Chapter 1

1K 28 8
                                    

Chapter 1 - Bitch

"What the hell is happening here?" umalingawngaw sa loob ng cafeteria ang malamig na boses ng lalaki.

Napatigil ang lahat at natulala sa kanya kabilang na ang babaeng nasa harap ko. Ginamit ko ang pagkakataon para kumawala sa hawak at sabunot niya. Nang nakita niya ang ginawa ko ay susugurin na sana niya ako ulit nang magsalita ulit ang lalaki.

"Fama!" iritadong sigaw ng lalaki. Napalingon ang babae sa kanya. So, I bet she's Fama?

Lumayo ako ng bahagya sa babae. Pumagitna na ang mga lalaki kanina sa pila na parang ngayon palang natauhan. Napailing na lang ako. Para silang mga pulis sa mga pelikula na kung kailan huli na ay 'tsaka sila dadating.

Nanatiling nanonood ang mga estudyante. Wow! Popcorn guys, you want?

Inayos ko ang buhok ko at sinilip ang braso kong inaake ng mangkukulam. The nerve of that girl! She bruised my precious skin!

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang lalaki sa amin. Agad na tinapon ng babae ang sarili niya sa lalaki. What a stupid move. Hindi siya nagmukang desperada. Inirapan ko lang ang babae ng nagsimula na siyang magsungbong sa lalaking niyayapos niya.

"Oh my god! I'm glad you're here, babe! She bullied me!" pagsusumbong niya dito. Hindi umumik ang lalaki. Binully ko siya? Wow. Ang ganda ng excuse niya ha. Makatotohanan.

Pinagmasdan ko sila. Ang babae ay nakangusong nagsusumbong sa kanya samantalang ang lalaki ay blankong nakatitig sa akin. His piercing brown eyes stared on my brown one. Parehas kami ng kulay ng mata. His blank stare can make me feel uneasy. What the hell! But.. there's this little two dimples in the side of his lips that balancing his dark mood today.

Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang tinititigan ako. Parang may gusto silang makita sa mata ko na kung ano at iyon ay ayaw na ayaw ko. Ang makita nila ako sa pamamagitan ng mga mata ko.

May nakapagsabi sa akin, si Manang Martha na noon ay natatangi ang mga mata ko. Kung ano ang nararamdaman ko ay makikita iyon sa aking mga mata. Pero siguro nga, gaya na din ng bagong ako nagbago iyon.

Sa gilid ng aking mga mata ay ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. Nagtaas ako ng kilay at binalingan ulit ang lalaki. Tinitigan ko siya gaya ng paninitig niya sa akin. Staring contest, huh? Hindi kita uurungan. Ayaw ko ng tinititigan pero wala akong laban na inaatrasan.

"She's a devil bitch! I don't like her! I hate her!" rinig kong singhal niya sa lalaki. Napabaling ako dito. Nanatiling nakatitig lang ang lalaki sa akin. Maya-maya'y nasilayan ko ang pag-angat ng sulok ng kanyang labi. Humugot ako ng malalim na paghinga bago nagsalita at matapang na tumingin sa babae.

"Oh babe, hating me will not make you pretty. Yes, I'm a bitch and...." pinasadahan ko ng tingin ang paligid bago ako bumaling muli sa kanya.

".. I smile when I conquer. Deal with it." Matapang kong sinabi bago ko siya malademonyong ngitian. Napaawang ang bibig niya. No one dare to bump me. No one.

Bago ako tumalikod sa kanila ay nakita ko ang pagngisi ng lalaki sa tabi niya. Napailing nalang ako.

Pag-uwi ay naligo ulit ako at nagbihis ng panibago. Sumaglit ako sa kusina at naghanap ng pagkain sa ref. I'm starving. Kung bakit pa kasi may babaeng kala mo kung sino ang binabangga. Tss

"Miss, naku! Gusto niyo po ba initin ko iyan?" nagulat ako nang may biglang biglang sumulpot. Agad akong umiling.

"Okay na ito. 'Wag na." Sabi ko.

"Naku miss, baka po kasi hindi na mainit iyan." Pangungulit niya. Binalingan ko na. Kapag sinabi kong okay na, o 'wag na, dapat tumigil na. Baka hindi mo magustuhan ang lalabas sa bibig ko.

Dauntless Where stories live. Discover now