Chapter 14

538 18 1
                                    

Chapter 14 - Lola

"Okay na kayo?" Gulat na tanong ni Laine.
Binalingan namin si Tina na panay ang ngiti sa kanyang phone.
Gusto ko rin sana iyon na itanong pero naunahan lang ako.

Nag-peace sign lang ito.

"Ayusin mo buhay mo Tina, ha! Second chance niya na 'yan! Ipapabugbog ko na si Jim kina Crues at Kuya Daile kapag nagloko pa!" Ani Laine.

"Oo na. Saka kapag nagloko pa ulit, ako na mismo bubugbog!" Halakhak niya.

Napatingin ako kay Pat ng abutan niya ako ng isang stick na may lamang kulay puti na pabilog at kulay brown na malaman. Ano 'to?

Tinitigan ako ni Pat.

"Wag mong sabihin na hindi ka kumakain ng fishball at kikiam?"

"Huh?"

Tinuro niya ang hawak ko kaya napatingin din ako doon.

Fishball at kikiam? Ito? I'm not familiar with this. Is this chewable or nah?

"Masarap 'yan." Tango ni Tina nang mapansin kami.

Napalunok ako.

"Is this safe? Is this clean?"

Nagkatinginan ang tatlo. Napabaling ako kay manong na nagtitinda, nakatulala siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Hay, Ada. Saang planeta ka ba galing? Malinis 'yan, masarap pa!"

Nagkibit-balikat ako at kumagat na rin. Maya-maya lang....

"Kuya, palagay naman po ito sa lagayan. Ayan.. ayan! Palagay po sa plastic cups."

"Ada, baka gusto mo ng paalisin si kuya? Ikaw at ikaw na lang ang bumibili." Patutsada ni Tina.

"Hayaan niyo na, nasarapan e." Halakhak ni Pat.

"Sisingilin ko talaga si Crues mamaya! Singkwenta pesos na kaya nagastos ni Ada!" Rinig kong reklamo ni Laine.

Hinawi ko ang bangs ko at nilagyan ng suka ang baso.

"Oh! Crues! Kuya!"

Halos mapaso ang bibig ko nang isubo ang dalawang fishball. Ang init pa pala!

Pinaypayan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay. Napatingin sa akin sila Crues at Daile.

"Ada, okay ka lang?"

Nilapitan ako ni Crues.

"Ano 'yan? Kumakain ka ba niyan?"
Tumango lang ako at itinuloy na ang pagkain. Kinuha niya ang stick kong hawak at tumusok na rin sa baso ko.

Hinayaan ko siyang kumuha doon dahil siya naman ang magbabayad nito.

"Bayaran mo na."

Napalingon siya sa akin.

"Ano?"

"Ikaw ang magbayad. 50 pesos lahat nagastos ko."

Napasinghap siya.

"Singkwenta pesos? Grabe ka naman kumain?" Gulat niyang tanong.

"Dali na, nag-aatay kaya si manong."

Tinitigan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa akin. Ngumisi lang ako.

"Magbihis na kayo, magsisimba tayo." Ani Crues. Sinubo ko na ang huling fishball bago sumunod sa kanila sa loob.

Tumango lamang sila Laine nang sabihin iyon ni Crues pero ako ay natigilan.

Magsisimba? Napalunok ako. I can't remember when was the last time I enter a church. Yes, I do pray but... I rarely go to church.

Dauntless Where stories live. Discover now