Chapter 35

447 14 1
                                    

Chapter 35 - Meeting

"We're here at the airport, My. I'm with my friends." Nilingon ko sila Bryan na nakamasid lang sa akin. Inayos ko ang strap ng backpack ko sa aking balikat.

"Call me again when you're here already. I'll tell Mang Toto to fetch you."

"Hm-mm."

I said my goodbye bago ko binaba ang phone.

"You sure you're ready, Alondra? You seems like constipated!"
Biro ni Gio. Sinapak ko ang kanyang balikat.
Okay! I'm nervous! Damn! I don't know why. Uuwi lang naman ako pero sobrang kinakabahan ako.

Humugot ako ng malalim na hininga. This is it, Ada. You're going home. There is no turning back.

Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Fletcher.
"Don't worry babe. I got your back." Ngisi niya. Marahas kong inalis ang braso niya sa balikat ko.

My God. Bakit ba sasabay pa 'tong mga 'to sa pag-uwi? Mangungunsume pa ata ako ng wala sa oras.
Naghalakhakan lang sila sa inasta ko.

Hindi ko alam kung matagal o mabilis lang ang naging byahe dahil nakatulog ako. Paggising ko ay nagsasalita na ang flight attendant para sabihin na malapit na kaming bumaba.

Nang maramdaman ang pag-landing ng eroplano at matanaw ang lupang hindi ko nasilayan ng apat na taon ay kumalabog ang dibdib ko.

"We're here! Yes! Namiss ko rito!" Maligayang hiyaw ni Fletcher pagbaba namin.

I won't blame him. 10 years siyang nawalay sa lugar na kinalakihan niya para lang mag-aral at mag-trabaho. Same as mine but buti ako ay apat na taon lang.

"I want a vacay for the squad. What do you think, Alondra? Are you up?"
Bumaling sila sa akin.
I nodded. Wala namang problema iyon. Ang trabaho ko ay nasa America wala naman dito. Kaya mahaba ang panahon kong magbakasyon lang.

"My, we're here."
Kinuha ko ang phone ko para matawagan na si Mommy.
Saglit lang ang tawag ko dahil parang abala siya sa kung ano. Maingay ang background niya at halatang abala ang mga tao doon.

Nang matanaw ko na ang kotse namin ay agad na akong lumapit. Nagpaalam na ako kila Gio. Pinaalala ko sa kanila ang lakad namin mamaya.

Napatingin ako sa phone ko nang mag-pop ang isang message galing kay Mommy.

From: Mom
Darling, go straight to your Dad. Nasa office siya. Sorry, but this is important. He has something to tell you daw.

Nangunot ang noo ko sa text ni Mommy. Buti na lang at nakatulog ako buong byahe kundi ay hindi ako papayag na dumiretso pa sa opisina ni Daddy. Sobrang importante ba iyon na kailangan ko pang pumunta sa opisina niya?

"Kuya, padiretso sa Altamirano Building."

Tinext ko sila Bryan na hindi ako makakasama sa gimik ng barkada mamaya sa dati naming race spot. Sayang at gusto ko pa namang makita ang mga dati kong kaibigan doon. Simula ng insidenteng nangyari ay hindi na ako ulit nakapunta doon. Ano na kaya itsura 'non? May pinagbago ba? Sana naman naayos na nila.

Tinignan ko ang aking sarili bago binuksan ang pinto ng kotse. My usual. Black leather jacket, white tank top, skinny jeans and black boots. Siguro naman ay kahit hindi ako naka-formal attire ay pwede akong pumasok, no?

Bigla akong na-conscious sa maingay na tunog ng takong ng boots ko.

"Ah, ID niyo po miss?"

Ani security guard ng hindi nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Dauntless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon