IKALABING-DALAWANG KABANATA

82 4 0
                                    


“Salamat, Maria. Sana nga ay malaman ko ang sagot sa mga tanong ko.”

Nginitian ni Maria si Felissa at hinawakan ang kanyang kamay. “Walang anuman. Tara ihahatid na kita sa inyo dahil siguradong hinahanap ka na ng mama at papa mo. Lakad na lang tayo.”

Tumango si Felissa at tumayo na sila paalis. “Kay bilis naman at takip silim na pala.” Sambit ni Maria

“Oo nga, parang sa buhay natin, hindi natin namamalayan na tumatatanda nap ala tayo.” Napa-angat ng tingin si Felissa at ngumiti.

Mahinang napatawa si Felissa. “Ewan ko sa’yo, lahat na lang ng bagay ay binibigyan mo ng kahulugan.”

Napatawa rin si Felissa ng pumasok sa utak niya ang tinuran  ng kaibigan. Tama naman siya, halos lahat ng bagay nilalagyan n’ya ng kahulugan. “Ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sarili ko.”

“Kanino mo ba namana ‘yan?”

Napakibit-balikat si Felissa. “Ewan ko, hindi ko pa kasi nasubukang makipag-usap ng matagal kay mama at papa… lalo na kay Marcela.”

“Sabagay…” Natigil ang kanilang pag-uusap at napuno ng katahimikan ang lugar. Naglalakad sila ng walang umiimik hbang magkahawak kamay. Wala mang nagsasalita sa kanila ay ramdam Maria ang nais sabihin ni Felissa sa kanya. Alam niyang ayaw ng pag-usapan pa ni Felissa ang kanyang kapatid kaya pinili n’ya na lamang manahimik.
“Andito na pala tayo… Mauna na ako Felissa, mag-iingat ka,” paalam ni Maria sa kanya bago n’ya ito kawayan at tuluyan ng umalis.

Mukha ng kanyang kapatid na naka taas ang kilay ang unang sumalubong sa kanya sa gate pa lamang ng bahay nila. “Ako na naman ba ang pinag-uusapan ninyo?”

Napakunot si Felissa sa sinabi ng kanyang kapatid. “Ikaw? Pinag-uusapan namin?”

“Sa tingin ko ay sinisira mo na naman ako.” Ngingising tanong ni Marcela sa nakababatang kapatid.

“Wala akong sinisiraan ate Marcela, hindi ka naman namin pinaguuusapan.”

Sa isang iglap ay biglang lumabas si Katarina sa tabi ni Marcela na nakangisi.  "Wag ka ng magmaang-maangan Felissa. Paulit ulit mong idiniin na ako ang naninira kay Marcela hindi ba?" Nilapitan ni Katarina si Marcela at linakian ng mata.  Nabigla si Felissa sa ibinulalas ni Marcela. Hindi niya alam kung bakit niya ito biglang sinabi. Sigurado siyang gusto na naman niyang sinaraan si Katarima sa kapatid.

"Hindi nga kita nakita kanina, paano pa kita kakausapin. Wag kang gumawa ng kwento Katarina."

Nilapitan ni Marcela si Katarina. "At pinalalabas mo na naman ngayon na nagsisinungaling si Katarina."

Naputol ang sinasabi ni Marcela ng biglang lumabas si Maria sa tabi ni Felisa. "Oo nagsisinungaling siya. Hindi ba halata?"  Sarkastikong napatawa si Marcela. "At nandito pala ang dakila mong tagapagtanggol, Felissa."

  "Bakit ba ang init ng dugo niyo kay Felissa? Ano bang ginawa niyang masama sa inyo?" 

"Wala kang alam Maria kaya mabuti pang manahimik kana lang." Kumukulo na ang dugo ni Marcela sa dalawa lalo na kay Felissa. Pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili na wag saktan ang kapatid dahil tuwing nakikita niya si Felissa ay mas lalo niya lamang naaalala si...

"Ilang beses ko ng nasaksihan kung paano mo dinapa si Felissa at sinasagutan na parang hindi mo siya kadugo."  Patagong ngumiti muli si Marcela. "At hindi ibig sabihin non ay kilala mo na talaga ako. Si Felissa lang ang kaibigan mo o sa mas madaling salita, siya lang ang nauuto mo."

Hindi napigilan ni Maria ang sariling hindi sampalin si Marcela. Ngunit bago pa niya magawa ito ay nahawakan na ni Marcela ang kanyang kamay.  "At wala ka ring karapatan na sabihing inuto lang ako ni Maria." matigas na wika ni Felissa.

  "Ayaw ko ng gulo, pero bakit lagi mo nalang akong sinusumbatan na parang ako lang ang tao sa mundo?" mabilis na nahulog ang luha sa kanyang mga mata. Gusto na niyang ilabas ang lahat ng kanyang galit , lahat ng naipong sakit na kanyang dadamdamin ay handa na niyang ilabas.  Parang isang bulkan na kahit anong oras ay ibubuga ang lahat ng ibit sa loob nito.  "Ang tagal kong kinimkim ang lahat ng 'to. Ang tagal kong tiniis ang lahat ng masasakit na salitang ibinabato mo. Ni minsan hindi ako sumagot. Akala ko kaya ko, pero mahirap din pala. Masakit din pala."

Nagunahan na ang mga luhang nahulog sa mata niya. "Pero hindi ko na kaya pang baliwalain na lang ang sinabi mong isa akong uto-uto. Nakalimutan mo bang kapatid mo rin ako?"

  "Matagal ko ng nakalimutan ang bagay na yan, Felissa." Wala ng iba pang sinabi si Marcela at iniwan si Felissa na luhaan.

----
Dang! Guys paano kumalma?! Jusko, I can't explain my feelings right now!  Inexpect ko na na pinakahuli ang rank na makukuha ko which is 4th place dahil syempre ito pa lang ang first ever novel ko na natapos kaya talagang sobrang saya ko!    

Pero alam nyo ba kung ano ang mas masaya? Seeing the judges reviews! Dang! Pinaiyak nila ako! Ipopost ko sa PAUNANG SALITA ang reviews nila.  

Tuwing Takip SilimWhere stories live. Discover now