Chapter 10

2.9K 53 0
                                    

Ashley POV

It's been two weeks since that incident happened. Hindi sila nagpapansinan nina Caleb. Hindi na rin sumasama ang mga kaibigan niya kina Caleb. Siguro ramdam ng mga ito na ayaw niyang makasama sina Caleb.

Naghahanda sila para sa tournament bukas. They should be the winner again.

"Katana, kumain kana muna." Yaya ka sa kanya ni Jexy. Umiling lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. Uuwi na rin siya mamaya para makapagpahingan na sila. Tomorrow is the biggest day.

Nagpaalam na ang mga kasama niya na uuwi na rin. Si Jexy ay nauna na. Hihintayin pa siya sana nito pero pinauna na niya. Lumabas na siya at pumunta sa parking lot para maghintay sa kanyang sundo. Malayo pa lang siya ay narinig na niya ang naghihiyawan.

Gusto niyang bumalik na lang ulit sa Quarters at doon maghintay pero na-realize niya na bakit siya ang umiwas? Taas-noong naglakad siya. She found Caleb's friends. Nakita niyang naninigarilyo si James. Tumaas naman ang kilay niya. Pinalibot niya ang paningin at lalong tumaas ang kilay niya ng makita si Caleb. Caleb who is currently making out with someone while leaning on his car.

"Hi, Katana." Bati ni Kiro sa kanya. Tiningnan niya lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pumunta siya sa may malapit na bench at umupo doon.

"Sino ang hinihintay mo dito?" Hindi na niya kailangang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita. Hindi niya ito pinansin.

"Ihahatid na kita." Sabi ulit nito pero hindi niya naman ito pinansin. Narinig niyang nagbuntong-hininga ito.

Bakit ba nandito ito?! Kanina lang ay may kahalikan ito. Tss.

"Kata---" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng magsalita siya.

"Shut up." Malamig na sabi niya.

"Ihahatid na kita. It's already late." Sabi ulit nito. This time ay tiningnan niya ito.

"Can't you feel that I don't want you here? So, leave me alone." Mataray na sabi niya pero mukhang hindi naman ito natinag.

"I'm just concern." Parang gusto niya namang matawa sa sinabi nito.

"Concern? Wow. Pero nang iwan mo ako sa Anniversary ng mga magulang mo, hindi ka naman concern." Sarkastiko niyang saad.

"That issue is not yet over?" Nakakunot-nong tanong nito. Ngumiti lang siya ng sarkastiko at hindi na ulit ito pinansin.

"Sorry for leaving you. Sorry for making you feel like an option. Sorry for fucking someone instead na dapat ikaw ang una kung inasikaso. Sorry for everything." Tiningnan niya ito. He saw longing in his eyes o imahinasyon niya lang siguro?

"Okay." Tanging sagot niya. She's speechless.

"Please, let me drive you home." This time, she can feel that he is really begging.

"Fine." Sagot niya at nauna ng maglakad.

Nag-text na lang siya sa kanilang driver na wag na siyang sunduin.
When they reach at his car ay kaagad siya nitong pinagbuksan ng pinto. Napansin niya rin na wala na sina Kiro. Siguro ay umuwi na.

While on their way home ay ang tahimik lang nila. Wala sa kanila ang nagsasalita.

"How are you?" Nilingon niya ito pero nakatuon lang ang tingin nito sa daan.

"I'm fine."

"How are you and Jonas?" Kumunot ang noo niya sa tanong nito. She and Jonas? Wala naman eh.

"What about him and me?"

"Uh nothing."

"Spill it." Saad niya.

"You two are dating, right?" Lalong kumunot ang noo niya. Saan ba nito kinuha ang mga impormasyong iyon?

"We're not dating."

Tumingin ito sa kanya sandali at binalik na ulit ang tingin sa daan.

"I thought you two are dating." Mahinang usal nito.

"We're not. He's one of my flings last year." Saad niya at tumingin na sa labas ng bintana.

Bumalot na naman ang katahimikan ulit but this time, she didn't feel the awkwardness.

"Ashley..." Lumingon siya ulit dito.

"It's Katana." Pagtatama niya rito.

"I like it when I call you in your first name." Nakangiti itong bumaling sa kanya.

She felt her heart skip a beat. Simula kase ng cold treatment nito ay hindi na ito ngumingiti sa kanya.

"Bahala ka nga diyan." Sabi niya na lang at sumandig sa backrest.

"Do you have a girlfriend?" Tanong niya dito habang nakatingin. Tumingin naman ito sa gawi niya at agad siyang nag-iwas ng tingin. Naramdaman niyang namula ang pisngi niya.

"Bakit maga-apply ka ba?" Tumatawang tanong nito. Sumimangot naman siya dito.

"Asa ka naman! Baka may sumugod na naman saken kase." Sabi niya habang nakasimangot pa rin.

"No, I don't have one. I'm not into serious relationship." Sabi nito at biglang nagseryoso. Tumahimik na lang siya at hindi na nagtanong dahil pakiramdam niya ay naging awkward ulit ang atmosphere.

"But you're an exception." Seryosong saad nito at itinigil ang sasakyan.

She frozed when her lips met his.
"We're here." Mahinang bulong nito sa kanya at tinanggal na ang seatbelt.

Mabilis siyang bumaba at sa taranta niya ay hindi na siya nakapagpaalam.

Maybe Caleb is just kidding but why is she feeling like this?

-------------------

Short update :)

Casanova's QueenWhere stories live. Discover now