Chapter 2

727 26 1
                                    

Chapter 2 - Ada

Hindi umalis sa pagkakahilig sa akin si Cliff kaya ako na mismo ang nagtulak sa kanya.

Nang akmang susugurin ako ng babae ay agad na humarang si Cliff.

"Fama, stop."

Parang nang marinig iyon ng babae ay halatang mas lalo siyang nagalit.

"What?! Stop?! She's flirting you! Oh gosh!"
Napailing-iling nalang ako.

Isinuksok ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng jacket ko. Tamad ko silang pinanood.

"Alis na ako." Aniko bago ko sila tinalikuran.

Narinig ko pa ang sigaw ng babae pero hindi ko na iyon pinansin. Napangisi nalang ako. Too stupid to give an attention.

Nagpaalam na rin ako sa iba. Tumango sila. Hinatid ako ni Brian hanggang makasakay ako sa motor ko.

"Bukas may laban. Sila ulit. Yung dati."
Napatingin ako sa kanya.
"The usual? Bakit? Hanggang ngayon hindi pa rin nila tanggap?" Napangisi ako.

"Ayaw sumuko. Baka may pag-asa pang matalo ka daw nila."
Umiling lang ako.
Inilagay ko na ang helmet sa aking ulo. Tinanguan ko siya bago pinaharurot ang motor paalis.

Nang makarating ako sa destinasyon ko ay agad kong pinarada ang motor at inayos ang sarili ko.

"Dude, nandito na ang hinihintay natin."
Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko inalintana ang mga komento nila.
Walang gana akong umupo sa high chair ng isang sikat na bar dito. Maraming tao kapag ganitong oras, malapit na kasi ata mag-alas onse.

"Hi Miss Ada, dati pa rin?"
Tinanguan ko lang ang babae. Madalas ako dito kaya kahit hindi na niya ako tanungin ay alam na niya ang order ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang loob. Wild and playful side of the city. Dito wala kang iniisip na kung ano. Nandito ka para lang mag-aliw o kaya mag-relax.

"Hey miss.."
Pinagtaasan ko ng kilay ang lalaking abot-tengang nakangiti sa akin.

Problema nito?

"Ah.." Halatang hindi niya alam ang sasabihin. Para siyang naiihi.

"Ahm.. You're Ada, right?"
Mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Yeah, why?"
Napalunok siya.

"Can I... ah.."
Nakatingin lang ako sa kanya pero butil-butil na ang pawis niya. What's the matter?
Nainip na ako kaya tinalikuran ko na lang siya. What's with people? Am I too intimidating? I'm just staring!

Matapos ang isang oras na pag-upo at inom ko sa bar na iyon ay umalis na rin ako. Pumunta ako doon para mag-relax pero dahil sa mga lalaking maya't-maya ang lapit ay wala rin.

"Omygosh! Ang gwapo talaga ni Apollo! Gosh! Lahat sila! Pero crush ko talaga si Chant!"

"Oo nga, girl! Punta ulit tayo sa mallshow ng Faber Castell ha!"

Napahinto ako sa pagsusuot ng helmet ng marinig ko ang pangalan niya.. ang grupo nila.. grupo nila na minsa'y naging parte ako.

Ilang taon na ba ang lumipas? 5? 6 years?
Pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari noon. Kahit pilitin kong kalimutan ay parang nakaukit na sa isip ko ang lahat ng nangyari noon. Sobrang nakabaon ito para kalimutan.

I was into this man. I am so in loved with him before that I did everything.. anything. I did whatever he wants me to do. I am into him deeply.. madly. Siya lang ang lalaking minahal ko ng ganun. Pero niloko niya ako. Ako naman 'tong tanga, hinayaan siya. Mahal ko eh..

Dauntless Where stories live. Discover now