Chapter 16

84 1 2
                                    

Chapter 16. Bet

Hindi ako makapag isip ng ayos. My feet were nailed on the ground and my mind seems to wonder around. I'm just looking at him ignoring the noises that surrounds us. Nakatingin lang din siya saakin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Emotions envelop me and my system cannot even respond to my brain. 

"Oh my god!"

"Totoo ba to? Hindi ako nananaginip?"

"He kissed her! Damn! Ang sakit!"

"Si Celestine at Luke?"

"Hindi ko na maintindihan."

"Celestine—" Luke called me. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at halos maghina noong may makasalubong akong mabigat na tingin. Nakakapanghina. Pakiramdam ko gustong gusto na ng katawan kong bumigay ngayon. Ayoko na. Hindi pwede. Wag.

My body begun to rush to the reason I don't even know.

I stared at the eyes till the owner turned his way back and start to walk away from my sight. No. Please.

*  *  *

Hindi lumabas ang eksenang ginawa ni Luke sa website gayon din ay nabura ang issue namin ni Trey bago pa man umabot ng kinabukasan ng banta ko. But that doesn't change things lalo na ang ginawa ni Luke na halos bulgar sa mata ng lahat.

Ano pang silbi na pagpigil ko sa pakalat ng balita kung ang bawat isa ay nakakita ng pangyayari? I just ignored everything and pretend that all things were going well. I'm always at my usual self. I tried hard to show it to them.

Luke.

Ang desisyon niya sigurong halikan ako sa harap ng halos kalahati ng papulasyon ng school ay ang pinaka padalos dalos na desisyon na nasaksihan ko sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ginawa yon, at wala akong balak na alamin pa. I should have seen it before. Mali lahat ng anticipation na ginawa ko. Kung alam ko lang sana na ganito kalaki ang magiging epekto ng isa't isa saming dalawa ni Luke sana nung una pa lang, binali ko na.

Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakamali sa pagpaplano. Worst, hindi ko pa ito agad nakita ng maaga at nasolusyonan. We already have it on ourselves. The effect of each other. Mahirap na ito ngayon iwasan. Nakakainis pero pakiramdam ko unti unti nang nabubuo ang pagtitiwala ko sa kanya na hindi maganda. Hindi dapat. Dahil una pa lang, ang larong ito ay hindi para sa kasiyahan.

Luke
        Please. Talk to me please.

Luke
         I'm sorry. I'm sorry. Please, Celestine.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at sinilent ang cellphone ko bago inilagay ito sa bag ko. Nag focus nalang ulit ako sa analysis na ginagawa para sa isa kong subject. Patingin tingin ako sa mga librong nasa harap ko habang nagsusulat din ako ng mga statements na pwedeng sumuporta sa ginagawa ko.

Isa na rin siguro ang biglang pagbagsak saamin ng mga requirements at projects ang ipinagpapasalamat ko ngayon. Kailangan ko ng distraction at itong bagay na to lang ang nakakapagbigay saakin ng dahilan para makatakas sa gulong ako mismo ay isa sa unang nagsimula.

"Celestine."

Nag angat ako ng tingin kay Kaela na ngayon ay nakapalumbaba na sa harap ko. Bumuntong hininga siya na parang pagod na pagod na siya. Parehas kami ng ginagawa dahil halos lahat naman ng subjects namin ay magkakaparehas. Kung busy ako ay busy din siya pero alam ko ding hindi kayang tumigil nitong babaeng to sa isang lugar na ang tanging kaharap lang ay libro at papel.

"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong niya saakin gamit ang mababa niyang tono.

"Why would I? Naka upo lang naman ako dito?" I said and turn my eyes back on my business.

CrownlessWhere stories live. Discover now