IKALABING-WALONG KABANATA

99 5 0
                                    


Narinig na ni Felissa ang mga yapak ng taong papalapit sa kanya bago pa man magtama ang kanilang mga mata.

“Paano iyon nangyari, Felissa?” rinig niyang tanong ng lalaking kanyang kaharap.

“Wala na s’ya, Filipe. Wala na ang papa ko…”

Malungkot na napatango si Filipe. “Parang kailan lang ang ayos-ayos niya noong naka-usap ko s’ya.”

Pinunasan niyang muli ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mata. “Naatake s’ya pagka-uwi na’tin. Tapos pagdating ko sa ospital doon ko lang nalaman na mayroon pala s’yang stage 4 lung cancer.”

“Pasensya na, Felissa,” ramdam na ramdam ang sinseridad sa boses ni Filipe habang nakayuko siyang nangusal kay Felissa.

“Bakit? Wala ka namang ginawang kasalanan.”

“Mayroon Felissa.” Iniangat n’yang muli ang kanyang ulo at ng matitigan sa mata si Felissa’y ibinababa n’ya ulit ito dahil pakiramdam niya’y hiyang hiya siya. “Siguo kung hindi kita sinama ay nakita at nakausap mo man lang kahit sandal ang papa mo. Siguro kung hindi ko inuna ang pagtibok ng puso ko’y na yakap mo siya kahit sandali man lang.”

Itinaas ni Felissa ang ulo ni Filipe at nginitian siya. Siguro nga, siguro nga kung nanatili siya sa bahay nila ay nakasama niya kahit sandali ang kanyang ama, ngunit wala naming dapat sisihin dahil wala naming nakakaalam na mangyayari iyon.”Wala kang kasalanan, isa pa, kasalanan ko rin natulog ako kaya hindi tayo agad naka-uwi.”

“Peo seryoso Felissa. Nakikipagdalumhati ako sa pagkawala ng iyong ama. Sana’y maging ayos ka rin.”

“Susubukan kong bumangon, Filipe, susubukan ko,” ngingiti-ngiti n’yang sagot. Isang ngiting matamlay at walang buhay.

Ngumiting pabalik si Filipe, yaong ngiting nagpapula ng mga pisngi ni Felissa at hinawakan ang kanyang kamay na parang hawak niya ang langit. “Alalahanin mo lang na lagi akong narito upang tulungan kang bumangon.”

“Salamat,” ang tangi n’ya na lamang naisagot matapos n’yang yumuko ng maging pulang krayola ang kanyang mukha.

“Sa nga pala. Nahuli na ang salarin sa pagsaksak sa kapatid ko,” nagagalak na wika ng binata.

“Talaga? Mabuti kung ganoon at nabigyan na rin ng hustisya ang pagkawala niya.”

“Felissa…” panimula muli ni Filipe. “Handa akong hintayin ka kahit pa anong mangyari, pero, tama bang hintayin kita?”

Hindi makasagot si Felissa. Pakiramdam niya’y tinakasan siya ng kanyang boses. Rinig niya ang pintig ng kanyang pusong animo’y kakawala na sa kanyang katawan.

“Felissa.”

Napaharap siya sa kanyang likod ng may biglang nagsalita, si Maria. Nakahinga siya ng maluwag at dahil pakiramdam niya’y tinakasan siya ng kanyang hininga kanina. Laking pasasalamat niya sa kaibigan at napahawak siya sa kanyang kamay at pumikit ng patago.

“Anong nangyari sa’yo?” tanong ng kanyang kaibigan sa kanya at ibinigay ang kapeng nakabasong hawak niya kay Felissa.

Umiling si Felissa atdahan-dahang hinigop ang kapeng kanyang hawak.

Tumayo si Filipe at ipinaupo si Maria bago siya lumipat ng p’westo kung saan naroroon ang kanyang ina.

“Felissa, kumain ka na ba?” nag-aalalang tanong ni Maria sa kanya.

Isang walang ganang ngiti ang una niyang itinugon. “Siguro. Hindi ko rin alam.”

“Bakit hindi mo alam? Dapat ikaw ang nakaka-alam ng ganyang bagay dahil buhay mo iyan.”

“Sa tingin mo ba’y maiisip ko pa ang sarili ko kung unti-unti ng nauubos ang mga taong mahal ko?”

Napatahimik si Maria, tama si Felissa, paano pa ba niya maiisip ang kanyang saili kung umuulan nang problema sa buhay niya. Parang salamin lang si Felissa sa mga pagsubok na nangyari sa kanya noon. Mga pagsubok na hindi n’ya alam kung nalagpasan na nga ba niya. Mabuti na lamang at nakakaraossila sa pagtitinda niya ng sampaguita kasama ang pangalawang kapatid sa simbahan, kahit paano’y may naaahin sila kahit dalwang beses lamang sa isang araw.

Pero hanggang ngayo’y hindi n’ya pa rin alam kung natanggap na ba niya na wala na ang ama dahil minsa’y hindi niya mapigilan ang sariling hindi maalala ang ama lalo na kung nangungulila siya.


Napatingin sa likod si Felissa ng may maramdaman siyang kamay na pumatong sa kanyang likod. Nang una’y inakala niyang si Filipe ito ngunitnabigla siya ng makitang si Katarina ito.

“Nakikiramay kami ng aking ina, Felissa.”

Tumayo si Felissa, ngumiti at nakipagkamay sa kanya. Napalingon siya sa ina ni Katarinang nasa likod niya. Hindi siya ganoon kaputi, kutis n’ya’y isang maka-Pilipino at diretso ang buhok at kulay kayumanggi katulad ni Katarina.

“Ikaw ba si Felissa De Verga?” tanong ng ina ni Katarina sa kanya.
Tumango siya at nagulat sa biglaang pagyakap niya sa kanya. Rinig na rinig niya ang lakas ng pintig ng puso niya ng magkadikit ang kanilang mga dibdib at mayroong mga likido siyang naramdaman na nahulog sa kanyang balikat.

Naiilang siyang kumawala sa yakap at nagtataka kung bakit gano’n na lamang umasta ang babaeng kaharap niya. Hindi na lamang siya nagsalita at itinago ang mga naiisip sa kanyang sarili.

“S’ya nga pala, ang mama ko, si Nita De Leon,”pagpapakilala ng ni Katarina sa kanyang ina.

“Halika na, Maria,” rinig nilang sambit ng ina ni Katarina bago nila nilapitan ang kabaong ni Edwardo. Napatingin si Maria sa kanya dahil akala n’ya ay s’ya ang tinatawag ngunit si Katarina ang lumapit sa kanya.

“Bakit tinawag s’yang Maria?” nagtatakang tanong ni Maria sa kanya.

“Maria Katarina ang tunay na ngalan ni Katarina.”

Tumango si Maria at umupo na silang muli.

Hanggang ngayo’y nagtataka pa rin si Felissa kung bakit pakiramdam n’ya’y umiyak ang ina ni Katarina ng yakapin s’ya nito. Parang may kakaibang hindi niya masabi.Hindi n’ya lamang masabi dahil kahit s’ya’y nagugulahan din.

“Felissa, p’wede ka bang makausap?” Napatingin si Felissa kay Katarina na bigla na lamang lumitaw sa kanyang harapan. Tumango siya at sinundan si Katarina palabas ng k’wartong pinagbuburulan ng kanyang papa.

Hinawakan ni Katarina ang kanyang kamay at bumuntong hininga siya. “Felissa…gusto ko sanang humingi ng… ng pasensya sa mga…sa mga nagawa kong kasalanan noon.”

Gusto niyang sumagot ngunit hindi niya mahanap ang kanyang salita. Wala siyang masabi, wala siyang maintindihan kung totoo ba ang mga nangyayari. Isang Katarina, hihingi ng tawad sa kanya? Parang napakaimposible no’n.

“Ang dami kong nagwang mali sa’yo, hindi ko alam kung makakabawi pa ba ako… Pero sana talaga, mapatawad mo ako. Sobrang bigat ng mga kasalang nagawa ko sa’yo. Siniraan kita sa ate mo. Gustong-gusto kong nagkikita kayong nag-aaway,siguro dahil, gusto kong ako ang maging kapatid ng ate mo?” Napayuko siya at napakagat sa kanyang labi. “Naiingit kasi ako sa’yo.Patawad.”

“Alam kong marami pang katanungan sa isip mo Felissa, kung sino ka ba talaga at saan ka nanggaling, lahat ‘yan sasagutin ko—”

Namin, Maria Katarina.”

Tuwing Takip SilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon