Chapter 61: Video

Magsimula sa umpisa
                                    

"hindi! Hindi! Hindi ganun yun."
napapailing ako habang takip takip parin mukha ko. "Kasi si Carlo sabi nya puntahan ko daw yung baby ko, ang panget kaya pakinggan diba."
Hinawakan nya yung kamay ko at pilit inalis sa mukha ko.


"Cute. Red"

Nakangiti sya habang nakatitig sakin. Talagang inaasar ako nito. Ayaw pa bitawan kamay ko. Oo na! Nagblablush na ko. Sa nakakahiya eh!


"Isa ka pa! Sabihin mo sa mga tropa mo ah, kapag tatanungin ka sakin wag baby ang term na gamitin nila. Yung tipong Asan baby mo? Andun baby mo. Nakita mo baby mo? The fudge! Anak ba kita?"

bwisit. Ang haba haba ng sinabi ko, tinatawanan pa ko nito. Totoo naman kasi yun!

"Wag mo nga ko tawanan! Seryoso ako. Bakit ba kasi baby pa tawagan!"

"oh sorry na. Hindi na ko tatawa. Hayaan mo nalang kasi sila, mga inggit lang yun. Basta ikaw baby ko"

Hinalikan nya pa ko sa noo sabay yakap. Pasimple ah.


Baby. Tss. Kinuha na nga lang sa kanta, makalumang kanta pa. Myghaad!


"Alis nga! Maglaro ka na ulit."

"psh. Ayoko. Napadaan lang naman ako dito kasi hinahanap kita. bakit hindi mo kasama yung 'B MO'?"

Inemphasize pa talaga nya yung "B mo". Hindi ko na pinansin yun, hinila ko na lang sya paalis sa court.


"Wait. San tayo? At saka hindi mo sinagot tanong ko."

Aish! Kapag kasama ko si B,  nagtatanong sya, kapag hindi ko naman kasama, may tanong parin sya. Ano ba talaga?!

"Sir, If you don't mind pwede po ba tayong pumunta sa may field at tignan mga booth nila? At Sir, si Mr. Garcia po nasa room, tinatamad daw po sya maglakad. Ok na po sir? Nasagot ko na po ba tanong nyo sir"

Napangiti naman sya. Ginulo nya pa buhok ko sabay akbay sakin.


"Good. Pero ayoko pumunta dun. Maraming tao. Sa may bench nalang tayo"

"eeee. Sandali lang tayo. Promise!"

 


Bago pa sya sumagot hinila ako na sya para hindi na makaangal. Ang dami ngang tao, kung anu-anong pakulo nila. Naexcite tuloy ako magthursday. By year kasi every other day yung booth and sa friday lahatan na.



"Baby! Dito tayo dali. Mukhang masarap uh"

May cupcakes na cartoons yung design. YUM! Ang cute tignan pero nakakapanghinayang kainin.


"Ano kaya? Masarap lahat eh. Tignan mo. Huy! Halika dito"

Ano ba tong kasama ko. Halatang napilitan lang. Ayaw panglumapit. Pero ayaw din tanggalin pagkakahawak sa kamay ko, pano kaya ako makakapili nito?

"Iba lang designs, pero pare-pareho lang naman lasa nyan."

Siraan daw ba sa tapat talaga mismo ng mga nagtitinda? Bakit ba bigla na lang toh nagsusungit? Parang si Vince tuloy kasama ko ngayon.

Nagmakeface nalang ako sakanya at pinagpatuloy yung pagpili. Aww. Ang hirap. Gusto ko lahat.


"Bati na kaya sila?"

"Baka hindi pa nya alam"

"grabeh nuh. Nadisappoint talaga ako nung malaman yun. I really can't believe they can do that."

hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Ako ba pinag-uusapan ng dalawang toh na nasa tabi ko? Aish! Ano ba toh. Nakikinig pa kasi. Hindi nalang pumili.

"matagal ka pa?"

Napalingon naman ako sakanya. Ewan ko ba kung bakit atat na atat sya. Pumipili pa ko eh.!

Kukunin ko na sana yung wallet ko ng bigla kong maalala na nasa bag ko pala pati phone ko. Kinapa ko yung bulsa ko baka may nalagay akong pera pero waley talaga.

"Bakit? Nawawalan ka ng pera?"

"Hindi. naiwan ko pala sa bag wallet ko. Tara na nga. Balikan ko nalang yan mamaya"

Hayst. Halos manlumo ako. Ang tangek ko lang talaga. Natakam pa naman akong kainin yun. HUHU!



"Ako na magbabayad. Asan ba dyan?"

"Talaga?!"

Halos mapatalon naman ako sa tuwa. May sparks sparks pa sa mga mata ko. Napasmile naman sya sakin at tumango kaya dali-dali kong pinili yung gusto ko. KYAAAH!
So lucky!

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon