"Hindi. Kumuha kayo ng gamit niyo at tabihan niyo ako dito. Sumabay na kayo sa pagkain sakin. Nakakalungkot kumain mag-isa"

"Sigurado po kayo Ma'am Steffi?"

"Oo naman. Bilisan niyo at baka magbago ang isip ko"

Agad na sinunod ng mga katulong si Steffi at sinabayan siya ng nga ito sa pagkain.

"Masarap ba yung luto ni ZAC? Yung totoo?" tanong ni Steffi sa mga katulong

"Masarap po Ma'am. Pwera biro" sagot ng isa

"Kaya nga po Ma'am. Hindi po namin alam na masarap pala magluto si Sir" dagdag ng isa

"Salamat pala Ma'am dahil pinasabay niyo kami kumain sa inyo"

"Wala yun. Magpakabusog kayo" nakangiting sagot ni Steffi

Napangiti na lang si Steffi habang tinitingnan ang mga katulong na masayang kumakain.

'Ang sarap sa pakiramdam na nakakapagpasaya ka ng tao kahit na maliit na bagay lang ang ginawa mo. Ito na siguro ang spirit of Christmas. Ang pagbibigay. Parang kagaya lang din nila ako noon. Simula nang makilala ko ang tunay kong pamilya, malaki na ang pinagbago ko. Halos nakalimutan ko na kung saan ako nanggaling'

Nang matapos sa pagkain ay agad na nag-ayos si Steffi para umalis. Gusto niyang pumunta sa mall para mamili ng regalo sa mga kasama nila sa bahay at para na din kay ZAC dahil hindi niya pa ito nabibigyan ng regalo.

'Kahit na tapos na ang araw ng pasko, hindi pa din naman siguro huli para magbigay ako ng regalo. Anyway, its still Christmas season'

Pagdating niya sa mall ay naisipan niyang tawagan ang kaibigan.

"Hello Mitch!"

[ Steffi, hello! How are you? ]

"I'm still the same Steffi you knew. Busy ka ba ngayon?"

[ Oo e. Ang daming pinapagawa sakin ng mapapangasawa mo. Bakit ba kasi nakaleave siya? Ako tuloy ang nag-aasikaso ng mga kailangan niyang gawin ]

"Wag ka mag-alala, pagsasabihan ko yun"

[ Bakit ka nga pala napatawag? ]

"Do you want to join me for lunch?"

[ Sorry Steffi, I can't. Let's do it some other time ]

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now