IKAAPAT NA KABANATA

197 12 1
                                    

“Ayos ka na ba?”

Sandaling natigilan sa paglalakad si Felissa at ngumiti ng bahagya. “Sa ngayon ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Salamat.”

“Wala kang dapat ipa-salamat, ginawa ko lang ang tungkulin ko bilang isang kaibigan,” tugon ni Maria bago nila narating ang tahanan nina Felissa. Nangingibabaw ang bahay nila dahil sa laki at ganda ng pagkagawa nito, iba’t ibag puno rin ang nakapaligid sa kanilang hardin na kitang kita na kahit sa bungad pa lamang ng  kanilang geyt.

Binitawan na ni Maria ang kanyang kamay at yinakap ito ng mahigpit. “Hanggang dito na lang ako Felissa, gabi na rtin kasi. Paalam na.”

“Salamat sa paghatid at pagpapasay ng araw ko Maria. Paalam, mag-iingat ka sa pag-uwi,” paalam nito sa kaibigan bago siya tuluyang lumisan.

Tahimik niyang binuksan ang gate ng kanilang tahanan. Kay lakas at lamig ng ihip ng hangin dahil nalalapit na ang pasko. Walang ingay ng makapasok siya ng gate. Gabi na at akala niya’y siya na lamang ang nakagising. Dahan-dahan s’yang naglakad papunta sa pinto dahil sa takot nab aka mahuli siya ng kanyang mga magulang.

Bumlis ng tibok ng kanyang puso ng marinig niya ang kanyang pangalan. Lumingon-lingon siya upang malaman kung mayroon pa bang ibang tao bukod doon. Matinding gulat ang halos magpabilog ng kanyang mata ng makita ang kanyang kapatid kasama si Katarina sa isang kubo na malapit sa kanyang kinatatayuan, ang ilaw na sumisinag sa labas ng bintana ay sapat na upang malaman niya kung sino ang nasa loob.

Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla ng makitang kasama nito si Katarina, siguro’y dahil alam niyang isa sa mga umaaligid  si Katarina sa kanyang dating nobyo.

Ngunit mas nabigla siya ng marinig niyang muli ang pangalan n’ya mula sa dalawa. Napabuntong-hininga siya at tinignan ang pinto ng kanilang tahanan, pagkatapos ay ang kubo kung saan naroon ang kanyang kapatid. Alam niyang mali ang making sa usapan ng iba, ngunit ang kanyang utak ay tila inuutasan siyang pumunta at makinig dito.

“Bakit ba kasi pinuntahan ko pa si Felissa? Kung sanang hindi ko pinuntahan si Felissa ay nandyan pa rin s’ya hanggang ngayon!”

“Ano ba ang gusting mong baguhin sa mga nangyari sa nakaraan, Marcela? Ang paglapit mo kay Felissa noong araw na iyon na tinawag ka n’ya? O ang paghawak mo sa kapatid mo noong nilapitan ka ng mga magulang mo?”

“Ang nabuhay pa si Felissa.”

Hindi alam ni Felissa kung ano ang kanilang pinaguusapan, ngunit sa binitawang salita ng kapatid ay talagang tumama sa puso niya na parang isang kutsilyo. Unti-unting nahulog ang namuong luha sa mga mata n’ya. Nanatili s’yang tahimik habang nasa baba ng bintana ng kubo.

“Alam mo ba ang pakiramdam na bigla na lang naghlahong parang bula ang taong hinintay mo ng kay tagal? Bawat oras na naaalala ko ang nangyari ay para akong binabangungot.”

“Ngunit kay tagal na no’n hindi ba?”

“Walang kwenta ang tagal, dahil kapag nasaktan ka ay kay hirap ng hilumin pa.”

Gulong-gulo ang isip ni Felissa at hindi niya alam kung tungkol saan ba ang kanilang pinag-uusapan. Hindi niya magawang umalis dahil sa mga naririnig niyang paghikbi ng kapatid. Ni minsa’y hindi pa yata niya nakita o narinig man lang na umiiyak ang isang bato, isang taong may bato at kay tigas na puso kagaya ni Marcela.

“Alam mo kung ano pa ang masakit? ‘Yong ikaw na nga ang nawalan ay ikaw pa ang mapagbibintangan. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana nabuo ang panlalamig ni papa sa’akin,” dagdag ni Marcela.

“Anoo ba ang ikinasasama ng loob mo? Ang nabuhay pa si Felissa o ang sumama pa ang iyong ina sa kanyang ama?”

“Ang nabuhay pa s’ya.Katarina paano ba s’ya mawala? Paano ba baguhin ang lahat ng nangyari?”

“Alam mong wala akong maisasagot sa’yo tungkol d’yan, Marcela.”

“Kung gano’n paano mabawasan ang sakit na nararamdaman ko—”

Hindi sinasadyang nadulas si Felissa sa putik na kanyang natapakan kaya naman natigil ang pag-uusap ng dalawa. Nanginig ang buo niyang sistema ng makita ang kapatid sa kanyang harapan. Nagmumugto ang mata at nakatikom ang kamao.

“Narinig mo ang lahat?” nangangalit na tanong ni Marcela sa kanya.

Hindi sumagot si Felissa at napayuko na lamang. Tila nilayasan siya ng kanyang boses at hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ngayon pa lamang pumasok sa kanyang isip na mali ang ginawa niyang panghihimasok sa paguusap ng dalawa.

Mabilis na kinuha ni Marcela ang kamay ni Felissa at itinayo siya. “Sumagot ka ano ang mga narinig mo?!”

Mabilis na nag-unahan ang mga luha sa kanyang mata at dahan-dahang napailing.

“Hindi ako naniniwala sa’yo. Alam kong narinig mo ang lahat!” Galit at madidiin ang mga salita ng kanyang kapatid. “Ngayon alam mo na? Alam mo na ba kung ano ang mga nangyari dati!”

Napahagulgol si Felissa sa kahit ng mahigpit syang hawakan ni Marcela sa braso. “Ano ba ang nangyari? Wala akong alam! Naguguluhan ako!”

“Lagi ka naming walang alam ‘di ba? Lahat naman hindi mo alam. Palibhasa kasi ikaw ang –“

“Marcela!” putol sa kanya ni Katarina. Sandaling napatingin si Marcela kay Katarina at huminga ito ng malalim.

“Wala ka talagang alam sa lahat ng nangyari Felissa. Wala kang alam dahil lahat ng atensyon na sa’yo. Pati ang paghihinagpis ko ay hindi mo alam!”

Nagpumiglas si Felissa sa pagkahawak ng braso ni Marcela sa kanya. “Ano ba ang ginawa ko sa’yo? Simula pagkagbata ay ayaw mo na sa’kin!”

“Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawala s’ya—“

Hindi na hinayaan pa ni Katarina na ituloy ni Marcela ang kanyang mga sinasabi at hinawakan niya agad ang kanyang kamay. “Tayo na Marcela, umalis na tayo bago mo pa masira ang pangako mo sa iyong papa.”

Mabilis na umalis ang dalawa, iniwan si Felissa na luhaan at naguguluhan. Para bang napipi s’ya at kusang napa-upo ang kanyang katawan sa sahig. Pakiramdam niya’y sampung tinik ang kanyang nasa lalamunan, kasing dami ng kutsilyong sumasaksak sa kanya.

Marahil wala nga siguro s’yang ka-alam-alam sa mga nangyari. Kung ano ba talaga ang mga nangyari noong s’ya ay isa pa lamang musmos. Noong hindi pa siya mulat sa mundo.

Ano nga ba ang sikretong nakatago sa kanyang nakaraan?

---

Ano nga kaya ang nangyari sa nakaraan ni Felissa? Hm... Anyway, happy reading guys! Hope this chapter makes you curious! Ya know. Votes and comments are highly appreciated! Love you all!

Dedicated to @simplyqueenzaza

Nagmamahal,
Uzziel Ann

Tuwing Takip SilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon