanila at hinayaan na silang mag-asaran. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa cake na inorder ko.

Naglibot-libot kame sa mall at halos bilhin na nga nila pate mall pero siya lang ang walang binili sa kanila. Nawalan kase siya ng gana kaya naupo lang siya habang hinihintay sina Kate sa pagpili.

Lumabas muna ako at naglibot-libot sa mall. Napadaan ako sa isang Baby Store. Napangiti naman ako. Papasok na sana ako ng matigilan sa nakita. Tumulo na naman ang luha ko ng masayang makita na pumipili si Caleb at Chelsea ng damit-pangbata.

Bakit umiiyak ako? Ako naman ang nakipaghiwalay. Tiningnan ko sila ulit. They look like a happy couple. Hawak-hawak nito ang bewang ni Chelsea na abala sa pagtingin sa ibang damit. Tumalikod na ako at naglakad palabas at sakto namang lumabas sina Kate na mukhang natataranta pero ng makita ako ay agad akong tinawag.

"Katana!" Nag-alalanga sigaw ni Jexy kaya ngumiti ako. "Saan ka ba pumunta?"

"Wala. Naglibot-libot lang." Ngumiti na ako at naglakad na paalis ng mapansing hindi naman gumagalaw sina Kate kaya nilingon ko sila.

"Hali na..." Natigilan ako ng makitang kaharap namin si Chelsea at Caleb.

"H-hello." Awkward na bati ni Pierre. Ngumiti naman ng tipid si Chelsea. Tiningnan ko ang kamay ni Caleb na nakahawak sa bewang ni Chelsea.

"Caleb." Pilit ang ngiti na sabi ni Kate at tiningnan pa ako.

"S-sige. Mauna na kame." Mabilis na paalam ni Byen at hinila na ako. Nagpatangay naman ako at nilingon sila. Nakita 'kong malamig na nakatingin saken si Caleb pero ako na ang unang umiwas.

Parang wala lang nangyari at alam ko naman na iniiwasan nilang pag-usapan ang kaninang nangyari.

"CR muna ako." Paalam ko. Ewan niya ba bakit wala siyang gana. Noon naman ay halos bilhin niya lahat ng makita pero ngayon ay tinatamad siya. Ngayon ay nasa isang salon sila. Siya at si Kate lang ang hindi nagpa-salon.

"Samahan na kita." Sabi ni Kate at binaba ang magazine na binabasa.

"Okay lang." Ngumiti ako at naglakad palabas.

Naglagay ako ng lipstick at nag-retouch. Palabas na ako ng gusto kung bumalik na lang ulit sa CR ng makita na naman sila. Nananadya ba ang tadhana? Tss.

"I told you not to carry it." Nakasimangot na sabi ni Caleb habang kinukuha ang shopping bag kay Chelsea.

Itinuloy ko na ang paglalakad at nagkunwaring hindi ko sila nakita.

"Katana." Napalingon ako at nakita ko si Chelsea na tipid na ngumiti kaya tinanguan ko na lang. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa si Caleb kaya dumiretso na ako at bumalik sa salon.

Naupod na ako sa sofa at binuklat-buklat ang magazine na nasa table. Ang tagal naman kase matapos! Naiinis na siya kaya naman niyaya niya si Kate na pumunta sa malapit na Ice Cream Store para magpalamig. Nagpaunlak naman ito kaya nagpaalam na siya kina Jexy.

Nang makarating na sila ay natigilan naman sila. Bwesit! Nananadya talaga ang lintek na tadhana! Naramdaman ko naman na humigpit ang kapit ni Kate saken.

"Ano sa iba na lang tayo?" Nilingon at ngumiti ako kay Jexy.

"Hindi na. Dito na lang tayo." Sabi ko at nilibot ang paningin para tingnan kung saan ang may space pero sadyang malas lang siguro siya dahil sa katabing table pa talaga nina Caleb. Kaya no choice siya. At isa pa, bakit siya iiwas? Lumapit na sila at agad na nag-order. Lahat na frustration na nararamdaman niya ay binunton niya sa ice cream na kinakain.

"Dahan-dahan lang. Parang mauubusan ka naman eh." Natatawang sabi ni Kate pero hindi ko siya pinansin.

"Ang dungis mo talagang kumain." Mas lalo kung diniinan ang kutsara na gamit ko ng makita ko sa gilid ng mata ko ang pagpahid ni Caleb sa labi ni Chelsea. Tss.

"Katana." Inangat ko ang tingin ko at ngumiti kay Kate na nagpapahiwatig na kaya ko. Kaya kahit nag-aalanganin ay binalik na lang nito sa ice cream ang atensiyon.

"Where do you want to go?" Narinig ko na tanong ni Caleb.

"Uwi na lang tayo." Mahinang sabi ni Chelsea.

"Katana, balik na lang tayo sa salon?" Tanong ni Kate ulit.

"Ubusin na lang natin 'to." Tumango naman ito. Alam ko naman na nakaramdam ng awkwardness si Kate. Kahit naman ako.

"Kat!" Napaangat ang tingin ko. Isang tao lang naman ang tumatawag saken sa ganung palayaw.

"Johnny." Nakangiting sabi ko. "How are you?" Tanong ko.

"I'm fine. Ikaw kamusta na? It's been a months since the last time I saw you. Gumaganda ka lalo ah?" Natatawang sabi nito kaya tumawa na rin ako.

"Yeah, yeah. Upo ka." Sabi ko at itinuro ang katabing upuan ko. Mabilis naman itong umupo.

"Oy, Kate!" Masayang bati nito. Hinampas naman siya ng pabiro ng isa.

"Hey, John. Long time no see."

"I heared you're single? So you're free later?"

"I'll try." Natatawang sabi ko at isinubo ang ice cream. Pero wala naman akong plano na sumama sa kanya.

"C'mon, Kat! Pagbigyan mo naman ako."

"Uh-uh." Naiiling na sabi ko. Napabaling naman ako sa table nina Caleb dahil hinampas nito ang table.

"Sorry. May malaking langaw kase." Masama ang tinging ipinukol nito kay Johnny. Kumunot naman ang noo ko. Saan naman nanggaling ang langaw? Tss. Tumayo na ito at kinuha si Chelsea. Kaya napailing na lang ako.

Ilang minuto lang naman na nag-usap kame at nagpaalam na rin para bumalik sa salon.

-

Lame

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now