Chapter 8

870 24 0
                                    

Hindi ko in-expect na magigising ako ng alas-sais ng umaga. Tahimik pa ang buong bahay at sa tingin ko nga ay tulog pa silang lahat.

Naligo agad ako at bumaba para mag handa ng almusal. Hindi ako ganon kagaling magluto pero dahil nasanay ng minsan ay ako lang mag isa sa bahay, nakakapag luto naman ako ng maayos. Typical fried rice, eggs a d hotdogs lang ang niluto ko. Ininit ko nalang din sa microwave ang natirang ulam kagabi in case na gusto nila ulit yon kainin.

Pagkatapos mag luto, naisipan kong sa veranda ako kumain para nadin makapahangin ako at makapag isip isip. Nilapag ko ang toast at kape ko sa lamesa tsaka naupo.

Malamig ang simoy ng hangin dahil nga sa umaga pa, diko aakalaing ansarap din palang tumira sa probinsya dahil puro berde lang ang makikita mo at tahimik. Di mo maririnig yung away ng kapit bahay mo dahil sa napaka layo ng distansya.

Napaisip na naman ako sa ginawa ni Eusef. Oo, aminado naman akong mali ko dahil hindi ko binasa ng maayos ang kontrata, pinaalalahanan pa nga niya ko na dapat ko tong basahin ng maayos, pero dahil nga sa sobrang madali. Ayon ang nangyari.

Sa totoo lang, nagpapasalamat rin ako na nasa mabuting kalagayan ako. Maayos naman ako dito pero diko paring hindi maiwasan na hindi isipin sila Mama. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Sa ayaw o sa gustuhin ko man, nandito nako. Nakapirma sa kontrata at magiging babysitter ng dalawang taon. Ano kayang mangyayari after two years?

"Why are you so early?" halos malunod ako sa kapeng iniinom ko ng  biglang may sumulpot sa harap ko.

Si Oliver.

"Did you cook some breakfast?" tanong pa niya.

"Oo, ako na nagluto dahil unexpected na napaaga ang gising ko. Sino bang nagluluto dito?" napatulala pa siya sandali sa kapatagan bago siya nag salita. See? Maganda dito sa hacienda nila. Gusto ko lang yung hacienda, hindi yung may-ari.

"Ako," at tsaka siya um-exit. Napataas naman ang kilay ko. Ba't siya umalis agad? Minsan talaga nawe-weirduhan nako sa mga tao dito eh. Bigla bigla nalang mag iiba yung mood. Jusko, sana lang hindi ako makatulad nila.

Hindi ko nalang ulit siya pinansin at tinapos nalang ang kinakain ko. Hinugasan ko narin ang lahat na dapat hugasan tsaka lumabas. Gusto ko lang mag lakad lakad, kung titira ako dito ng two years aba, dapat lang na ma-familiar ko itong place nato. Tsaka maganda naman ang mga tanawin. Hindi pangkaraniwang nakikita.

Habang naglalakad sa damuhan ng naka tsinelas lang, hindi ko maiwasang hindi mapa-aray sa mga langgam na kumakagat sakin kapag napapahinto ako at nakiki-usyoso sa mga nakikita. Pati ba naman langgam pinapalayas ako.

Hindi naman agad ako na-boring pero ng marinig ang pag usog ng mga bakal na upuan sa veranda ay agad naman akong napapunta doon. Gising na ang kinaiinisan kong tao.

Kahapon, naging maayos naman ang takbo ng araw kahit na na-bwiset talaga ako ng sobra. Nagawa namin ang gustong gawin na make up session ni Madelaine at masaya naman ako. Mas maigi nalang siguro na tanggapin kung ano mang gusto ni Eusef na gawin ko dahil sisiguraduhin kong pagkatapos ng kontrata ko dito, hindi na ulit kami magkikita.

Pero pano si Madelaine? Kaya ko bang hindi na ulit siya makita?

"Why are you so early?" parehang tanong ni Eusef gaya ng tanong ni Oliver kanina. Dapat din siguro maaga nakong nagigising at hindi tinatanghali dahil may natitira pa namang hiya sa katawan ko, di katulad nitong makapal na mukhang kausap ko.

"Paki mo?" pananaray ko. Yan ang naisipan kong gawin kagabi, everytime na makikipag usap siya sakin, mamimilosopo ako o sasagot ng pabalang. Tutal di rin naman siya makausap ng maayos so...

Papasok na sana ako ng bahay para gisingin na si Madelaine ng biglang mag salita ang mokong.

"Is this a revenge?" tanong niya. Agad naman akong lumingon.

"No, pero kung yan ang gusto mong isipin them, sure why not?" pagtataray ko naman.

"Is this because of—"

"Oo, aminado nga akong kasalanan ko kung bakit hindi ko binasa ng maayos ang kontrata bago pumirma. But, don't worry, may kontrata man o wala madali naman akong kausap. So please, excuse me? Gagawin ko na ang trabaho ko," ngumiti pako bago ako mawala sa paningin niya. Nakita ko pang nakatingin parin siya sa peripheral vision ko. Ano? Di ka makapaniwalang sinagot kita? Buti nga sayo.

Nang makarating ako sa second floor, mahina akong kumatok at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ni Madelaine. Siya nalang ang nagiging source of energy ko dahil wala namang ibang taong makakasundo ko kundi siya lang naman.

"Ate? Hello, good morning!" masigla niyang bati. Nakakainggit lang minsan ang mood ni Madelaine, buti pa siya walang kinabi-bwisetan.

"Hi! Bakit ang aga mo?" medyo nagulat pako dahil meron siyang inaasikasong bag na pinaglalagyan niya ng mga laruan at mga libro.

"I'm going to school ate, Daddy enrolled me in a small private school. Are you excited?" I can how her eues twinkle in excitement. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti.

"Of course! I'm excited!" nakalagay din kaya sa kontrata na kasama rin ako sa school niya? Talagang pinapamukha sakin na kasalanan ko talaga eh no.

"Well, come on! Let's go!" hinila na niya ko palabas ng kwarto niya at bumaba na. Kaya pala nakabihis din si Eusef at baka siya ang mag hahatid.

"Ate, you know this is my first time entering an actual school 'cause Daddy won't let me when I was in kinder. I don't know what's the reason behind it but I don't like being at home while studying, I don't have classmates to play with," kwento niya.
Nakaramdam naman kaagad ako ng lungkot. Hindi ko pa alam ang buong storya kung bakit nag hiwalay ang parents niya at nasa puder na siya ni Eusef pero sa tingin ko, parang ayoko nalang din malaman. Kung sakaling hihilingin ni Eusef na wag kong sabihin kay Madelaine ang buong storya, masasaktan ko si Madelaine sa pag tago ng sekretong dapat niyang malaman.

"Pero ngayon, you can play with everyone even me!" pag chi-cheer up ko sakanya. Bigla siyang natahimik. Naglalakad na kami papunta sa sasakyan para ihatid siya.

"Oh, bakit malungkot?"

"I'm not sad, it just feels different when I have someone now to be with even on my way to school. I'm happy that you're here ate, thank you, " malambing niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi niya at pinigilang hindi maluha. Jusko, hindi ko talaga maimagine na mapapahiwalay ako sakanya after two years.

"You're welcome baby,"

Pagkatapos nun, pinili ko nalang manahimik habang nag-aantay sa driver. Sana naman si Oliver ano, para naman gumaan gaan ang araw ko kaya lang pinasadya talaga ata ng buhay na laging kaming magkikita.

"Madelaine where—why are you sitting there?" biglang nalipat ang tanong sakin. Nagkatinginan naman kami ni Madelaine bago bumalik ang tingin kay Eusef. Anong problema niya kung dito ako nakaupo?

"Sit in front, I'm not your driver," hindi ako nakinig, at tumulala nalang sa labas. Bahala siyang mag-salita ng mag-salita

"Are you liste—"

"Dad? I'm gonna be late, can we go now?" natahimik ang loob ng sasakyan at pinigilan kong hindi matawa sa sinabi ni Madelaine. Actually, walang nakakatawa. Pero the fact na we are all in this one awkward situation, sobrang katawa tawa.

"Okay, we're going now baby," yan nalang ang nasabi niya. Pag tingin ko sa harap, masama na ang tingin niya sakin sa rearview mirror at binelatan ko siya. Napairap naman siya at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.

Ang saya palang inisin siya no? Magawa nga ulit.

I mean...

Sisiguraduhin kong mapapadalas ang pambi-bwiset ko sakanya. Para naman makabawi ako no! Lagi nalang ako ang talo eh.

But not this time, humanda ka sa mga susunod na araw Eusef.

edited version (10-07-20)

note: I'll be updating again tonight for the double update na pambawi ko :)

Babysitter ✔Where stories live. Discover now