Chapter 7

122 3 1
                                    

Chapter 7. Warm

Molly Grace—

Maaga akong nagising kahit wala namang pasok ngayon. Siguro nasanay na ang sistema kong gumising ng maaga.

"Good Morning Mama!" Nakangiti kong bati sa kanya at niyakap ko siya sa likod dahil nagluluto pa lang siya. Agad kong narinig ang tawa niya dahil sa ginawa ko.

"Good Morning, anak. Sige na umupo ka na." She said at nilingon ako at ngumiti saakin. Ngumiti ako sa kanya pabalik at umupo na sa hapag kainan. 

"Good Morning Mama! Hi Ate!" Bati saakin ng kapatid kong si Madie kakapasok pa lang. Pumunta siya kay Mama at humalik sa pisngi niya bago umupo sa gilid ko. Nagkulitan kami habang si Mama naman ay nagluluto.

We love Mama so much. Maaga kasi kaming iniwan ni Papa. 5 years ago, namatay siya kaya si Mama nalang ang nagtataguyod saamin. Minsan tumatanggap din ako ng racket para hindi na ako humingi pa sa kanya ng pera para sa pag aaral ko. Sinikap ko ding makakuha ng scholarship para hindi na mahirapan si Mama sa tuition. Alam ko namang pagkain at gamit pa lang dito sa bahay kulang na ang sweldo niya. Kaso ayaw niyang pumayag na hindi namin tatanggapin ang baon na binibigay niya.

Minsan nagtu tutor ako. Nag su student assistant din ako sa mga Prof. Kapag summer naman nag aapply muna ako ng trabaho sa mga kainan para makatulong sa gastusin at makaipon din. It's also a blessing in disguise na ako ang napiling scholar sa Clerasiah Academy— or not.

Hindi lingid sa kaalaman ko na isang elite school ang papasukan ko. Wala naman akong choice dahil yun lang ang tanging paraan para makapag aral ako. Kapag hindi ko tinaggap ang scholarship, imposibleng makapag aral ako dahil wala kaming pera. I failed to remind myself na iba ang mundo nila sa mundo ko. Disaster ang kinalabasan ng first day ko. Nakakahiya.

"Kamusta ang school mo, Molly?" Tanong sakin ni Mama at ibinaba ang ulam namin ngayon. Tuyo at itlog. Iniisip ko, bakit kapag mayaman kung makapaghanda sila ng umagahan over? Sampung hotdog, limang itlog, may bacon pa at kung ano ano pero konti lang naman ang kakainin. Seriously? Kami nga oh! Tatlong tuyo at dalawang itlog lang tong ulam sapat na!

Umupo si Mama sa tapat ko habang nakatingin pa din saakin at nakangiti.

"Powerful na yang si Ate! Pang mayaman ang school!" Inggit na sabi ni Madie pero napalitan din iyon ng tawa. Ngumiti naman ako.

"Ayos lang po. Magagaling po magturo ang mga Profs. No wonder elite school sila." I said at naglagay ng kanin sa pinggan ko.

"Ma! Numu no wonder na si Ate pumasok lang doon!" Sumbong ni Madie na tinawanan lang ni Mama.

"Ang mga estudyante?" Curious na tanong niya. Ganyan talaga siya. Over protective. Madalas kapag hindi pa niya nararating ang lugar hindi nya kami papayagang pumunta o magtatanong siya ng maraming maraming tanong.

Bumuntong hininga ako at malungkot na ngumiti sa kanya.
"Ma naman, hindi naman pwedeng mabait silang lahat diba? Imposible naman yon. May mabait at meron ding iba. Wag kayong mag alala, Ma. Madali lang naman pong mag adjust." I smiled at her at nagsimula nang kumain pero hindi niya ako tinigilan.

"May nang aapi sayo doon?" Nakataas ang kilay niyang tanong saakin parang any moment sasabog na ito. Ang cute lang niya. Hindi ko siya sinagot pero pinilit kong ngitian siya.

"Aba! Hindi pwede yan Ate! Duwag ka ba? Bakit ayaw mo lumaban?!" Singhal ng kapatid ko saakin. Sya kaya dalhin ko doon sa harap ni— Asha said she's Celestine.

"Molly." Nag aalalang sambit ni Mama kaya naman ngumiti ako sa kanya, this time totoo na.

"Ma, wag kayong mag alala. Hindi sila ang rason kung bakit ako nandoon. Wala akong pakealam."

CrownlessWhere stories live. Discover now