Chapter 11

625 17 1
                                    

Chapter 11 - Turn Around

"Oh! Tina! Bakit? Anong nangyari?"
Binalingan ko sila Tina, Pat, Laine na nasa sala. Umiiyak si Tina habang kinakalma siya ng dalawa.

Napatingin ako kay Crues nang ilapag niya ang tasa ng kape sa harap ko. Tinitigan niya ako na animoy sinusuri, nag-iwas ako ng tingin.

Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang mapanuring tingin niya. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. I am wearing his shirt. No choice dahil nasa labahan ang mga damit na hiniram ko kay Laine. He must be so glad now that I'm finally wearing his.

"Crues, hijo! Pwede ka bang pumunta kila Mang Hayme ngayon? May ipapabilin lang ako."
Nilapitan niya sa Lola Suring para kuhanin ang piraso ng papel. May kung ano pang binulong si Lola sa kanya. Ngumuso lang ako ng balingan nila ako ng tingin.

"Nakita ko! Nilalandi niya eh! Ang kapal ng mukha!"

"Ano ba kasi nangyari?" rinig kong tanong ni Laine.

"Nakita ko nga nilalandi si Jim! Letseng higad na 'yon!" Gigil na ani Tina.

"Baka naman gusto rin ni Jim.." panunuya ni Pat, sinapak siya ni Tina.

"Hindi! Nakita ko tinataboy na siya ni Jim lapit pa rin ng lapit yung engkantong 'yon! Letse siya!" Hasik ni Tina.

"Why not confront her?"

Napabaling silang tatlo sa akin nang magsalita ako. Nag-iwas ng tingin si Tina. Got yah. You're scared, honey. Why so?

Tumayo ako.
"I'll be your proxy if you're too scared. Don't worry, I'll be gentle as possible.. " ngisi ko.

Napatulala sila. Sa mga ganitong klaseng sitwasyon, ako dapat ang nilalapitan.

"Ano kasi, Ada...."
"Let's go." Aniko. Hindi ko na inabala na mag-ayos pa. I'm good all the time. Kahit kagigising ko pa lang ay alam kong ayos lang naman ang itsura ko. As long as my eyeliner is still there, I'm good.

"Ada... baka kasi, alam mo na.. si Briana kasi anak ng.."

"I don't care, you think she is a fearless flirt right? Well..." ngumisi ako. Tignan natin.

Napahinga lang sila ng malalim. Nang makarating kami sa tambayan ng babaeng tinutukoy ni Tina ay awtomatikong napataas ang kilay ko.

Fearless flirt indeed.

Maarte siyang nakasandal sa balikat ng lalaking kausap niya. Sa pagkakatanda ko ay isa ito sa mga lalaking naglaro ng basketball kahapon. This must be Jim.

"Hindi ah! Ano ka ba!" Halakhak niya.
"Gusto mo ba nito?"

"Siya ba?" Baling ko kay Tina na ngayon ay nasa may likod ko.

Halatang natigilan siya sa bumungad sa amin. Her precious Jim is flirting back. Oh-oh.

Hindi pa kami nakikita ng dalawa kaya patuloy pa rin sila sa paglalampungan.

Feel bad for Tina. Gagong Jim.

Hinawi ko ang bangs ko at lumapit na sa kanilang dalawa.
Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin. Mabilis na lumayo si Jim sa babae na animoy napaso siya roon.

Nahuli ka sa akto, noh?

"Hi, Jim." Ngisi ko. Napalunok siya.

"Alondra.. Anong ginagawa mo di—"

"Wala napadaan lang, hindi ko alam na may mga hayop pala akong makikita." Maanghang kong patutsada.

Kitang-kita ko ang pag-awang ng bibig ng babae. Briana, right?
Pinasadahan ko ito ng tingin. Maganda pero walang dilekadesa. Tsk tsk.

Dauntless Where stories live. Discover now