Chapter 36

76 2 0
                                    

Chapter 36. Talk

Hinihintay ko nalang si Trey na nagsa shower. Yes, sa wakas ay tapos din ang walang hanggang pagkakagulo dahil sa team.

I grab my phone when it beeped.

From: Livi
          It's late. Sasabihin ko nalang kay Nanny na gagabihin ka. Wag masyadong pagabi!└(^o^)┐

Napailing nalang ako dahil sa weird emoji na ginamit niya. Gagabihin pero wag masyadong pagabi? What was that?

Me:
      Thanks Livi.

Tinago ko ang cellphone ko noong mamataan ang paglalakad ni Trey at Brave papunta saakin. Isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko at tumayo para salubungin na sila.

"Naiinip ka na ba?" Salubong na tanong saakin ni Trey.

Umiling ako at nagkibit balikat.
"No, not really."

Pinaggigitnaan nila akong dalawa. Panay ang kwento ni Trey saakin habang papunta kami sa parking lot habang si Brave ay abala sa pagpindot sa cellphone niya.

Sumulyap ako sa kanya at napansin ko ang ngiti niya na nakapagpataas ng kilay ko.

"Who's that?" Tanong ko pagkatapos ay mabilis pa sa alas kwatro ay binaba ni Brave ang cellphone niya.

Umungol siya at tinignan ako na parang hindi niya gusto ang ginagawa ko. Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Who are you texting?" Curious na tanong ko sakanya.

Napakamot siya ng ulo.
"Well, I just found this girl, just like a lost angel." Awkward niyang pagkukwento saakin.

Napataas ang kilay ko sa kanya.
"So pinalitan mo na ako." I nod at him.

Ngumiti siya at inakbayan ako.
"Nagseselos ang angel ko!" Natutuwa niyang saad.

Napalingon ako ng makarinig ako ng daing sa kabila kong gilid. Napangiwi ako dahil sa talim ng tingin ni Trey kay Brave.

"Bro, next time ka na manggulo pwede? Peram muna." Inis niyang wika at hinila ako papalapit sa kanya. Kusa namang tinanggal ni Brave ang pagkakaakbay niya at tumawa.

"Okay. Balik mo ha?" Asar niya sa kaibigan. I glared at Brave.

"Gago."

Napailing nalang ako sa bibig ng lalaking to. Wala naman akong magagawa eh.

"Ge Bro! Una na ako. Congrats!" Saad ni Brave at nakipag fist bump kay Trey  at nag jog papunta sa kotse niya.

"Ge. Congrats din!" Sigaw ni Trey.

"Alagaan mo si Angel!" Sigaw ni Brave bago pumasok sa sasakyan niya.

Bumaling naman si Trey saakin pagkaalis ng sasakyan ni Brave.

"Wala na ang kotse mo?" Tanong niya saakin at sinuyod ang buong parking lot. Umiling naman ako.

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. He led me to his car and open the door for me. Pumasok naman ako at agad naman siyang sumunod.

"Seatbelt, Gin." Paalala niya saakin. I nod at him at inayos ang seatbelt ko.

"Hmm. Hatid mo lang ako tapos pwede ka nang pumunta sa victory party niyo." I said.

Napalingon siya saakin at ngumuso.

"Pano mo nalaman?"

"Anong alam ko?"

"Yung victory party."

I overheard his teammates talking habang pinagkakaguluhan ang iba siya.

"Kasi may tenga ako." I told him na ikinatawa niya lang.

CrownlessWhere stories live. Discover now