Chapter 8

125 4 0
                                    

Chapter 8. Concord

How could you know if someone is sincere? That's he's not using you? That's he's not doing good things just because he was ask to? Because I totally forgot how I've done it before. What I mean is, hindi ko nanaman kailangan pa yon gamitin kay Kaela dahil bata pa lang ako, nakakabit na siya saakin.

But now, I'm totally confused.

"This is so unusual." Nabalik ako sa realidad noong magsalita si Kaela na nasa tabi ko lang. Tumaas ang kilay ko sa bigla niyang pagsasalita.

She's looking at me completely ignoring the book in front of her. Nagdecide kasi siyang samahan ako dito sa library dahil wala din naman siyang magawa.

"I can sense your confusion." Hindi makapaniwalang saad niya ng mahina dahil isang salita lang niya gamit ang normal niyang boses, mapapalabas na siya dito. "—it's written all over your face." Dagdag niya na mas lalong nakapagpataas ng kilay ko.

"I never know there are markings on my face." Sarcastic kong pahayag at binaba ang tingin ko pabalik sa librong binabasa ko.

Nagdecide kasi akong balikan ang mga discussion namin nung nakaraan dahil napansin kong masyado akong naging preoccupied last week. Maybe a little preview of the next lessons too.

"Duh? Sentido Kumon, Celestine."

"The overconfident know-it-all girl seems to be confuse. Big news." Amaze niyang bigkas habang may hand movements pa siyang ginawa sa hangin pero agad niyang binaba ang kamay niya noong sumulyap sa gawi namin ang masungit na librarian. Old lady.

"As if." I denied.

Nagmake face si Kaela sa harap ko kaya napangiwi ako. Kailan ba talaga matatauhan ang babaeng to na hindi bagay sa kanya ang mga gestures na ganoon? Eww.

"I can read your mind. May ESP ako." Tumaas baba ang dalawa niyang kilay na parang kinukumbinsi ako. Insane. How could someone with extrasensory perception admit it easily? Psh.

"I knew a good psychiatrist, just so you know." Nagkibit balikat ako at inayos ang mga librong nasa harap ko. Tumayo ako at isa isa ko itong ibinalik sa shelves ng mga ito.

"Alam mo din yung ESP?" Hindi makapaniwalang tanong niya saakin pagkabalik ko. I smirk at her.

"Didn't you hear yourself? I am the know-it-all girl." Inirapan ko siya at kinuha ang bag ko bago naglakad palabas ng library. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Kaela at paglalakad sa tabi ko.

"Totoo ba yon?" Curious niyang tanong saakin.

"Never know."

"Pero wow! Gusto ko magkaganoon! Imagine that, Celestine? Reading minds, knowing the future—"

Hindi pa siya tapos ay inunahan ko na agad siya. Alam ko kasing hindi na matatapos ang pantasya niya kapag hindi pinigilan.
"Hindi ganon kadali lahat, Kaela. If you think it's easy and pretty good, think again."

"Joke lang yon. Hmp. Bitchmode ka nanaman." She pouted kaya binatukan ko na siya. Nasasanay na kasi. Hindi naman nakakatuwa. Hindi uunlad ang ekonomiya sa pagganyan ganyan niya. Psh.

Murmurs are circling us. Of course, ganoon talaga kapag kinaiinggitan ka, sisiraan ka nila, making their poor brains believe that you're being hated because you're bad, but not, you are being hated because you can stand against the odds which they fear to do.

"Cruel."

"Hindi naman talaga siya maganda."

"She does not worth it. Ang sama niya."

CrownlessWhere stories live. Discover now