Chapter 31

441 13 0
                                    

Chapter 31 - Evil

Kahit mabigat ang loob ko pinilit kong ngumiti pagpasok ng bahay. Sinalubong ako ni Maymay.

"Ate! Umuwi na si kuya!" Maligaya niyang ani. Tumango lamang ako.

"Hija, kumain ka na ba? May dalang pagkain sila. Luto ni Laine at ang mama nitong si Crues." Nilingon ko si Lola sa may kainan.

"Tara na, at sabay sabay na tayong kumain!" Dagdag pa nito.

Tumango lang ako bago binalingan si Crues na nakatalikod sa akin at abala sa paghahanda ng pagkain. Lumapit na ako sa mesa at umupo na. Hindi na ako nag-abala na tumulong dahil parang kayang-kaya na naman ni Laine at Crues ang gawain.

Tahimik lang akong nakamasid. Sumibol ang iritasyon ko nang balingan ako ni Laine, halos hindi mawala ang ngiti sa labi niya. This girl is really annoying.

Laine giggled when suddenly Crues bumped her. Pinagmasdan ko ang paglingon ni Crues sa kay Laine at paghingi ng paumanhin.

"Ate.." nilingon ko si Ping nang haplusin niya ang braso ko.

"Si kuya, malungkot." Bigla niyang sabi.

Natigilan naman ako. "Huh?"

Ngumuso siya bago kinuha ang kutsara sa harap niya.

"Parang bumalik siya sa dati nung iniwan siya ni Ate Kanashi."

"Kain na, hija!"
Napabaling ako kay Lola. Saglit kong binalingan si Ping pero kumakain na siya. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya.
Bumalik sa dati si Crues? Why? And... he's sad? Why?

"Oh, Crues. Dagdagan mo yung pagkain mo. Diba paborito mo 'to?" Rinig kong malambing na ani Laine.

Itinuon ko ang mata sa pagkain, hindi ako nag-angat ng tingin sa dalawang taong nasa harap ko.

"Masarap ba 'yung luto ko? Sabi ni Tita Melo, paborito mo ang munggo kapag may chicharon."

Nagtiim-labi ako. So.... magkasama sila noong wala si Crues? Naghanda ng pagkain si Laine kasama ang mama ni Crues? Kaya ba hindi na muling nagawi dito si Laine simula noong nangyari dahil pumunta siya doon sa mama ni Crues?

"Ada, ayaw mo ba?" Laine smiled at me. Blanko lang akong nakatingin sa kanya. What a two-faced bitch.

Walang lasa. Pagkain ba talaga ang tawag dito? Tss.

"Ate, iyo na lang 'tong itlog ko. Diba paborito mo 'to?"

Napangiti ako kay Ping. Tumango ako at kinuha ang ilang parte ng itlog na may kamatis na ulam niya.

Tahimik sa hapag. Walang sinuman ang naglalakas-loob na magsalita. This is just so awkward. Kung sana ay wala rito si Laine ay baka hindi ganito.

"Crues.."
Nag-angat ako ng tingin. Ako lang ata ang tumingin nang tawagin ng mahina ni Laine ang katabi niya.
Seryoso lang na kumakain si Crues. Muli siyang tinawag nito, ngayon ay humilig na ang babae. Kitang-kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Crues.

"Paabot ng kanin."
Matigas na nginuya ni Crues ang pagkain sa kanyang bibig bago inabot kay Laine ang kanin.

Habang sumusubo ako ay sa kanya lang ako nakatingin. Alam ko na ramdan niya ang titig ko sa kanya pero hindi siya nag-aangat ng tingin sa akin.

Why is he ignoring me? Hey, Crues just one look or just a glance. I'm okay. One look is enough...

Nanliit ang mata ko at sinuri ang ekspresyon ni Crues. What is in your mind right now? I wonder what...

Napataas ang kilay ko nang biglang napalunok si Crues.

"Laine.." mariing anito. Napahalakhak si Laine bago lumayo at ipinagpatuloy ang pagkain. Umayos siya ng upo at uminom ng tubig.

Dauntless Where stories live. Discover now