Chapter 24

571 18 0
                                    

Diel's Note:

Dedicated to you! Thank you for reading this, sweety :)

—————————————
Chapter 24 - Ligaw

Pinahid ko ang pawis na tumulo sa aking noo. Tahimik kong pinagmasdan sila Maymay habang naglalaro sa harap ng bahay. Umalis si Lola Suring at tanging kami lang ang naiwan dito. Si Crues ay nasa taniman, sinabi ko sa kanya na gusto kong sumama pero hindi siya pumayag.

Sana man lang ay nandito sila Tina para may ka-kwentuhan ako kahit pa-paano.
Tumayo ako at sumandal sa hamba ng kahoy na pinto.

"Taya ka na nga e! Ang daya mo! Kanina ka pa!" Pagtatampo ni Maymay kay Ping.

Hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa akin kung bakit malaki ang agwat ng edad nila Maymay sa kuya at ate nilang sila Laine at Daile. Kung siguro ay isa akong tsismosang ale ay iisipin ko na ampon lang sila Ten ni Ate Betty.

Pilyong ngumiti si Ping, hinila niya ang kamay ni Maymay para yakapin. Sinuyo niya ito at may binulong-bulong sa ulo ni Maymay.

"Oo na, sige na. Ten, pwesto na!" Tawa niya.
Napangiti ako sa nakikita.

Kung may kapatid ba ako ganito ang magiging turingan namin? Dati ay gustong-gusto ko na magkaroon ng kapatid. Dumating pa nga sa punto na sinabi ko kila Mommy na mag-ampon sila ng bata. Of course, they don't want to adopt some rejected kids out there. Hindi nila ako pinagbigyan. Knowing Mommy especially my family, ang importante lang sa kanila ay ang mabangong pangalan. Sa industriya man o sa korporasyon.
Ganun pa man ay hanggang ngayon ay nangangarap pa rin akong magkaroon ng isang kapatid kahit imposible na.

Parang iba lang ang pakiramdam kapag may kapatid ka.
I am just craving for that feeling. When you have someone that can be your partner in all crime. Someone that can also be your best friend. Someone that will spoil you or hug you when you're sad. Bigla lang sumagi sa isip ko ang kapatid ko sa labas.

Kung tanggap ba sila ng pamilya namin ay magiging malapit kaya ako sa kanya? Kung lumaki ba kami ng sabay at magkasama ay ganito rin kaya ang turingan namin? Kung nakilala ko kaya siya noon ay may mapagsusumbungan ako tungkol sa panloloko sa akin ni Chant?
Baka nga. Pero hindi eh, hindi kami binigyan ng pagkakataon na magkakilala.

But... I'm still hoping that one day I'll meet him. I'll be able to hug him and laugh with him.

"Aray!" Isang histerikal na iyak ang pumutol sa aking pag-iisip.

Agad kong dinaluhan si Maymay. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dugo sa kanyang tuhod.

Inalo siya ng kanyang kapatid habang ako ay nakatingin lang sa sugat na dumudugo. Nag-panic ako. Mas lalo akong naaligaga sa iyak ni Maymay. Hindi ko alam kung malaki ba ang sugat oo gasgas lang dahil nasakop na ng dugo ang kanyang tuhod.

Tinahan siya ni Ten pero hindi siya tumigil.

"Anong nangyari?"

Nilingon ko ang bagong dating na si Crues na may sumbrero pang pangtanim.

Agad niyang binuhat si Maymay papunta sa lamesa. Maingat niya itong pinaupo doon at bahagyang yumuko para masuri ang sugat ni Maymay. Tumabi ako sa kanya.

"Kumuha kayo ng betadine at bulak sa may tukador, Ping."
Tumakbo na ang dalawa sa loob ng bahay. Nakatingin lang ako.

"Maliit lang naman ang sugat mo, Maymay..." parang pampalubag-loob na ani Crues.

"Gasgas lang.." dagdag pa niya at marahan na hinaplos ang buhok nito.

Nilingon niya ako. Tinignan ko siya pabalik.

Dauntless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon