IKALABING TATLONG KABANATA

90 4 0
                                    

Napatingin sa asul na kalangitan si Maria bago ipainagpatuloy ang paglalakad. Itinakip n’ya ang kanyang kamay sa kanyang ulo bilang pananggala sa init, wala kasi siyang pambili ng payong dahil mas uunahin n’ya pa itong ipambili ng kanilang pagkain. 

Naglalakihang puno ang nakikita n’ya, parang mga pananggalang nakalinya sa gilid ng daan at masaganang namumunga. Mabuti na lang at malamig ang simoy ng hangin dahil sa naglalakihang puno kaya hindi n’ya masyadong ramdam ang init, tanging ang pagtama lang nito sa kanyang balat ang problema.

Tumakbo siya ng maaninag na niya ang mga kabahayan na malapit sa bahay nila Felissa. Iba’t ibang kulay at disenyo, padamihan ng palapag ang bawat bahay at iba’t ibang puno ang nakapalibot sa bawat isa. Tila isang patimpalak sa pagandahan ng tahanan ang mga mala-mansyong tirahang nakikita n’ya. 

Siguro’y matatawag na isang mapait ang araw na ito sa kanya dahil nalaman na nila ang dahilan ng pagkawala ng ama.  Katulad ng mga bulungan sa kanila, namatay nga ang kanyang ama dahil hindi niya nabayaran ang pagkakautang sa kaibigan ng kanyang kaibigan, dahilan para patayin siya. Kay sakit para sakanya, gusto niya ng hustisya ngunit hindi niya magawa dahil ‘di hamak na mga pulubi lamang sila.

Wala silang binatbat sa yaman ng pinagka-utangan ng kanyang tatay. Hindi na siya umaasa pang tutulungan siya ni Felissa dahil sa dami niyang problema kaya nagsusumikap siyang makaipon upang makapag kaso laban sa walang awa nilang pagpasalang sa kanyang tatang.

“Sana magkaroon din kami ng ganito kalaking bahay balang araw, sa araw na iyon din ay sigurado akong nakakulong na ang may sala sapagkawala ni tatang,” pangarap niya at napangiti. Binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang masilayan n’ya ang bahay na nangingibabaw sa lahat dahil sa ganda at laki nito. Ang bahay nila Felissa. 

Kumatok siya ng tatlong beses sa gate ng bahay nila Felissa bago lumabas ang isa sa mga kasambahay nila.  “Atche, atyu ya ba’y Felissa ken? P’wedeng pakiawus neman, (Ate, nand’yan ba si Felissa? P’wede bang pakitawag naman,)”  paki-usap niya rito. Tumango naman ang kasambahay at pumasok sa loob. 

Makalipas ang tatlong minuto ay bumababa itong muli. “Atche, eya man pu bisang baba, sabi na ikayu namu pu kanung munta king babo. (Ate, ayaw n’ya po, sabi n’ya po ay kayo na lang daw po ang pumunta sa taas.)”

Sige, ala yu ba I mayor king kilub? (Sige, wala ba si mayor sa loob?)” Tanong niya dahil siguradong hindi na siya makakatapak pa sa bahay nila Felissa kung sakali mang makasalubong niya ang tatay ni Felissa sa loob. 

Alayuman pu, nandin ya pa meko. I madam mu pu ing atsu king kilub. (Wala po, si madam (Felissa) lang po ang nasa loob.)” Tumabi ag kasamahay at ipinapasok si Maria sa loob. Itinuro niya ang daan kay Maria papaunta sa k’warto ni Felissa dahil masyadong malaki ang kanilang mansyon. 

Kumatok si Maria sa k’warto ni Felissa ngunit walang sumasagot. Sinubukan n’yang buksan ang pinto ngunit nakakandado ito. “P’wede bang pakikwa ya ing susi? Makakandado ya kasi ing k’wartu na. (P’wede bang pakikuha ang susi? Nakakandado kasi ang k’warto n’ya.)” 

Ilang minuto lang ay bumalik na ang kasimbahay nila dala ang mga susi. Ipinihit ni Maria ang pinto at pagbukas ay sumalubong sa kanya ang kaibigan na nakatingin sa kawalan, sa labas ng bintana.

Pumunta siya sa likod ni Felissa at hinaplos ang likod nito. “Ayos ka na ba?” 

“Siguro,” matipid na sagot ni Felissa, hindi pa rin humaharap sa kanya.

“Pasensya na pala sa ginawa ko noong isang araw. Hindi ko sinasadya, ayaw ko kasing nakikitang ginaganon ka nila.”  Humarap sa kanya si Felissa at hinawakan ang kanyang kamay. “Ayos lang ‘yon, tunay na kaibigan lang ang makakasagot sa ate ko ng gano’n. Kung hindi dahil sa’yo siguro hindi ako nagkalakas ng loob na ilabas ang sama ng loob ko.”

Isang malapad na ngiti ang lumitaw muli sa kanyang labi.  “Hindi ka ba nasasaktan? Dahil alam kita, mabait at maamo ka pa sa tupa.”   Sabay silang napatawa ng mahina.

“Baliw ka talaga. Hindi naman parang gumaan nga ang loob ko dahil nawala na ang bigat sa dibdib ko.”  Hinaplos niya ang malambot na buhok ni Felissa.

“Walang anuman,” huminto siya sandal at tumingin sa labas ng bintana ni Felissa.

“Hindi karapat dapat sa’yo ang lahat ng problema sa buhay mo. Tignan mo nga ang ganda ganda mo, d’yan pa lang sa itim na itim mong buhok at mapupungay na kayumangging mata ay siguradong hahabol-habulin ka na ng lahat.”

Napatawang muli si Felissa bago  siya tumayo at humiga sa kanyang kama. “Pero hindi ako maputi katulad ni Marcela, hindi rin singkit  ang  mata ko at hindi rin kulay  kayumanggi ang buhok ko.” 

“Siguro’y anak s’ya ng isang intsik kaya singkit siya at mga kano dahil maputi s’ya ano,” biro ni Maria. 

“Kung ano-anong pinagsasabi mo, ano bang kailangan mo sa’kin at nandito ka?” pagsasarkastiko ni Felissa sa kanya at kunyaring itinaas ang isang kilay.

Tumabi si Maria sa kanya at ngumisi. “Samahan mo akong magbenta ng sampaguita sa simbahan.” 

Umupo si Maria at kumunot ang noo. “Bakit kailangan kasama pa ako? Ikaw na lang.” 

“Malay mo makita tayo ni Filipe at pakyawin n’ya ang tinda ko dahil nakita ka n’ya.”

Tinapik ni Felissa ang kamay ni Maria at tinitigan siya ng masama. “Sa tingin mo sasama ako kung ‘yan ang rason mo?” Taas-kilay n’yang tanong.

“Syempre biro lang ‘yon. Gusto lang kitang makasama kaya gano’n, ano tara na?”  

“Sige.” Tumayo na si Felissa at nagbihis bago sila umalis.

Hindi n’ya alam kung paano ngunit pakiramdam n’ya ay natanggal halos kalahati ng problema n’ya. Pakiramdam n’ya’y natanggal ng paunti-unti ang sama ng loob niya sa kapatid.   Alam n’yang mali pero nagagalak siya dahil nasabi n’ya ang mga sama ng loob niya kay Marcela. Pero hanggang ngayon isang tanong lang ang bumabagabag sa isipan niya. Bakit galit na galit sa kanya si Marcela? 

Bumababa sila ng makarating sa simbahan at puwesto malapit sa gate at nagsimula ng magtinda. Hindi maiwasang hindi mailang si Felissa dahil sa dami ng dumadaan na tumitingin sa kanya. Pakiramda n’ya’y may mali sa kanya. 

“May dumi ba ako sa mukha?” wala sa sarili n’yang tanong at hinawak-hawakan ang mukha na tila sinusuri ang kanyang mukha.  Tinignan din ni Maria ang kanyang mukha habang nakakunot. “Wala naman e.”   

“Ba’t tingin sila ng tingin sa’kin?”

Dahil hindi nila inaasahan na nasa simbahan ang anak ng mayor habang nagtitinda ng sampaguita.” Nalipat ang kanilang atensyon sa lalaking nagsalita sa likod ni Felissa. 

“Filipe? Anong ginagawa mo dito?” Nagtataka n’yang tanong sa binatang kaharap niya.  

Hindi sumagot si Filipe sa halip ay kinuha niya ang mga sampaguitang hawak niya at kunyaring nagtawag ng mga mamimili. Nabigla si Felissa sa ginawa ng kanyang dating kasintahan. Natawa naman sila ng mabigla si Filipe sa isang matandang babaeng nagbawal sa kanyang ginawang pagsigaw.

Nakasimangot siyang bumalik sa kanila. “Bawal palang sumigaw dito.”

  “Nasa simbahan ka kasi kaya bawal talaga, lalapit naman ang mga bibili e,” paninita ni Felissa at kinuhang muli ang mga sampaguitang hawak ni Filipe.  Napailing na lamang si Maria sa mga itinuruan ng dalawa at hinablot ang sampaguitang hawak ni Felissa. “Umuwi na nga lang kayo, ako nang magtitinda. Sige na Felissa, kaya ko na ‘to.”

  “Pero—“  Hindi na naka-angal pa si Felissa dahil itinulak siya ni Maria papalapit kay Filipe. Sikreto namang napangisi si Filipe ng magdikit ang kanilang balat ni Felissa. Napansin ni Maria ang pamumula ng tainga ni Filipe kaya napangisi rin siya at sikretong tinawanan ang dalawa sa naging reaksyon ng binata.

Tuwing Takip SilimOnde histórias criam vida. Descubra agora