Chapter 4

689 22 1
                                    

Chapter 4 - Interview

"My, what's that? Sino sila? Ba't nandito sila sa bahay? You're allowing tons of strangers inside our house?"
Mariin kong tanong kay Mommy.

Hindi ako pinansin ni Mommy bagkus ay inasikaso niya ang mga bisita niya. May mga camera silang dala at ilaw. May mga kung anu-ano pang bitbit na hindi na pamilyar sa akin. Basta maraming wire na nagkalat.

"Oh, sweetie! What's with the outfit? Go get change! You have an interview in an hour!"

Napa-awang ako sa sinabi niya. What?! Bakit may interview?! Ano 'to? Para saan?
Hindi ko sila pinapakialaman kapag nagpapa-interview sila sa kung anu-anong magazines at show pero ako? No way.

"I don't want to, my. Paalisin mo na sila."
Napahinto sa pagse-set up ang mga tao at napabaling sa akin. You all heard it right. I don't want you all here. Tss. Para saan ba 'yung interview?

Ngumiti ng matamis si Mommy sa kanila at hinila ako palayo doon.

"What's with you Alondra Daffnie? You will going to answer all their questions. Understood?"

Napangisi ako.
"So umuwi ka lang dito para doon? My, I don't want to be part of your world. Hangga't maari ayokong makilala ako ng maraming tao."

"Then sweetie, I'm so sorry but you're meant to be part of my world. You are an Altamirano. You're my only Ada.. They're too thirsty to know everything about you."

"Can you give me this one, sweetie?"
Nag-iwas ako ng tingin. Sa isang salita lang ni mommy ang hirap ng tanggihan. Kaya ayaw kong tumitingin sa mga mata niya.. dahil para ka nitong hinihigop at sa oras na may hilingin siya ay mapapatango ka nalang.

"Fine. But don't push me to wear those itchy dresses."

"But sweetie.."
Tinitigan ko si mommy. Napahinga siya ng malalim.

"As you wish."

Isang white crop top, black leather jacket, skinny jeans at sneakers ang suot ko. Inilugay ko lang ang humahaba ko ng kulay tsokolateng buhok. Naglagay ako ng mascara at eye liner saka ako naglagay ng red shade of lipstick. Kapag may race ay ganito lagi ang itsura ko. Kahit nga wala e. Ito na kasi ang nakasanayan ko.

At ang huli ay inilagay ko ang brown contact lens ko para malinaw na makakita. Itim talaga ang kulay ng mga mata ko. Bilugan at sobrang itim. Sabi nga nila mala-pusa, masyadong nakikita ang lahat ng emosyon. Kung ako daw kayang magtago ng emosyon ang mga mata ko hindi. Ang sabi ni mommy nagmana daw kasi ako sa kanya. Yun din ang dahilan kaya hindi ako tumititig sa mga mata ng kausap ko. Baka kasi hindi si Alondra ang makita nila kung di si Ada na tanga at mahina.

Nang bumaba ako ay aligaga silang tumayo. Tamad ko lang silang pinasadahan ng tingin bago umupo na sa dapat kong upuan.

"Ayusin mo yung camera.. I-adjust mo yung lens.."

Inayos ko ang side bangs ko. Ang tagal naman. Kapag ako nainip, lalayasan ko sila.

"Matagal pa ba?" Pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Naku, Miss Ada. Tapos na po. Ready na po. Pasensya na."

Umayos na ako ng upo ng sumenyas na ang isang lalaki sa likod.

Panay ang usap ng kaharap ko sa screen at heto ako tamad na nakaupo. Ang tagal naman ako tanungin. Mas gusto niya pa ata kausap yung camera kaysa sa akin.

"So, Miss Alondra Daffnie. Here's our first questions."
Tinignan ko ang babae.

"How's life being an Altamirano?"
Napaismid ako. Anong klaseng tanong yan?

"Fine."
"Ahmm. Oh. Is it hard or something?"
"Nah."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng crew. What? Ang boring ng tanong niya!

"Okay. What about... this. You're a former lead vocalist of now the most wanted boy band of this generation, Faber Castell what can you say about that?"

Napa-isip naman ako. Matagal na iyon pero may natitira pa ring sakit. Pero okay na naman ako. Yun naman ang mahalaga.

"I'm happy for them. They deserve the crowd and love from their fans."

"We heard that you and one of the member of the band had a thing before? Is it true?"
Napataas ang kilay ko.

Too personal. Kailangan pa bang ungkatin yun? Tss.

"I'm not answering that." I said.

Tumango ang babae. Nagkibit-balikat siya.

Marami pa siyang tinanong. Kung hindi good, fine or okay ang sagot ko ay isang pangungusap lang, swerte pa nga kung maging dalawang pangungusap pa.

"Thank you for your time, Miss Alondra Daffnie." she smiled.
Tinanguan ko lang siya. Napabaling ako kay mommy na nasa likod ng camera man, pinagtaasan ko siya ng kilay ng makita ang sinisenyas niya. Hindi ko siya pinansin.

Nagpaalam na ang mga bisita ni mommy at umalis na rin.

Aakyat na sana ako sa taas ng tawagin ako ni mommy.

"Alondra Daffnie."

"Is it that hard for you to give at least one quick smile?"
Nagtiim-labi ako. Hindi ako sumagot. Bakit ko pa sila ngingitian? Kung alam ko sa sarili ko na peke naman iyon?

"Fine, Ada. But please just don't push our Family's name to anything bad or worst."

"I get it, my."
Ngumiti siya.

Tinalikuran ko na siya para umakyat na sa taas.

Maaga akong nagising para tapusin ang homework na tinext sa akin ng kaklase ko. Kahit hindi ako nakikinig sa mga prof tuwing nagle-lesson ay alam ko naman ang mga tinuturo nila. Advance reading is the key.

"Napanood niyo ba yung interview ni Alondra sa isang sikat na talk show? My gosh!"

"Oo nga! Ang swerte niya! Kahit hindi siya artista na-interview siya ni Miss Lylle!"
Miss Lylle? Yung babaeng bago ako kausapin camera muna yung kinausap?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at binalewala ang mga naririnig ko sa paligid.

Pagkatapos ng morning class ko ay kinuha ko na ang lunch na pina-reserve ko sa canteen.
Napili kong kumain sa park malapit sa may COE building. Bukod sa mahangin, ay tahimik pa.
Hindi pa ata ako nakaka-dalawang subo ng may umagaw na ng kutsara ko. Napa-awang ang bibig ko. What the actual fuck?

Nanliit ang mata ko ng makita kung sino ang lalaking walang habas na kinain ang pagkain ko.

"Are you stalking me?"

"No, babe. I'm too handsome to stalk." He smirked.

Napairap nalang ako sa kahambugan niya.

Dauntless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon