Chapter 19

88 3 3
                                    

Chapter 19. Worst thing

Everything was all going fine. Well as for me, it was. Kaela's still crazy and Livi's still innocent. Brave.. hindi ko siya madalas nakikita at hindi pa din kami nagkakaroon ng interaction. Trey still is the same pain in the ass. Madalas ko pa ding makita ang mga nakakaloko niyang mga ngiti. My brother is still missing on action. Ilang buwan na ba? Three, I guess? I miss him so much already. Birth month ko ang buwang ito pero wala atang balak umuwi ang lalaki! Hell! I'll turning 18 and he's still nowhere to be found!

Luke and I are fine. Hindi ko lang talaga alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya sa sobrang papansin niya. I talk naturally with him, smile and laugh. Natuto akong maging komportable sa tabi niya. I find it weird though, nagsimula kasi kaming mag kaaway noon.

Madalas kapag nasa mood ako ay nadoon lang kami sa garden ng Lola niya. I don't want to be with him to other places. I just don't want.

"Hoy." Tawag ko ng pansin niya. Nilingon niya naman agad ako at ngumiti tumayo siya sa ikinauupuan niya at nilapitan ako.

"Celestine!" Bati niya. Tumaas ang kilay ko pero tinanguan ko nalang siya.

"Anong kaartehan to, Marfort?" Tanong ko noong nakalapit na siya saakin. Ngumiwi ako noong ngumuso siya. See! Napaka papansin niya ngayon at hindi nakakatuwa!

"I just want you to tell me goodluck personally." He said.

My mouth left hanging. Seriously? Iyon ang matter of life and death situation para sa kanya? Akala ko naman kung ano ano nang pinagsasabi sa text niya!

"Akala ko mamamatay ka na, I personally wanna say goodbye." Malamig kong saad bago nagkibit balikat. Nanlaki naman ang mata niya.

"Celestine!" Saway niya.

I rolled my eyes at humalukipkip.
"What? Nasan ba partner mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa loob." Saad niya sabay turo sa dressing room na naka assign sa kanila. Tumango naman ako at sumenyas sa kanyang aalis na.

"Celestine!" He groaned my name. Parang magkakaroon ako ng napakalaking kasalanan kapag umalis ako ngayon. Tinaas ko ang kilay ko. Ano nanaman bang problema ng lalaking to?

Bumuntong hininga ako at tinitigan siya. He's patiently waiting on what will I say. Ngayon naman ako nagkaroon ng pagkakataong titigan siya. Fine. He looks so good right now. He's handsome. Siguro sa lahat ng candidates siya ang mag s stand out.

"Win this, Marfort." Seryoso kong saad sa kanya. He smiled at me and nod.

"Anything you want." He said and laugh. Tumaas naman ang kilay ko. Hindi man lang ba kinakabahan ang lalaking to?

"Goodluck." Maiksi at simple kong pahayag pero halos mapunit ang mukha niya sa pagngiti.

"Thank you. Watch me okay?" Saad niya habang nakangiti. Tumango nalang ako at tinapik siya sa balikat. I turn around and walk away from him.

"Cheer for me!" Rinig kong sigaw niya pa.

Asa.

*  *  *

Nagpakawala ako ng buntong hininga noong makarating ako sa locker ko. Iiwan ko muna dito ang mga gamit ko, babalikan ko nalang siguro pagkatapos ng game.

Nalaglag ang panga ko kasabay ng paglaglag ng isang asul na rosas sa paanan ko. Agad akong bumaba para kunin iyon. Matagal na din noong huli akong nakatanggap ng ganito. I thought nagsawa na din siya pero eto nanaman.

Tinignan ko ang loob ng locker ko kung may iniwang sulat pero wala. Napakunot ang noo ko dahil sa nasaksihan ko. Okay? What was that? At bakit ba ako nag eexpect ng ganito?

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon