Chapter 6

121 6 0
                                    

Chapter 6. Persistent

Lahat ng tao may kapaguran din. Even evil can quit being bad for sometime and comeback later. Pero sa case ko, ayokong magpretend na mabait pero hindi ko itatanggi na kailangan ko munang mag lie low for today.

Unexpected ang pag uwi ni Kuya kahapon kaya ang plano kong magpahinga ay nasira, as usual. Hindi ko talaga inaasahan ang pag uwi niya tuwing weekdays dahil alam kong busy siya sa kompanya. Nagtataka na nga rin ako dahil dalawang beses na ngayong linggo siya umuuwi. Hindi naman sa hindi ko gusto pero, wala ba siyang ginagawa sa kompanya?

Halos hindi na ako pinatulog ni Kuya dahil sa kakulitan niya. Para namang limang dekada kami hindi nagkita at todo ang paglalambing niya! Wala naman akong magawa dahil ayokong magtampo saakin ang lokong yon. Psh. Ano? Magrereklamo kayo dahil ang bait ko? Lahat ng tao may soft sides! Nangyari lang na kay Kuya natatagpuan ang soft side ko. Psh.

Now I really need a fucking rest for my poor system. Pakiramdam ko masisira na ang utak ko dahil sa pagod.

"Nakikinig ka ba?"

Hindi ko na siya nilingon instead ay naglakad na ako papunta sa usual naming table dito sa Cafeteria. Sumunod naman siya sa akin at inilagay ang bag niya sa upuan.

"Ako na ang oorder." Kaela said bago tumalikod at naglakad papuntang counter. I frown. Tss.

Hinilot ko ang ulo ko at sumandal sa upuan. Tinignan ko ng masama ang mga sumusulyap saakin. Rinig ko ang mahihina nilang bulungan at hindi ako natutuwa dahil sumasakit ang ulo ko.

"Hindi ko naririnig, baka gusto niyo pang lakasan?" Hindi ko na kailangan pang sumigaw para marinig nila ako dahil bukod sa bulong bulungan nila ay tahimik na dito. Syempre dahil busy silang pagbulong bulungan ako at pagmasdan kung ano at sino ang target ko ngayon.

Hindi ngayon ang araw na papasayahin ko ang mga mata nila dahil sa munti kong show. Nakarami na sila kahapon, masyadong akong maganda para pagbigyan pa sila ngayon.

Hindi nagtagal ay dumating si Kaela na may dala dalang tray ng inorder niya. Inayos niya iyon sa table at nagsimula na kaming kumain habang nagsimula namang umusbong ang ingay ng Cafeteria. I don't care anyway. Ang ayoko lang ay yung bulong bulungan nila dahil ang sakit sa tenga, parang may naglalarong bubuyog malapit sa tenga ko.

"Wala ka sa mood?" Tanong niya kaya tumaas ang kilay ko sa kanya habang nagtuloy tuloy sa pagkain.

"Hindi ka nang bu bully ngayon. Pero alam mo, mas gusto kong wala ka sa mood kaysa badtrip ka." Tiningnan ko siya ng masama dahil sa kadaldalan niya. Nakain na't lahat hindi pa din siya matigil sa pagsasalita?! The fuck.

"Kapag badtrip ka kasi, hindi ka nagreresponse sa mga Prof at ang tindi mo pa mang bully. Kapag wala ka sa mood, hindi ka nambubully at kahit papaano ay nakikinig ka sa discussion."

Hindi ko na siya pinagtuunan pa ng pansin at nag focus nalang sa pagkain. Kunyari wala nalang si Kaela sa harap ko, hindi ko naririnig ang boses niya at pwede akong kumain ng mapayapa.

"Celestine, nandito na agad sa website ng school ang ginawa mo." Umiiling siya habang busy sa pagba browse sa laptop niya.

Pagkatapos na pagkatapos niya kasing kumain ay nilabas niya na ang cellphone niya. Hindi ko na inusisa ang ginagawa niya dahil hindi naman ako ganon until she said that. Nangangalap nanaman siya ng chizmis.

Binigay niya sa akin ang cellphone niya at nakakunot noo ko naman yong tinanggap. Anong gagawin ko dito? Like I'm interested? Bakit pa ako magtataka na nandito ako eh matunog ang pangalan ko dito sa school? Magtataka pa ako kung wala!
Mas pinapasakit nitong babaeng to ang ulo ko eh.

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon