Chapter 33

465 11 3
                                    

Chapter 33 - Abroad

"Honey.." naramdaman ko ang paghaplos ni Mommy sa siko ko.

"Pa?" Hindi makapaniwala kong tanong kay Crixzues.

"Daffnie, are you okay?"
Hindi ko alam na nakalapit na pala si Daddy sa tabi namin.
Nanatiling seryosong nakatitig lang sa akin si Crues. Malumanay na ang mata niya at hindi na katulad kanina na sobrang tindi.

"Dad? What... wha-what is the meaning of this?"

Kahit may nabuo na akong kongklusyon ay pinili ko pa ring magtanong. Baka sakaling mali ang iniisip ko... Baka sakaling hindi tama ang nasa isip ko..

"Hindi ko alam na rito ka pala sa kapatid mo napadpad ng anim na buwan, Daffnie. Are their family treat you well? Pinahihirapan ka ba nila rito? What happened to you?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy.

Hindi na ako nakapagsalita. Panibagong grupo ng luha ang dumaloy sa pisngi ko.
Kitang-kita ko ang pagbuntong-hininga ni Crues at pag-iwas niya ng tingin sa akin.

Siya.... siya ang anak ni Daddy sa ibang babae?

"Dad.. I want to go home.." bulong ko. Hinang-hina na.

I am emotionally and mentally drained. Pakiramdam ko nga ay isa pang nakakagulat na balita ay hindi ko na talaga kakayanin. This is just too much for me.

Nag-iwas ako ng tingin kay Crues at naglakad na papasok sa itim na fortuner ni Daddy.

Pagpasok sa kotse ay isiniksik ko ang sarili ko sa gilid. Mom is in the front seat, si Dad naman ang nagmamaneho. May nakasunod na itim din na kotse sa likod na sa tingin ko'y mga tauhan namin.
Tumulala ako sa bintana.

"Honey, do you need anything?" Marahang tanong ni Mommy. Ramdam ko ang simpatya at pag-alala nila.
Mom, I want a peaceful life. Kaya mo bang ibigay?

Umiling lamang ako sa kanya.
They didn't asked me again after that. May mga naririnig akong pag-uusap nila pero sinadya nilang hinaan ang boses para hindi ko masyadong marinig.

"It is possible that the media is waiting in our house. Pumutok na ang balitang natagpuan na ang prinsesa ng mga Altamirano gaya ng bukam-bibig nila." Ani mommy.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana.

Why this world is so cruel? Hindi ba pwedeng mabuhay na lang ang isang taong hindi nasasaktan? Hindi ba pwedeng mabuhay na lang na masaya lang? Walang problema? Walang sakit na nararamdaman sa puso?

Are we destined to be hurt? To love and to be hurt in the end? Kung ganun pala ay hindi na lang ako magmamahal. Akala ko kapag nagmahal ako sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na mararanas ang sakit na dinulot ng una. Pero nagkamali ako.
Hindi malabong maulit ang sakit. Hindi malabong masaktan ulit. Hindi malabo, kasi lahat posible.

Pero... bakit ganun? Gusto ko lang naman maging masaya. Tumbasan ng taong mahal ko ang pagmamahal ko sa kanya. Pero sa bandang huli nagsasawa pa rin siya. Wala na ba talaga akong karapatan na sumaya?

Crixzues is my half brother?
Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang paghikbi.

Bakit hindi ko alam! Bakit wala akong naramdaman na kahit ano! Where's the fucking lukso ng dugo?! Bakit wala! Bakit.... kung sana.. edi sana.. edi sana pinigilan ko ang sarili ko. Pinigilan ko ang sarili kong mahalin siya..

Is this the reason why he's ignoring me? Sinabi ba sa kanya ng mama niya na kapatid niya ako kaya pagbalik niya ay iniiwasan niya na ako? Kaya ba.... kaya ba sinabi niya sa 'kin na sawa na siya dahil bawal? Dahil hindi kami pwede? Ganun ba? Sana ganun nga. Na ang ayun ay dahil ng pag-iwas niya at hindi ang dahilan na nagsawa na siya.

Dauntless Where stories live. Discover now