Chapter 28

547 10 1
                                    

Dedicated to tinnatuazon and BaellaXx. Thank you for reading, loves!

--------------

Chapter 28 - Flirt

Hindi ko namamalayan na malayo na kami sa may kubo. Halos hindi ko na nga marinig ang mga tao.

Huminto siya malapit sa may bunganga ng isang hallway. Tiningala ko ang isang mataas na parola. May ganito pala rito? How come we didn't notice? Sa bagay, dumiretso agad kami sa pool at hindi na nag-abala pang libutin ang buong resort na ito. Napansin ko ay wala halos ibang tao rito kung hindi kami lang, liblib kasi at masyadong tago kaya siguro walang turista.

"Gusto mong umakyat?"
Muli kong tiningala ang mataas na parola bago tumango. I wonder what's the view up there. Gusto kong makita ang magandang tanawin mula doon. I'm craving for beautiful city lights. Masyadong nabusog ang mata ko sa mga mabeberdeng tanawin ng Regina Rica kaya ngayon ay gusto ko namang makakita ng iba.

Hinawakan ko ang aking buhok. Sa sobrang lakas ng hangin ay halos magulo na ito at mapunta lahat sa aking mukha. Nang makapunta kami sa parang veranda ay namangha ako. Antipolo's night view is breathtaking. Ang mga ilaw na nagsisilbing tanglaw sa malayo ay animoy nagsasayaw. Ang malakas at malamig na simoy ng hangin ay masarap sa pakiramdam. Mula rito ay kitang-kita sila sa baba na halata mong nagkakasayahan na.

Binalingan ko si Crues na ngayon ay bahagyang nakayuko habang nakatukod ang siko sa may malapad na railings.

Naramdaman niya siguro ang tingin ko kaya nilingon niya ako. Sinipat niya ako at pinasadahan ng tingin.

"Nilalamig ka?" He asked.

Ngayon na tinanong niya yan ay saka ako nakaramdam ng lamig. Buti na lang at sinuotan niya ako ng kanyang tshirt kanina at kahit papaano'y naibsan ang lamig.

"Wag kang lumapit sa mga lalaki sa baba." He suddenly said.

I arched my brow.
"Huh? Why?"

"Gusto ko lang." He shrugged.
I mocked.

"Ikaw, wag ka ring lumapit sa mga babae sa baba."
Tumuwid siya ng pagkakatayo bago ako hinarap.

"Bakit?"
I just shrugged. "Gusto ko lang din."

Ngumuso siya na animoy pinipigilan na ngumiti.
I never been this weird before, ngayon lang. Sa kanya lang. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili ko na gumagawa ng mga bagay na hindi ko ginagawa noon.
One time, bigla ko na lang siyang nasabunutan ng asarin niya ako tungkol sa isang babaeng may crush daw sa kanya. Minsan naman ay maiisipan ko siyang ipagluto.. My cooking skills is fine before, well actually. Pero simula noong nangyari ay hindi ako muling nagtangka na magluto. Para kasing pakiramdam ko hindi na kailanman sasarap ang timpla ko hindi gaya ng dati. Mali pala, parang tingin ko nga ay mas lalong sumarap. Parang nagkaroon ng panibagong sangkap na mas lalong nagpasarap. Maybe one teaspoon of Crues' love? I guess..

Tumabi siya sa akin hanggang sa maya-maya lang ay nasa likod ko na siya. He hugged me from behind. Dahil sa mainit niyang yakap ay naibsan ang lamig na nanunuot sa katawan ko.

Bahagya kong pinilig ang aking ulo para mabigyan ng espasyo ang kanyang mukha sa aking leeg. He sniffed my hair. Uminit ang pisngi ko nang maramdaman ang pag-ngiti niya doon.

"Ginamit mo ang shampoo ko?" Ramdam ko ang kanyang ngiti sa tanong na iyon kahit hindi ko siya lingunin.

"Sorry, no choice."
Palusot ko kahit may shampoo naman talaga na nakalaan para sa akin. Minsan ko ng naamoy ang ulo niya at hindi ko mawari kung bakit simula nun ay hinahanap-hanap ko na ang amoy.

Dauntless Where stories live. Discover now