Chapter 38

493 10 1
                                    

Chapter 38 - Let Me Go

Hindi nila ako pinayagan na lumabas ngayon. Kahit wala sila Mommy at Daddy ay may lalaki naman na animoy gwardya kung maka-bantay sarado sa akin. He even called for a leave in office just to watch me!

Napataas ang kilay ko nang makita ang pagpasok ng isang babae sa gate. Dinungaw ko sila sa baba. Tumayo si Crues para makapag-beso sa bagong dating. Inayos niya ang bangko sa garden para makaupo ang babae. Abot dito ang ngiti ng babae dahil sa ginawa ni Crues. Who is she? Bagong maid? Interview niya ngayon?

Sumibol ang iritasyon sa loob ko. Why is he bringing a whore in our house?

Sinundan ko sila ng tingin ng pumasok sila sa loob at mawala na sa paningin ko.
Umismid ako bago lumapit sa may salamin. Tinignan ko ang sarili ko.

My pale pink shorts is just fine. Ang sando ko ay okay lang din. Pwede naman akong humarap ng ganito sa kung sino dahil hindi naman masama ang mukha ko.

Lumabas ako at sinadya kong matunog na bumaba sa hagdan. Pumasok sila sa loob kaya hindi ko na sila madungaw sa baba. The nerve of this man! Mamaya ay magnakaw pa yang babaeng dala niya dito! Mas mahal pa ang display namin kaysa sa dignidad niya! Anong klaseng damit ang suot niya? Siksik nga ang dibdib niya pero hindi sapat iyon para maakit niya ang lalaking kaharap niya!

Her skirt is too short na parang isang tuwad niya lang ay makikita na ang kaluluwa niya!

Gaya ng inaasahan ay napalingon sila sa gawi ko. Awtomatikong napataas ang kilay ni Crues nang pasadahan niya ako ng tingin.

"Ya, anong breakfast dyan?" Umupo ako sa may high chair. Sinadya kong kumain sa malapit na lamesa na tanaw ang dalawa sa sala. Nakaupo sila sa love seat habang nakaharap sa TV. Dinungaw ko ang palabas. HBO.

Umismid ako at kinagatan ang apple na nasa harap.

"Mam, may kamatis po ba at sibuyas na itlog?"
Mabilis akong bumaling kay Crixzues. Nakatingin na siya sa akin na animoy alam na niya na titignan ko siya. Nag-iwas ako ng tingin nang sumibol ang ngisi niya.

"Manang dun na ako kakain." Sabay tayo ko at punta na sa kusina.

"Sige po.." takang ani ng katulong.

Pagkapasok ko ay nagulat ako nang may dumunggo sa akin. Lumingon ako sa aking likod at napairap nang makita ang nakangising si Crues.

"Ako na po magluluto, Manang."

Nilingon ko siya. Kinagat niya ang kanyang labi bago kinuha ang apron sa tabi.
Tinitigan ko siya ng masama.

"Sigurado ka ba, hijo?" Tango lang ang sinagot niya kay Manang.

Umupo ako sa high chair at iritado siyang pinanood.

"You don't need to do that. You have someone waiting outside." Ramdam ko na nilingon niya ako pero hindi ko siya tinignan. Nilaro ko ang mga baso.

"She can wait."

"And also I can do that." I snapped back.

Dinungaw niya ako. "I want to cook for you."

"And again, you don't need to do that." Mariin kong ani.

"But I want to.."
Mahinang sabi niya.

Nagtiim-labi ako. Bakit ba ang hirap hirap niyang.... Damn!

Tumayo ako at iniwan siya. Umakyat ako sa taas at agad na nagtalukbong ng kumot.

Huminga ako ng malalim. I guess my room is the safest place. Walang lalaking mahal ko pa rin na kailangan iwasan.

Dauntless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon