Chapter 35

73 1 0
                                    

Chapter 35. Finals

Ilang linggo ring puspusan ang pagpapractice ng Basketball Varsity. Naging busy din sila sa mga laban nila. Minsan nakakapanood ako, pero minsan ay hindi rin. Palagi namang humahanap ng oras si Trey para makita ako, tuwing gabi naman ay tumatawag siya pero minsan ko lang siya hinahayaang makausap ako ng matagal dahil alam kong pagod na pagod siya lagi. Lalo na't mas mataas ang expectation sa kanya.

From: Trey
        No, ayos lang okay? Don't be bothered.

Me:
      What do you want me to do?

From: Trey
        Pumasok ka sa klase mo, yun ang gusto kong gawin mo.

Me:
       Are you disappointed?

Finals na nila ngayon. Unfortunately, sa dinamirami ng mga araw na nakapanood ako ng mga laban nila, ang pinaka crucial game nila ang hindi ko mapupuntahan dahil sumakto ito na may klase ako. How was that? Frustrating!

Tumunog ang ringtone ng cellphone ko kaya napatingin agad ako.

Trey calling...

I press the answer button at inilagay sa tenga ko ang cellphone. Napatingin saakin si Kaela na nasa unahan ko habang kumakain at ngumiti lang.

"Kulit naman ng girlfriend ko." Pambungad niya habang tumatawa sa kabilang linya.

"Sorry." Mababa ang boses kong saad.

"It's alright, Gin. Well, sorry ka kasi hindi mo mapapanood ang napakagaling mong boyfriend." He laugh.

"Napakayabang kamo." I rolled my eyes kahit hindi ko siya nakikita. Bwiset!

"Mayabang na mayabang dahil akin ka." Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang kilig. Hindi ko akalaing mahuhulog ako pati sa ka corny-han ng taong to.

"Where are you now?" Pag iiba ko ng topic.

"Hmm? Gymnasium. Good thing hindi sa ibang school ang laban namin ngayon. Alam mo na, home court." I smiled when he continue telling me what's on his mind. Kumunot naman ang noo ko noong tumigil siya 

"Ikaw, nasan ka? Lunch mo diba?" Tanong niya.

"Cafeteria." Maikli kong sagot at pinanood si Kaela na isubo ang panghuli niyang pagkain habang ang akin ay konti pa lang ang bawas.

Tinuro naman niya ang pagkain ko bago ang wrist watch niya. I nod at her.

"Kumakain ka?"

"Kanina oo." I answered honestly.

"Damn. Sige, ibababa ko na to. Kumain ka na." Puno ng inis at pag aalala ang boses niya na nakapagpatawa saakin.

"Anong oras ang game mo?" I asked him.

"3 ang start. I'll hang up now, eat okay? Bye."

Then he hang up. Tinabi ko na ang cellphone ko at nagsimula na ulit kumain.

"Hay. Buti nalang wala akong lovelife."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Kaela. Tumingin ako sa kanya na biglang nagliwanag ang mga mata at nilapit saakin ang mukha kaya naman napaatras ako.

"Anong plano, Celestine? Cutting tayo?" Tanong niya saakin.

I rolled my eyes on her.

"Asa ka." I said.

As usual, humaba nanaman ang nguso niya at sumandal sa upuan niya habang naka cross arms.

"Ano ba yan, kala ko pagnagka lovelife ka magbabago ka."

CrownlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon