IKA-ANIM NA KABANATA

163 7 1
                                    

Sariwa pa sa alaala ni Felissa ang huli niyang pagluha. Parang kailan lang nang umiyak siya dahil sa kanyang ina’t kapatid. Ngayo’y heto nanaman siya, humahagulgol sa kanyang k’warto.

Hindi n’ya alam kung tama ba ang umiyak siya sa isang bagay na wala naman siyang kinalaman. At mas lalong hindi niya alam kung ano ba ang iniiyakan niya, ang poot na nararamdaman ng kanyang kapatid sa kanya, o ang mga bagay na nangyari noon na hanggang nagyo’y wala pa rin siyang kamalay-malay.

Paulit-ulit niyang tinatanong sa sarili kung ano pa ba ang silbi niya bilang isang anak sa kanilang pamilya kung ang sarili niyang nakaraan ay hindi na niya alam. Iniisip na lang niya na siguro’y bata pa lang siya noon kaya maaring nakalimutan na niya ang mga ito.

O baka naman may itinatatago sila na hindi niya alam.
At hindi na niya dapat malaman pa.

Ayaw niyang mag-isip ng iba, masyado ng naguguluhan ang kanyang isisp at masyadon ng nasasaktan ang kanyang puso.

Para bang sampung tinik ang nasa lalamunan niya at ang kanyang mga mata ay marunong ding makisama dahil tila mayroon itong lamang isang balde ng mga luha at hindi nito makuhang maubos.

Huminga siya ng malalim, hindi alintana ang mga luhang umaagos sa kanyang mata dahil para sa kanya ang luha ay hindi simbulo ng kahinaan, bagkus isa itong patunay na ang isang tunay na tao ay umiiyak at nasasaktan. Lumapit siya sa bintana ng kanyang k’warto at sandaling pumikit, parang bumabalik lahat ng sakit, pinapapaalala ang lahat ng mga nangyari.

Gan’on ba talaga kalaki ang galit ng mundo sa kanya at sa una pa lamang ay pagtangis na ang kanyang ginagawa? Ilang taon din niyang pilit na tinutuklas kung ano nga ba ang tinatago ng kanyang pamilya sa kanya, ngunit ni minsan walang siyang nakuhang sagot.

Sagot na matagal na niyang hinihintay.
“Ilang gabi pa ba ako tatangis na parang isang tupang hindi kayang lumaban?” bulong niya sa hangin. “Sana’y kasaba’y na lang nang pag-ihip ng hangin ang pagkawala ng sakit  na nararamdaman ko.”

Muli siyang napahagulgol ng maalala niya ang pangako niya kay Filipe. “Sana madali lang tuparin ang pangako mo. Ngunit patawad mahal ko, hindi ko rin kaya. Hindi ko kayang labanan ang pamilya ko.”

“Pangako mahal ko, hinding-hindi na ako magpapa-alipin pa sa kanila. Hindi ko na hahayaan pang maliitin nila ang pagkatao ko.” Tunay ngang madaling magbitaw ng pangako, kasing dali rin ng sirain ito.

“Akala ko’y kaya kong tumayo sa sarili kong paa ng wala ka.” Muli siyang bumalik sa kanyang kama at dahan-dahang humiga. “Siguro nga’y mahina ako. Siguro nga’y hindi ko pa talaga alam kung sino talaga ako.”

Mali ba ang pinili niya ang kanyang pamilya kaysa sa kanyang sarili?

Mali ba ang nanatili na lamang siyang tahimik kahit na alam niya kung gaano kagulo ang kanyang mundo?

“Ilang ulit na akong nangarap na sana’y malaman ko man lang ang tunay na ako. Hanggang pangarap na lang ba talaga ako? O mali talaga ang manghimasok ako sa isang bagay na hindi ko na yata dapat pang-malaman — kung sino ba talaga ako at kung ano ba ang itinatago nila sa akin,” tanong niya sa kanyang isip.

“Sana’y pagdududa lang ang mga ito.”

Pumikit na siya at tuluyan ng nahimbing.

Wala s’yang ibang makita kun’di ang malabong tanawin ng kanilang dinadaanan dahil sa bilis nang andar ng kalesang kanyang sinasakyan. Hindi n’ya alam kung ito rin ba ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo niya o may iba talagang nais itong ipahiwatig.

“Koya, p’wede bang bagalan yeng bagya?Malilyu ku kasi masyado yang mabilis. (Kuya, p’wede bang bagalan n’yo ng kaunti? Nahihilo kasi ako dahil masyadong mabilis.”

“Sige pu.” Ngumiti na lamang siya nang bagalan na nga ang kalesang kanyang sinasakyan. Pupunta siya sa simbahan ngayon upang magdasal kahit pa hindi lingo. Marami kasi siyang gustong ipagpasalamat… at itanong.

Nahigilap ng kanyang mata ang kumpol ng mga tao sa harap mismo ng bahay nina Maria. Bago kasi makapunta ng simbahan ay dadaanan muna iyon. Agad na kumunot ang kanyang noo at takot ang bumalot sa kanya sa mga oras na iyon, lalo pa nang makita niya ang ina ni Maria.

“Koya keni nakumu (kuya dito na lang ako).”  Tumigil ang kalesa at bumaba na siya. Unang bumungad sa kanya ang kapatid ni Maria-ng si Juan, umiiyak kasama ang nakakabata nitong kapatid na si Esmeralda.

Nilapitan niya ang mga ito, at ng makita siya at nilapitan nila si Felissa at yinakap. “Menanu kayu? (Napano kayo?)”

“I tata ku…” humahagulgol na sambit ni Juan sa kanya habang tinuturo ang bahay nila.

Nakipagsiksikan si Maria upang makapunta sa harapan, doon niya nakita si Maria, tumatangis habang kalong sa kanyang binti ang amang naliligo sa sariling nitong dugo. Ilang Segundo siyang natulala, naalala niya ang kanyang papa. Paano kung siya ang nasa kalagayan ni Maria, paano kung ang papa niya ang kalong niya habang tumatangis.

“Oh jusko,” ang tangi niyang naisambit. Hindi na niya magawa pang lapitan ang kaibigan dahil tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Naawa siya sa kanyang kaibigan, pati na rin sa ama nito. Kay bait ni Mang Pedro at hindi niya alam kung paano ito nangyari, isang huwaran para sa kanya ang ama ni Maria, kahit pa mahirap sila ay nagpapakahirap kumayod ang ama ni Maria may maipakain lang sa kanila.

Ngayong wala na siya, paano na lang ang kanyang kaibigan? Paano na lang sila mabubuhay kung wala na ang haligi ng kanilang tahanan?

Napabalik siya sa kanyang huwisyo nang maramdaman ang yakap ni Maria, hindi niya alam kung paano ngunit nakita n’ya na lamang ito sa kanyang harapan. “Anong nangyari, Maria?”

“Hindi ko din alam Felissa. Hindi ko din alam kung paano ito nangyari sa kanya.” Sinubukang pahirin ni Felissa ang mga luhang nahuhulog sa mata ni Maria. “Oh jusko. Sinong may gawa sa kanya nito? Nanung kasalanan ng tatang ku karela? (Anong kasalanan ng ama ko sa kanila).”

“Felissa, sabihin mong nananaginip lang ako… sabihin mong buhay pa s’ya,” pagmamaka-awa ni Maria sa kanya. Walang naisagot si Felissa, yinakap n’ya na lamang ito ng mahigpit. Sana nga’y panaginip lang.

Kay bigat ng pakiramdam ni Maria tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ng mga oras na nakita niya ang kanyang amang nakabulagta ay para bang nagyelo ang kanyang katawan, parang ayaw maniwala ng puso niya sa sinasabi ng kanyang isip.

Puno ng sakit ang kanyang naramdaman ng mahawakan ang ama… nang naliligo sa sarili nitong dugo. Sa bawat Segundo ay ang imahe ng kanyang ama ang nakikita, parang ayaw siyang patakasin ng mga taksil niyang luha at bawat maalala niya ito’y kusa silang lumalabas.

“Bakit ginawa sa kanya ‘yon Felissa? Ano bang kasalanan niya?!” nagmamaktol nitong tanong. Tila lalabas na ang kanyang mga ugat sa galit, ilang ulit na niyang tinanong sa kanyang sarili kung ano ba ang kasalanan ng ima niya at ginawa ang bagay na iyon sa kanya.

Parang pinapatay siya kapag nakikita ang mga dugong nahuhulog mula sa mga saksak sa katawan nito. Parang nagugunaw ang mundo niya sa bawat paghaplos niya sa malamig nitong katawan. At parang dnudurog ang kanyang puso tuwing naalala ang imahe nitong nakabulagta at walang buhay.

Tila sampung tinik ang isinasaksak sa kanyang lalamunan tuwing naaalalang, hindi iyon isang panaginip.

Tuwing Takip SilimOnde histórias criam vida. Descubra agora