Chapter 23

76 1 1
                                    

Chapter 23. Madilim

Nanatili lang kaming ganoon ng matagal. Nakayakap siya saakin habang ako ay umiiyak sa kanyang balikat. I can't find any word in my mind but sorry.

Matatag ang paniniwala ko noon na walang sino man ang makakapag dikta saakin. Pero ngayon, pakiramdam ko sinampal ako ng sobrang lakas pero ngayon ko lang naramdaman ang sakit.

We both experience the pain. I choose to escape it and forget everything about my hateful past but he who happened to have more courage, choose to accept the pain, face everything and follow me to the world where I choose to hide.

Marami na siyang sinakripisyo kaysa saakin. I told myself before that I should not feel remorse again. Pero ngayon, pinapatay ako ng pagsisisi.

Umuwi ako nang araw na iyon na mabigat ang aking pakiramdam. Nagdire diretso lang ako sa kwarto ko at hindi man lang binigyan ng sulyap si Nanny. I buried my face on my pillow. I can't cry anymore. Pinili kong huwag nang bumaba at matulog nalang.

Lumipas ang gabi at nagising akong parang may nakadagan sa ulo ko na pulga-pulgada ang bigat. I feel so cold and I don't want to stand.

Pinilit ko ang sarili kong tumayo. Tumigil ako para hintaying umayos ang aking paningin na umaalon alon. Sabi na nga bang kakaiba na ang mabigat na pakiramdam ko kahapon.

Mabilis akong naligo at nag ayos. My body seems so weak but I don't need to be weak. Fuck.

Sunod sunod akong napamura dahil sa paggalaw ng paningin ko at sa sakit ng ulo ko.

Kinuha ko ang bag kong hindi ko alam kung paano nakarating dito. I checked on my phone and see unread messages.

From: Kaela
         Nakauwi ka ba?

From: Luke
            Are we cool? What happened, Celestine?

From: Luke
            Why aren't you answering?

From: Unknown Number
             How are you? Nagkasakit ka ba? I caught colds. Ikaw? Trey V.

      Tinagilid ko ang ulo ko at nagtipa sa cellphone ko. I saved Trey's number. Pinalagay niya kasi ang number ko sa cellphone niya kahapon. I answered Kaela a plain yes.

To: Luke
        I'm sorry. Hindi ko nacheck ang phone ko.

It's not good to ignore him while still playing. I sent the message and open Trey's message and reply.

To: Trey
          I'm fine. I'm going to school.

Then send.

Bumuntong hininga ako at hinilot ang sentido ko bago nagdesisyong bumaba.

"Gin, anak. May nangyari ba kagabi?" Nag aalalang tanong ni Nanny pagkababang pagkababa ko. Umiling nalang ako at pilit na ngumiti.

"Wala po, pagod lang po siguro ako." I said. Umupo ako at tinignan ang mga nakahain. I don't feel like eating. Noong sumubo ako ay napangiwi ako at halos luwa ko ang sinubo ko. Wala akong malasahan. Fuck.

"Ayos ka lang?" Tanong saakin ni Livi na nasa harap kong kumakain. Tumango nalang ako sa kanya at pinilit na kumain. I need this.

"Nanny, pakisabi naman sa driver na magpapahatid kami." I said and drink water. Kahit ano talagang pilit ko ay wala akong malasahan.

CrownlessWhere stories live. Discover now