"Totoo?" Paninigurado ko sa kanya.

"Yes, Baby. Promise!" At nagtaas pa ito ng kamay.

"Okay."

"Okay na tayo?"

"Oo na." Nakangiting sabi ko at tumingkayad para mahalikan ko siya.

Pumasok na kame sa klase namin at nadatnan namin sina Kiro at Jexy. Si Chelsea ay nasa tabi ni Jexy dahil yun lang naman ang vacant seat na natira. I try to plaster a smile at medyo nagulat naman ito pero ngumiti rin kaagad.

Befriending with her is not a bad idea at all.

Maybe?

-

"Pasensiya ka ng kung nasungitan kita kahapon." Sabi ko kay Chelsea ng magkasama kame sa isang table.

"Okay lang." Nakangiting sabi nito.

She got a beautiful natural looks. Walang bahid na make-up ang mukha nito. Medyo maputla lang ito pero bumagay naman. Kahit sa pananamit ay simple lang ito. She just wearing a baby pink na may print at nakapantalon ito na pinaresan ng puting doll shoes. Malayong-malayo sa porma nila.

"What's your full name again?" Tanong niya habang kinakain ang tuna sandwich na binigay ni Caleb.

"Chelsea Concepcion."

"Oh okay." Tumango-tango na wika niya. "You want to go shopping with me this weekend?"

"A-ano wala kase akong pera." Nakayukong sabi nito.

"That's not a problem. My treat." Nakangiting sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Nakakahiya naman."

"Wag ka ng mahiya! We're friends na diba?" Parang bata na tanong ko.

"Oo?" Parang hindi sigurado na sabi nito.

"So you should come with me." Pamimilit ko sa kanya.

"Titingnan ko." Kyemeng sabi nito.

Lumapit naman si Caleb saken at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya naman ako.

"Magdi-dinner tayo mamaya sa bahay, Baby. Pinapupunta ka ni Mom."

"Nakauwi na si Tita?" Tumango naman ito. "Sige."

"Dumiretso na lang tayo sa bahay pagkatapos ng practice namin."

-

Magkasama naman kame ni Chelsea na naghihintay kay Caleb. Komportable naman ako na kasama siya at marami na rin akong nalaman sa kanya. Kahit noong mga bata pa ang mga ito at si Caleb ay kinuwento rin nito. Caleb is right. Chelsea is a nice person. Medyo nahihiya pa nga ito sa kanya noong una. Nalaman niya rin na tagahanga niya ito kaya nag-selfie nga silang dalawa.

"Marami bang naging babae si Caleb kahit noong sa States siya?" Tanong niya dito.

Nag-alalanganan nga itong sumagot nung una. "It's okay. Hindi ko siya aawayin. I'm just asking." Assure ko sa kanya.

"A-ano... Oo marami. Minsan nga hindi na umuuwi yan dahil doon nagpapalipas ng gabi sa condo niya kasama ang mga babae niya." Tumaas naman ang kilay ko sa narinig at mukhang kinabahan naman si Chelsea sa naging reaksiyon ko.

"Ano pa?"

"Yun lang naman."

"Ang mga kalokohan niya sa dating school?" Tanong ko ulit.

"Minsan nahuhuli nga siya na ano---" Medyo nahiya ito kaya sinabi ko na ituloy niya. "Nagse-sex sila sa library. Minsan sa girls comfort room. Pero nagtino na yun ng makilala ka."

Confident naman na nagsalita ako. "Of course! Dapat lang." Tumawa naman ito ng mahina sa sinabi niya.

"Hindi ba nagkwekwento si Caleb?"

"Nagkukwento rin pero hindi ako nagtatanong tungkol sa mga yan dahil naiinis lang ako. Pero dati yun. Ngayon naiinis ako pero syempre I'm trying to be matured na." Nakangiting sabi ko kaya ngumiti rin siya saken.

Ilang sandali lang ay dumating na si Caleb kaya umalis na sila kaagad. Nang makarating sa bahay nito ay agad na sinalubong siya ng Mommy ni Caleb. Nagpaalam pa nga ang binata na maglilinis raw muna ng katawan habang si Chelsea ay magpapalit raw ng damit.

"It's been a long time, Hija! I missed you so much." Sabi ni Tita at niyakap ako ng mahigpit.

"Ako rin naman, Tita. Namiss ko kayo."

"Sorry kung hindi ako nakapunta sa secret runaway. I have so much things to do." Hinging-paumanhin nito.

Ngumiti naman ako. "Okay lang, Tita. I understand."

Bumaba na si Caleb at sumunod naman si Chelsea kaya kumain na kame sa hapag. Wala raw ang Daddy nito dahil nagpaiwan sa New York at may inaayos. The dinner went well. Ang saya nga nila habang kumakain.

"Thankyou sa dinner, Tita. Goodbye po. Bye, Chelsea!" Paalam ko at lumabas na.

-

"Goodnight, Baby." Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi.

"Where's my I love you?" Nakasimangot na tanong ni Caleb.

Tumatawa ko naman siyang hinarap. "I love you po. Wag ka ngang sumimangot diyan."

"Tss. Goodnight, Baby. I love you too. Dream of my handsome face." Nakangising sabi nito kaya tinampal ko siya ng mahina sa braso.

Minsan talaga ay lumalabas ang pagka-hangin nito. Napapailing na lang siya.

-

Casanova's QueenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum