IKATLONG KABANATA

311 14 3
                                    


Namumugto ang kanyang mga mata ng liniban n'ya ang kanyang silid. Malakas ang kanyang paghikbi tila hindi alintana kung paano niya sinisira ang katahimikan sa kanilang tahanan.

Wala namang ibang tao kung hindi siya at ang kasambahay. Itinahak niya ang daan papunta sa simbahan kung saan alam niyang naroon si Maria. Madalad kasi siyang pumunta doon kasama ang kanyang pamilya tuwing alas tres ng hapon upang  manalangin ng orasyon.

Napaisip s'ya bigla, mabuti pa si Maria ay masaya kasama ang kanyang pamilya. Pero ang pamumuhay nila ngunit puno namaj ito ng galak. Wala mang pera. Walang maayos na tirahan pero kay tibay ng kanilang pagmamahalan.

Samantalang sila, halos mahiga na nga sila sa pera ay uhaw na uhaw pa rin siya sa pagmamahal. Hindi na nga niya mahagilap ang mga ito kung hindi kakain.

Hindi pa rin niya mawari kung sino ang nagkulang kung s'ya ba o ang kanyang mga magulang. Sa lahat na yata ng pagkakamaling nagawa ng kanyang ate Marcelaay ipinasa sa kanya. Lahat na yata ng pagkakamali ay nagawa na niya sa paningin ng kanyang pamilya.

Tila ba isang s'yang napakagandang bulaklak na unti-unti ng natatanggal ang mga talutot dahil sa labis na kalungkutan.

Unang una niyang nakita si Maria sa harap ng simbahan kasama ang kanyang pamilya. Agad niya itong nilapitan at nagmano muna sa mga magulang ni Maria bago sila umupo sa loob ng simbahan.

“Anong nangyari't mugto ang iyong mga mata?” pangbungad na tanong ni Maria sa kanya.

Tumingin siya ng diretso kay Mariabat nagsimula na namang umagos ang mga taksil niyang luha. Isang tingan lang ay alam na ni Maria kung ano ang problema. Wala pa man siyang sinasabing yinakap siya agad nito.

“Ano na naman ba ang ginawa nila sa'yo?” tabong ni Maria habang kayakap siya.

Ayaw niyang bumitaw sa yakap na tila ba nakulong siya ng isang malambot na unan. Pakiramdam niya'y nahanap n'ya rin ang taong magpapagaan ng loob niya. Unti-unting nabawasan ang sakit sa kanyang puso sa bawat paghaplos ni Maria sa kanyang likod tuwing siya'y hihikbi.

“Saan ba ako nagkulang?” tanong niya matapos kumawala sa yakap.

Nakangiting umiling si Maria. “Wala Felissa, wala kang pag kukulang.”

“Kung gano'nb akit lagi nilang pinupunto at itinatanong kung ano na ba ang ginawa ko? Kung ano na ba ang naipagmalaki ko para sa pamilya ko?” saad niya habang humahagulgol. “Mali bang pinili kong manahimik nalang at mag kulong sa bahay kaysa lumabas at umaktong isang prinsesa?”

Sandaling natahimik si Maria. Hindi n'ya rin alam kung ano ang isasagot. Naawa siya sakanyang kaibigan hindi niya alam kong paano ito patatahanin. Tunay ngang kaunting salita lamang ang sinabi ng kanyang ina ngunit sapat na iyon  para masaktan siya.

Halos araw-araw yata ay ipinamumukha sa kanya iyon. Parang ipinamumukha kung gaano siya kawalang kwenta.

“Sana'y ako na lang ang naging kapamilya mo.” Hindi niya mapigilang hindi maiyak para kasing nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ng kanyang kaibigan.

Napangiti siFelissa sa naituran ng kaibigan. “Sana nga Maria, ilang beses ko ng hiniling iyan. Ngunit wala na akong magagawa sila ang ibinigay ng Poon, hindi ko naman mapipili kung sino ba ang magiging pamilya ko, hindi ba?”

“S'yang tunay Felissa. Minsan nga'y nagtataka ako kung bakit hindi mo sila kaugali.”
Napakibitbalikat na lamang siya bago itinuon ang pansin sa altar—sa imahe ng Poon. Sandali siyang nanahimik at lumuhod.

“O Panginoon, tulungan n'yo ako. Tulungan n'yo akong palakasin pa ang aking loob. Sana’y maintindihan na nila ako. Sana'y malaman din nila kung ano ang pakiramdam ko. Bakit ba hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila? Sana'y kahit minsan man lang ay masagot po ang tanong nila, masagot ko kung ano na nga ba ang nagawa ko para sa kanila.”

Matapos niyang manalangin ay umupo siyang muli. “Tara na?”

“Sandali, alam ko na kung ano ang magpapasaya sa iyo.” Mabilis na kinuha ni Maria ang kanyang kamay at dinala siya malapit sa bahay nila.

“Anong gagawin natin dito?” Tinawag ni Maria ang kanyang kapatid. Walang sumagot sandal pa'y narinig niya ang halakhak nito. Nakita niya ang kapatid na tumatalon sa bawat guhit na nakalinya naglalaro ng piko kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sandaling sinuri ni Felissa ang lugar. Magkakalapit at maliit na bahay ang halos nakikita niya ngunit kung titignan ay maabot pa rin ng kanyang mata ang tuktok ng simbahan.

Hinili ni Maria si Felissa sa mga naglalarong kaibigan ng kanyang kapatid. “Tara sali tayo?”

Hindi sumagot si Felissa dahil agad siyang tumira sa kanilang laro.

Tuwing Takip SilimWhere stories live. Discover now