IKALAWANG KABANATA

417 25 25
                                    


Iginala n’ya ang kanyang mata at napansing kakaiba ang disenyo ng silid. Isang malaking aranya ang nakasabit sa puting kisame. Kulay ginto naman ang mga kurtina na nakalagay sa malalaking bintana.

Bukod pa doon ay napansin niyang kakaiba rin ang damit na suot ng kanyang ama at ina, minsan lang kasi magsuot ng lilang damit ang mga ito dahil iisa lang ang isinasagisag nito, kapanyarihan at karangyaan.

“Bakit hindi ka pa kumakain, Felissa?” Napabalik siya sa kanyang huwisyo sa naiwika ng ina.

Mabilis niyang ibinalikwas ang atensyon sa kanya. “Nagtataka lang po ako kung bakit lila ang inyong kasuotan.”

Mapaglarong ngiti ang kumalat sa labi ni Marcela at tumayo upang ipakita ang kanyang damit. Doon n’ya lamang napagtanto nanakaputing Filipiniana ito at mayroong koronang nakapatong sa kanya.

“Hindi ko alam na hindi mo pa pala na nabalitaan na nanalo ako saisang paligsahan,” wika ni Marcela. “Palibhasa kasi’y wala kanga lam,” pabulong niyang dagdag.

“Sino pa ba ang mananalo kun’di ikaw? Ikaw lang naman ang pinakamaganda,” pagmamalaking sambit ng kanyang mama.

“Tunay naman kaya siyang nanalo?”
“Oo nga, baka nakuha na naman iyan sa salapi.”  Rinig ni Felissa na bulungan ng mga kasambahay sa kanyang likod. Humarap siya kaya tumigil ang mga ito.

Hindi na gaanong kinabahan ang mga kasambahay at bahagya na lamang siyang nginitian. Alam kasi nilang malayong malayo ang ugali ni Felissa sakanyang mga magulang, lalo na sa kapatid.

Kahit siya ay sumangayon din sa sinabi ng dalawang alipin kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang hindi maniwala  na hindi nandaya ang kapatid. Dahil lgi naming ganoon ang kanyang ginagawa.

“Tila kay lalim ng iyong iniisip.” Tinignan niya ang kanyanginsa sa pagsasalita nito.

“Baka iniisip niya kung paano maging katulad ko,” mapagmalaking bigkas ni Marcela at tumawa na tila may pinupunto.

Napakagat na lamang siya sa kanyang labi at napadiin ang hawak sa kutsarang gamit niya.” Ano ang iyong ibig sabihin?”

Umiling si Marcela. ”Wala naman ngunit kung sa tingin mo’y mayroon, problema mo na iyon.”

Kunyaring umubo ang kanilang papang si Edwardo de Verga ng mapansin ang tila namumuong debate sa kanilang dalawa. “ Nasa harap kayo ng hapag kainin, baka nakakalimutan ninyo.”

Tumingin ang kanilang mamang si Juana at malambing na hinawakan ang kamay ng asawang nakapatong sa upuan. “Alam mo bang may naririnig ako kaninang usapan tungkol kay Marcela at sinisiraan siya?”

Napasinghap si Marcela sa pagkabigla. “At sino naman ang mga walang kwentang iyan?” gulat at nangangalit na tanong niya.

“Pasensya ka na anak ngunit hindi ko sila kilala,” tugon ni Juana at malungkot na tinitigan ang anak na namumula ang pisngi sa galit.

“Ano ang paninirang sinabi sa kanya?” singit ni Felissa. Ramdam niya ang galit sa kanyang kapatid ngunit hindi pa rin maiiwasan na hindi siya makialam dahil kahit papapaano’y kapatid n’ya pa rin si Marcela.

Patagong napataas ng kilay si Macela pagkaharap n’ya kay Felissa.

“Na binayaran lang daw ang kanyang pagkapanalo,” malamig na tugon ni Juana sa anak. Bahagya na lamang napangiti si Felissa dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot.

“Hayaan mo na ang mga iyan, Marcela. Ganyan talaga ang ibang Pilipino. Wala ka pa mang naipagmamalaki ay hinahatak kana nila pababa.”

“’Wag kang mag-alala Papa, kahit na ganoo’y hindi ako papaya na hilain nila

Tuwing Takip SilimWhere stories live. Discover now