Chapter 7

613 15 1
                                    

Chapter 7 - Who Are You?

"Hi Ada!" Nagulat ako ng batiin ako nila Shaina, ang sikat na grupo sa school.
"Pwedeng maki-share ng seat?"
Maligaya akong tumango.
"Ano 'yan?" Tingin niya sa ginagawa ko.
"Assignment natin. Magka-klase tayo sa next class."
Ngiti ko. Nagulat siya.
"Huh? Assignment? Hala. Naku, paano yan? Wala akong gawa. Magta-time na." Nguso niya. Tinignan niya ako sa mata.
"Ada, pwedeng kopyahin ko na lang yung answers mo?" She pleaded.
Napalunok ako at unti-unting tumango.
Sa tuwing makikita nila ako napapansin ko na kung hindi assignment ay project ang kinokopya o pinapagawa nila sa akin. Hindi na naman ako umaangal dahil kasama na nila ako sa grupo nila. Natutuwa ako dahil nagkaroon na rin ako ng kaibigan na laging kasama sa school.

Pero... nung pati na paghiram ng pera nila sa akin ay hindi ko na nakaya.
Humihiram sila ng pera pero hindi na nila ito ibinabalik. Sasabihin na next time kasi hold pa ang mga credit cards nila sa kanilang parents at kung anu-ano pang excuse. Huli na ng malaman ko na pinaglalaruan lang nila ako.

"Ahm.. Chant, may gagawin ka ba mamaya?" Napatungo ako ng tignan ako ng mga kasamahan niya sa basketball.
Hinawi ko ang bangs ko at inayos ko ang salamin ko. Nakita ko ang kiming pagtawa ng mga kasama niya.

Binalingan ko ang mga girlfriend ng mga kasama nila. Sexy, maputi, maganda. Tinignan ko ang sarili ko. Hindi lang ako pala-ayos pero tingin ko naman ay papasa ako!

Ngumuso ako.

"Chant.."

"Ada, pwede bang mamaya na lang? Hintayin mo na lang ako doon sa rehearsal room." Aniya ng nakatingin sa phone niya habang nagpupunas ng pawis.

Dauntless Where stories live. Discover now