IKALABING LIMANG KABANATA

93 4 0
                                    


“A-ano? Paanong…”

“Kanina, sinugod s’ya sa ospital. Habang kumakain sila kanina ay bigla s’yang nahirapang huminga,” naluluhang sambit ng kanyang nanang.

Hindi makapagsalita si Felissa, hindi niya alam kung ano ang isasagot. “Niloloko mo lang  ako, hindi ba?”

Umiiling ang kanyang nanang na dahilan ng mabilis na pag-agos ng kanyang mga luha. Pakiramdam n’ya’y bumagsak ang mundo n’ya. Napa-upo siya at nawalan ng lakas. Hindi n’ya magawang tumayo. Niyakap siyang muli ng kanyang nanang.

Parang bigla na lamang pumapasok sa kanyang isip ang mga panahon noong magkasama sila ng kanyang ama. Noong bata pa siya at lagi silang magkasama, naglalaro  na parang kasing edad n’ya pa lamang ang ama.

Hindi pa huli ang lahat, ngunit pakiramdam n’ya’y bumagsak na ang mundo n’ya. Sana lang ay hindi magkatotoo ang mga posibleng mangyari na naiisip n’ya. Sana lang ay ‘wag muna siyang kunin katulad ng nangyari sa ama ni Maria. Ayaw n’ya pang maging ulila.

Hindi n’ya pa kayang mawalan ng ama.
Ng amang nagpalaki sa kanya.

Matapos ang ilang sandali’y sinubukan niyang tumayo at naglakas ng loobna magsalita, “Gusto ko s’yang makita, gusto ko s’yang puntahan.”

Tumango ang kanyang nanang at naghintay na silang ng masasakyan.

Ng makasakay na sila’y pakiramdam n’ya ay nasa ibang mundo ang kanyang isip at hindi siya makapag-isip ng maayos at wala sa katinuan. Walang ibang pumapasok sa kanyang isip kun’di ang mga salitang binitawan ng kanyang nanang.

“Sinugud de ospital ing papa mu, meataki ya anak. (Sinugod sa ospital ang papa mo, naatake s’ya sa puso, anak.)”

“Sinugud de ospital ing papa mu, meataki ya anak.”

“Sinugud de ospital ing papa mu, meataki ya anak.”

“Sinugud de ospital ing papa mu, meataki ya anak.”

“Sinugud de ospital ing papa mu, meataki ya anak.”

Parang sirang plakang paulit-ulit itong pumapasok sa kanyang utak na parang ito lang ang salitang alam niya. Hanggang makarating sila ng ospital ay lutang na lutang pa rin siya. Dumiretso sila sa k’warto ng kanyang papa at doon ay naabutan niya ang kanyang papang walang malay na nakahiga at ang kanyang mama at ate Marcela.

Hindi s’ya napasin ng mga ito dahil nakatalikod sila. “Anong nangyari?”

Napatingin silang lahat sa kanya. Mga malalamig na tingin ang kanilang binato sa kanya na animo “Bakit ngayon ka lang, Felissa?” tanong ng kanyang mama.

Hindi siya sumagot dahil pakiramdam niya’y hindi niya maintindihan ang winika ng ina. Linapitan niya ang nakaratay na ama at hinawakan ang namumutlang kamay nito.

“Wag mo akong tinatalikuran, Felissa. Saan ka nanggalin?” tanong muli ng kaanyang mama.

Hinarap niya siya at sinagot. “Pasensya na.” ang tanging salitang lumabas sa kanyang bibig. Ilang sandal pa’y pumasok na ang doctor. “You’re the family of the patient, right?”

“Yes doc, how’s his condition?” rinig niyang tugon ng kanyang ate Marcela.

Nag-iba ang timpla ng mukha ng doctor na animo’y isa s’yang kapamilya ng pasyente.

“I’m so sorry but his stage 4 lung cancer get worse.”

Napaharap si Felissa sa doctor na nagtataka. “Stage 4 cancer?” Parang ayaw pumasok sa kanyang isip ang sinabi ng doctor.

“And we’re really sorry but the patient can only live for two weeks base on our observation, ang we also notice that he doesn’t drink any medicine that’s why his case gets worse.”

Susubukan pa sanang magtanong ni Felissa ngunit bago n’ya pa ito magawa ay narinig na niya ang malakas na hagulgol ng ina.  Yayakapin na n’ya sana ito ngunit bago n’ya pa magawa iyon ay naunahan s’ya ng kanyang ate Marcela na nanangis din.

Dalawang linggo…

Dalawang linggo na lang ang buhay ng kanyang ama. Ayaw niyang maniwala. Gusto na niyang magising sa kanyang panaginip ngunit kahit paulit-ulit pa niyang sampalin ang kanyang sarili ay wala ring mangyayari, dahil hindi panaginip ang lahat.

Tuwing Takip SilimWhere stories live. Discover now