Chapter 40

617 15 1
                                    

Thank you for reading Dauntless! Sa bilang kong nagbabasa nito, maraming salamat! :)

————————————

Chapter 40 - Gulong-gulo

Pumikit ako ng lagyan na ng make-up ng bakla ang mata ko.

Finally, the gathering is happening. Akala ko ay ikakansila na lang nila dahil hindi magtugma-tugma ang schedule ng lahat. Isa pa ay hindi ko ba alam kung bakit sakto pa sa pag-iiba nila ng date na nakalabas na ng hospital si Cliff.

I don't know what is this gathering all about. Ang alam ko ay si Mommy ang nag-organisa nito. Akala ko nga noon ay para pormal na ipakilala si Crues bilang anak ni Daddy.

"You look so fab and sassy, Madam!"
Palakpak ng bakla habang nakatingin sa akin. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin.

Napangiti ako. Is this really Alondra Daffnie Altamirano?

"Ang ganda niyo pala lalo kapag hindi makapal ang eyeliner at make-up niyo!" Ngisi niya.

Tumayo na ako at tinignan ang aking kabuuan sa salamin.

My white and black gown fits my curve. Ang mga beads na nakapalibot sa gown ay kitang-kita. Ngayon ko lang ata nagustuhan ang gown na ipinasuot sa akin. Maganda.

"Madam, nakakainggit ang mukha niyo. Pwedeng rentahan?" Biro niya habang inaayos ang buhok ko. My hair is messily undone. Ang natural na kulot sa dulo ng buhok ko ay parang alon sa dagat. Hindi na niya iyon ginalaw ng husto.

"May boyfriend na po kayo, Madam?" Tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumisi ako.

"Bakit mag-aapply ka kapag wala pa?"
Umakto siyang nasuka sa sinabi ko.

"Naku Madam! Di porket maganda ka eh papatulan na kita! Mas gusto ko ang abs noh!"
Napatawa ako.

Gays and their obsession in male's abs.

"Hey, darling." Nilingon ko si Mommy. Isinara niya ang pinto bago niya ako pinasadahan ng tingin.

"Is this really my baby?" Tanong niya sa bakla. Napangiti ito.

"The rebel Alondra is nowhere to be found!" Manghang ani Mommy.
Umiling-iling lang ako.

"She looks like a living angel, Ma'am." Komento ng bakla. Tinignan ko lang sila.

"Anyway honey, I'm just so happy today. I'm so excited about later!" Ngisi niya.
Ngumuso ako at kinunutan siya ng noo.
Huminga siya ng malalim bago tumulala.

"Secrets are meant to reveal. So if you're hiding something, Alondra.. try harder to keep it." She wiggled her brow before exiting the room.

Nagkatinginan lang kami ng baklang nag-aayos sa akin.

Ganun pala kapag sobrang saya ni Mommy, nagiging weird.

Isang oras ata akong inayusin ng bakla bago sinabing,
"Finally! My creation is done!"

———————————

Pinagpawisan ang kamay ko ng mawalan na may red carpet pala na dadaanan. Mas lalo akong kinabahan na may media sa labas para kuhanan ang kung sinong papasok.

I can't believe Mom told me that this is just a family gathering! Dad's investors together with their family is not family! Buti na lang at walang inimbita na kaibigang artista si Mommy!

Tumayo na ako nang maaninag na ang kotse na maghahatid sa akin.

Inayos ko ang dulo ng gown. Nang nakarating kami ay agad kong naaninag ang bulto ng press. Hindi ko lubos maintindihan kung para saan pa ito. Artista si Mommy, oo pero wala ng ibang interesting na panauhin dito kung hindi siya! Siya lang!

Dauntless जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें